Pages

Monday, January 23, 2012

Ang Buhay ko sa USEP

Unang araw kosa USEP ay sadyang nakakapanibago. Merong matataas na college building, malapad na paaralan, mahangin na paligid, malalaking puno, at marami paong iba. Meron ding mga gurong naka glasses pa at maayos mag lakad, mga professional kung baga. Andon din ang nakakatakot na gwardya at klase-klaseng mga studyanteng tulad ko ring pumipila para sa entrance exam. Nakakatakot ngang isipin na sa karami-rami naming, baka hindi ako pumasa. Pero sa kabila ng lahat ng mga nakakapanibago sa akin, nagtagumpay naman ako at naging official student din sa Unibersidad na iyon.

Nag simula ito sa EBP o English Bridge Program. Marami akong nakasalubong na mga studyante, karamihan sa mga una kong nakilala sa paaralang iyon ay ang mga ka-klase ko sa EBP. Nakaka-challenge ang mga kagaya nila. Karamihan ay mga matatalino. Ang iba pa ngay valedictorian at salutatorian sa high school. Mga talented din ang iba. May magagaling sa art o pagguhit, sa pagsayaw, sa pag gitara at pag kanta. Hinamon ko ang sarili ko na maipakita rin ang kakayahan ko. Hindi ako naging iba kundi naging isa pa ako sa kanila. Matapos ang EBP, panibagong hamon na naman ang sinalubong ko. Hindi ako nakapasok sa kursong BSBA na talagang matagal ko na sanang minimithi. At dahil doon, nag IT student na lamang ako. Napakahirap nang buhay na naranasan ko roon. Bago pa lamang ako sa mundo ng kompyuter kung kaya’y lalong mas naghirap ako. Nanghina ang loob ko bilang 1st yr student na mabagsak sa ilang subject. Pagkatapos ko ng isang taon bilang IT student, nag desisyon akong lumipat sa College of Technology. Doon ay nag BTTE student ako major in computer technology. Ngayon ay dito na umiikot ang mundo ko sa pag-aaral. Komportable ako dito at napatunayang kong kahit saan pa akong college lumipat, kung andito rin lang naman sa USEP ay napaka hirap naman talaga.

Sadyang napakahirap at hindi biro ang mag-aral sa kolihiyo. Ito ay kakaiba at talagang nakakapanibago. Magkaka problema ka sa kurso mo, sa mga guro, sa pera at maging sa mga proyekto. Isama pa natin ang bumabahang paligid tuwing tag-ulan, malayong rooms na pagka-klasehan. Hindi man madali, hindi man kapwa ang buhay, mananatili naman ang saya lalo na’t andiyan ang mga kaibigang walang sawang sumusuporta’t magbibigay aliw sa iyo. Dito na ang mundo ko. Dito ako nagsimula, dito rin ako magtatapos.

No comments:

Post a Comment