Pages

Tuesday, January 31, 2012

cUtietot de semantic map


Sa pagsilip ng liwanag mula sa madilim na kahapon, hindi matumbasan ang aking kaligayahan sa anumang materyal na bagay na aking nabatid sa pagsulat kong ito. Sa dakong Timog-silangang Mindanao ay may Unibersidad na tampok sa paksang ito ang University of Southeastern Philippines o tanyag sa ngalang USeP. Hindi matatawaran ang galing sa abilidad, husay sa talinto at maging sa larangan ng talino ay di maikukubli na mataas na ang narating nang pamantasang ito. Subalit, ang tanong ano ba ang nasa likod ng USeP?

Ang USeP ay kilala sa tawag na Iskalar ng Bayan na halos walong pu’t porsyento (80%) na mag-aaral ay libreng pinapaaral ng gobyerno samakatuwid, talaga nga naming mahusay at matalino ang nagsisipag enrol dito sa kabila ng hirap sa buhay at may maibubuga na ang USeP ay lugar at kilala sa tanyag na ngalang Iskalar ng Bayan. Ito rin ay hindi mabigat sa bulsa bakit? Dahilan sa ito ay pampublikong paaralan ng ginagabayan ng gobyerno mula sa mga tax payers at pagbibigay ng budget bawat taon na kung ihahalintulad sa pribadong eskwelahan ay talagang magaan sa bulsa ang bawat ibinabayad ng mag-aaral dito.

Ang USeP rin ay may mataas na antas na Edukasyon mula sa kalidad sa pagtuturo, magagaling na mga estyudyante at maging sa parangal na natatamasa upang bigyang diin, ang USeP ay napabilang sa top 201 Asian University rankings na opisyal na inilahad mula sa Quacquarelli Symonds a career and education network at nag-iisang uniberisidad sa Mindanao na napabilang sa top 5, kasali rin ang UP-diliman na naguna kasunod ang ADMU, UST, DLSU at USeP. Talagang mataas ang antas ng edukasyon sa pagiging “by becoming a premier university in ASEAN region.”

Ngunit sa kabila ng mga maralitang salita ay may nakatagong ibat-ibang problema ang nasa likod ng tanyag na pamantasan at kung susuriiin maraming mga pagsubok, una ang pasildad na walang sapat at maayos na silid aralan na naging mahirap sa estudyante na makapag pokus sa pag-aaral. Mahirap makapasa, maraming proyekto, at kong minsay hindi makatulog ng maayos o kulang sa tulog at kapag nakuha na ang marka 3.0 ay lubha ka nang masaya. Ilan lang yan sa mga pagsusubok na nanatiling angat ang USeP sa pagiging Iskalar ng Bayan at pagkakaroon ng mataas na antas sa edukasyon na walang salita na maaring ihalintulad kundi “ikaw USeP ang tanyag sa lahat” at sa aking puso’t isipan akoy mananatiling Yanong USePian.

University of Southeastern Philippines
B.O Obrero, Davao City
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Mga Tayutay
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Ipinasa ni:
Gracel Joy I. Patulot
BTTE-2C
 
 
 
 
 
Ipinasa kay:
Mark Anthony Obsioma
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
January 13, 2012
 
 
 
ALITERASYON
  1. Si Dan ay dumaan sa dalampasigan.
  2. Si Peter at Pedro ay kambal na ipinanganak  sa   Puerto Prinsesa.
  3. Mukhang mamamamatay na ang mukhang maamo nang masaksak ng isang mama.
 
 
ASONANS
  1. Nalungkot ang mag-anak nang mamatay ang lungkutin nilang bunso.
  2. Ipinagbili niya ang nabili niyang selpon sa kanyang kaibigan kaya binili agad ito.
  3. Natawa sila sa nakakatawang biro ng payasong tawa ng tawa.
 
 
KONSONANS
  1. Sinibat niya ang mabangis at nakakatakot na hayop sa gubat.
  2. Si An-An ay may dalang prutas na dalandan at pandan.
  3. Si Macias ay pumitas ng prutas tulad ng bayabas.
 
 
ONOMATOPIYA
1.                  Narinig ko ang yabag ng mga paa na paakyat sa hagdanan.
2.                  Bulong ng hangin ang narinig ko sa gitna ng dilim.
3.                  Kuliling ng kampana ang sumigaw sa buong kabayanan sa oras ng simbang gabi..
 
 
ANAPORA
  1. Tao ang binuo ng Diyos. Tao ang nabubuhay at nag-aalaga sa kapaligiran. Pero bakit maraming taong gumagawa ng illegal na gawain. Tao rin ba ang sisira sa kalikasan natin?
  2.  
  3.  
 
 
EPIPORA
  1. Pera ng bayan,para sa bayan.
  2. Aalis ka dito, babalik at babalik ka rin dito.
  3. Ayon sa bibliya,ang tao ay galing sa abo at magtatapos din sa abo.
 
 
ANADIPLOSIS
  1.  Ang Davao ay nabibilang sa Mindanao .
Ang Mindanao ay nabibilang sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay nabibilang sa Timog-Silangang Asya.
  1. Irog kong aking sinisinta,
Sinisinta kong aking minumutya
Minumutya kita ng nasa diwa
Nasa diwa moy aking alaala.
  1.  
 
 
PAGTUTULAD O SIMILI
  1. Mabilis siyang tumakbo tulad ng isang kabayo.
  2. Tuwing kasama ko siya ay parang nasa alapaap na ako.
  3. Naging masaya na ako nung dumating ang isang tulad mo.
 
 
PAGWAWANGIS O METAPORA
  1. Ang anghel sa tahanan ay ang malusog na sanggol.
  2. Ang kaduda-dudang lalaki ay isang criminal.
  3. Ang totoong kagandahan ay nasa iyong kalooban.
 
 
PAGBIBIGAY-KATAUHAN O PERSONIPIKASYON
  1. Nang buksan ko ang radio ay kay-ingay nito.
  2. Kinain ng apoy ang bahay ni Estella.
  3. Nagtatatalon ang bola nang itapon ito.
 
 
PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI
  1. Ang laki ng problema mo at nakasayad na ang nguso mo.
  2. Hanggang tenga ang ngiti ko nang makita ko siya.
  3. Umuulan ng bala sa labanan sa digmaan.
 
 
PAGPAPALIT-TAWAG O METONIMI
  1. Malakabayo siya kung tumakbo kaya lagi siyang nanalo.
  2. Gabi-gabi siyang nag-aaral kaya lagi siyang nabibigyan ng parangal.
  3. Malabo na ang mata,hirap nang makatayo at amoy lupa na.
 
 
PAGPAPALIT-SAKLAW O SINEDOKI
  1. Nagsusunog siya ng kilay upang makaahon sila sa kahirapan.
  2. Patuloy pa rin si Isko sa pagpantay ng kanyang mga paa kaya tuloy hindi siya umaasenso.
  3. Balat-sibuyas ang nanay ni Rica tuwing nakakapanood ng nakakaiyak na drama.
 
 
PAGLUMANAY O EUPEMISMO
  1. Isang lalaki(kriminal) ang nakakulong sa selda(kulungan) ngayon.
  2. Laman ng lansangan ang mga batang(palaboy) nanlilimos.
  3. Matalim(matulis) na kutsilyo ang ginamit sa pagpatay sa babae(biktima).
 
 
RETORIKAL NA TANONG
  1. Kailan ba puputi ang uwak?
  2. Mahihiwa ba ang kamay mo kapag inilapat ang matulis na kutsilyo?
  3. Magagawa bang tikisin ang nararamdaman kung ang lahat ay nauwi sa kasinungalingan?
 
 
PAGSUSUKDOL O KLAYMAKS
  1. Ang putol na puno ay nagsipagtayugan,ang mga bulaklak ay nagsipagbuka at ang mga damo ay magsipagluntian na ngayon nang alagaan ito.
  2. Habang ang gabi ay nababalot ng dilim at ang paligid ay puno ng malamig na hangin,sinamyo nila ang malamusika na gabi nang sila ay magkatabi.
  3. Ang babaeng mahirap ay naging milyonarya nang makasal siya sa isang gobernador.
 
 
ANTI-KLAYMAKS
  1. Noon, ang kagubatan ay punong-puno ng mga hayop,hanggang sa naglaho at nakalbo at ngayo’y dinadayo.
  2. Noon, maraming humahanga sa kanyang katalinuhan hanggang sa siya ay nalulong sa masamang bisyo at ngayo’y tumigil na sa  pag-aaral.
  3. Noon, punong-puno ng ligaya at saya kung magkasama sila hanggang sila ay pinagkait ng tadhana at tuluyan nang di nagkita.
 
 
PAGTATAMBIS O OKSIMORON
  1. Ang klase ng gulay ay may bilog at may pahabang bilog, may berde at may iba ang kulay,may masarap at may pait.
  2. Ang klase ng tao ay may maitim at may maputi,may matangkad at may pandak,may mataba at may payat.
  3. Ang klase ng estudyante ay may matalino at may hindi masyadong matalino,may seryoso at may palatawa,may nangongopya at may nagpapakopya.
 
 
PAG-UYAM O IRONIYA
  1. Ang lakas din naman pala ng loob mo, aalis-alis ka dito,babalik din pala.
  2. Ang galing mo,nabola mo ako at pinaikot sa mga palad mo.
  3. Gwapo niya,bobon nga lang!
 
 
PARALELISMO
  1. Ang pamilyang sama-samang dumadalangin,sama-sama ding mananatili.
  2. Isang pumpon ng bulaklak,isang pumpon din ng tsokolate.
  3. Araw-araw kitang nakikita,araw-araw din akong nabubwisit!
 
 












                                                                                 Bilang isang UsePian
Bilang isang mag-aaral sa UseP, ,marami pang mga proseso ang gagawin upang maging isa sa mga mag-aaral ng unibersidad. Maging ang pagsabak sa entrance exam ay gagawin pa upang makakuha ka lang ng mataas na antas.
Bilang obserbasyon ko sa unibersidad na ito. Naging usap-usapan rin ang gusali kung saan at kung alin ang mas magandang oportunidad. Sa pagpasok ko bilang isang UsePian,nadama ko ang pagod,pagyamot,poot at pagkawalang pag-asa. Pero sa tulong at suporta na ginawa ng mga kaibigan, nadama ko ang saya. Naging palaban ako sa anumang pagsubok. Naobserba ko rin na mga pa lang mga estudyante ang nagsipagtapos at nagkaroon ng mas magandang oportunidad. Ang unibersidad na ito ay nakakatulong dahil ito ay isa sa mga pamantayan sa larangan ng edukasyon.
Bilang estudyante ay magkakaroon ng problema at pagsubok. Maging ang mga proyekto na halos hindi na makayanan kabilang na dito ang pinansiyal. Pero ito ay isa sa mga responsibilidad bilang mag-aaral.
Ang pagiging UsePian ko ay ipinagmamalaki ko. Dahil dito, nagkaroon ako ng mas magandang oportunidad tulad ng scholarship. Nakakapag-aral ako dahil sa tulong nito. Alam ko na marami-rami rin ang nakatanggap at nagkaroon ng scholarship na inaalok sa mga mag-aaral na gustong makatapos sa pag-aaral.
Tanong ko lang,isa ka ba doon?

USEP

University of Southeastern Philippines (USEP) ay may anim na Colleges ito ang mga sumusunod CT, Engineering, Education, College of Art and Sciences, CGBE at Evening Programs. Ang mga Colleges na ito ay nag bibigay ng iba't ibang kurso sa koleheyo.
Aang CT ay binobuo ng iba't ibang antas, ito ang mga sumusunod: Rac, automotive, civil, electronics, electrical at mechanical courses.
Ang Engineering naman ay ang mga ito: Electrical, Civil, Architecture, mechanical, Geo at iba pa.
Dito naman tayo sa CAS, ang CAS naman ay mga iba't ibang bahagi din katulad nang iban pang Colleges, Philosophy, logic
Ang evening Program ay halo-halo na lahat ng kurso.
iba-iba ang kategorya ng bawat colleges subalit nagdedepende lng ito sa mga guro panu nila turuan ang kanilang mga estudyante.

Monday, January 30, 2012

tayutay

BORRES, SHENDY JOY
BTTE-2C

MGA TAYUTAY
a.       Aliterasyon
1.      Ang isang pagmamahal ay hindi mabubuwag ng sino man.
2.      Masasayang mukha magkakapamilya ang sumalubong sa bagong taon
3.      Nag-aalangang umalis ang suspek sa gitna ng trahidya.

b.      Asonans.
1.      Masisinop mag-aral ang ilang kabataab ngayon.
2.      Nagliliparan ang mga ibon sa gitna ng magandang panahon.
3.      Nangangaba ang puso ko sa tuwing nakikita kita.
c.       Konsonans.
1.      Isang malaking hinagpis ng magkakapatid ang pakakamatay ng kanilang magulang
2.      Nakakamangha ang storya ng kanyang tunay na buhay.
3.      Nakakaaliw ang ganda nyang mukha.
d.      Onomatopiya.
1.      Sikat ng araw ang sumalubong sa amin kinaumagahan
2.      Dagundong at kulog sa kalangitan ang masama ng panahon.
3.      Ihip ng hangin ay kay lamig
e.       Anaphora.
1.      Pagmamahal sa bayan ang susi ng kapayapaan. Pagmamahal sa kapwa ang syang hangarin ng diyos. Ngunit pagmamahal din ba ang sisira sa isang tao? At pagmamahal din ba ng iba ang wawasak ng isang pamilya?
2.      Pera ay nakakapagpabago ng isang buhay. Pera ang dahilan ng pasisikap. Ngunit pera din ba ay ikakawasak ng ilang buhay? At pera din ba ang  tumutulak sa maling daan.
3.      Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay. diyos din ang nagpapasakit sa lahat ng ating kasalanan. Ngunit ang diyos parin din ang dapat nating sisihin sa mga unos nga ating buhay? At ang diyos ba ang kasalanan ng mga kalamidang kumitil ng ilang buhay sa gitna ng mga kalamidad?
f.       Epipora.
1.      Edukasyon para sa lahat, gawa ng tao at mula sa tao
2.      Buhay ng tao ay gawa ng diyos, bigay ng diyos at mula sa diyos.
3.      Sasakyan ay gawa ng tao,para sa tao, mula sa tao.
g.      Anadiplosis.
1.      Mukha mo ang nagbigay sakin ng saya sa puso
Puso na tumitibuk na parang humihingal na aso
Aso  man ay handa akong kagatin
Kagatin ko lahat para ikaw ay mapa sa akin.
2.      Ikaw lang at wala ng iba
Iba  sa puso ko at ligaya
Ligaya ko ay labis na labis
Labis na sinisigaw paulit-ulit
3.      Sakit sa puso’y agad nawala
Nawala ng ika’y aking nakita
Nakita ko ang isang magandang dilag
Dilag na nagpapanganga sa akin magdamag.
h.      Simili.
1.      Masaya akong kapiling ka para bang akoy nakalutang sa iri.
2.      Galit nag alit parang isang tegring gustong mangagat.
3.      Ang ganda nya parang isang anghel sa langit.
i.        Metapora.
1.      Salamin ka ng katotohanan
2.      Buhay ay makulay
3.      Dasal ka sa aking panalangin.
j.        Personipikasyon.
1.      Mabilis lumambot ang puso nya sa mahihirap.
2.      Kapit sa patalim ang mga naranasan nya.
3.      Mabilis tinangay ng hangin ang pangarap nya.
k.      Hayperrboli
1.      Gumunaw ang mundo ko Makita kong may patay na tao.
2.      Bumaha ng luha sa kakaiyak ko.
3.      Umusok ang tiynga nya sa subrang galit.
l.        Metonimi.
1.      Matalino talaga syang bata, isang minute lng ay agad nyang natapus ang board exam.
2.      Malakas talaga syang kumain, limang kanin ay agad agad nyang naubos.
3.      Mabilis talaga syang tumakbo, isang milya ay Segundo nyang naabot agad.
m.    Sinekdoki.
1.      Lumabas sya  ng ibang bansa,sabay ng agos ng buhay
2.      Hawak kamay nilang nalagpasan ang problema.
3.      Higpit ng sinturon ang kanyang ama.
n.      Eupemismo.
1.      Nagawa mo pa akong pagtaksilan(nagluko)bakit sa amin pa(pamilya).
2.      Dahil sa taas ng lipad (pangarap) mo ay agad karing nadapa(nasira).
3.      Kahit suntok sa buwan(galit) ay lalambot (babait)din.
      n. Retorikal na tanong.
1.      Makakaya kaya ng isang ibon na lumipad kong wala itong isang pak-pak?
2.      Sasama kaya ang kaluuban mo pag ikaw ay sasaktan?
3.      Masusunog kaya ang papel kong ito ay sisindihan?
      ng. Klaymaks.
1.      Kumuha siya ng isang matalim na bagay sa pag-aakalang may isang masamang taong gusto manakit.
2.      Agad-agad siyang pumasok sa bahay upang makita ang totoo nyang ina.
3.      Hinalikan sya nito ng madalian nang sila ay nagkita.
       o. Antiklaymaks.
1.      Tumahimik sya sa tabi ng magtampo sa di pag.intindihan sa sinabi,agad umiyak at pumasok sa silid.
2.      Sunod-sunod nyang ginawa ang mga problemang mag.isa, kasunod ng napagdaanang hinagpis.
3.      Napalunok at napaiyak pero agad-agad naman itong binawi ng hindi sya pinansin ng iba.
       p. Oksimoron.
1.      Ang tao ay magkaiba: may mayaman at may mahirap, may maputi at may maitim, may mataas at may pandak.
2.      Ang buhay ay kay saya: may makulay at may madilim, may sarap at may sakit.
3.      Ang panahon ay nag-iiba: may tag-ulan at may tag-init, may tag-sibol at may tag-lamig. 
       q. Ironiya.
1.      Magaling magsalita wala naman sa gawa.
2.      Mayaman sana madamot lng sa pera.
3.      Maganda sana wala lang utak
        r. Parlelismo.
1.      Iyan ang magandang  pamilya: tulong-tulong sa lahat ng bagay, tulong-tulong rin sa pagharap sa problema.
2.      Iyan ang totoong umiibig: kayang gawin ang lahat para sa minamahal, kaya rin bitawan ang lahat dahil sa minamahal.
3.      Ito ang tunay na bayani: ginagawa ang mabuti alan-alang sa ating bayan, ginagawa rin   ang pagbuwis sa buhay para sa nakakarami.