Pages

Thursday, January 26, 2012

ANG DAVAO CITY

TAHANAN NI PAG-ASA 
Matatagpuan sa  Barangay Malagos, Davao City ang isa sa uri ng ating pambansang ibon si Pag-asa. Siya ay pinangangalagaan ng Philippine Eagle foundation upang mapreserba ang lahi ng mga Agila sa bansa lalo na dito sa Mindanao na natural na tahanan nito.  Si Pag-asa ay isa sa pinakamalakas at pinakamalaki na uri nang mga Agila sa mundo. Sa panahon natin ngayon na nauubos na ang mga kagubatan dahil sa mina, kaingin, logging atbp. napakahalaga ang ginagawang pagprotekta sa lahi ni Pag-asa.

I-DIAL 911
Hindi magpapahuli and Davao City sa pagsugpo nang mga krimen at sa pagpapanatili ng seguridad sa mga naninirahan dito kaya naman noong 2002 naisip ang 911 hanggang sa nailunsad ito. Pangatlo ang ating syudad sa mundo na magkaroon at gumamit ng teknolohiyang ito, isang teknolohiya na isang tawag lang ay matutugunan na ang problema mo at banta sa iyong buhay. Ngayon ay napapakinabangan pa lalo ng mga tao at nagbibigay ng impresyon hindi lang sa atin kindi sa mga banyaga rin na totoong ligtas tumira sa Davao city.

PINAKAMATAAS NA BUNDOK SA BANSA
Gusto nyo bang umakyat ng bundok sa bansa? Unahin at piliin mo ang Bundok Apo dahil ito ang pinakamataas na may sukat na 2,954 metros.  Matatagpuan ito sa Davao City at Rehiyon 11 kasama  na ang Cotabato sa Rehiyon 12. Ito ay dineklarang isang Liwasan ni dating pangulong  Manuel Quezon noong May 9,1936. At bilang isang protektadong lugar noong Feb. 3, 2004 upang mapanatili ang kagandahan nito at maprotektahan sa alinmang banta nang pagkasira ang paligid.

ANG AMING MAHAL NA ALKALDE
Sa pulitikal na aspeto ay masasabing mapagkakatiwalan natin ang mga namumuno sa ating syudad sa kasalukuyan. Epektibo ang ginagawang mga desiyon at aksyon ng ating alkalde. Alam natin na malaki ang nagawang kabutihan ng dati nating alkalde. Siya ay kinilala sa kanyang strikto na pagpapatupad ng mga batas na naging dahilan upang bansagan ang syudad na isa sa pinakaligas na lugar sa Timog-Silangang Asya. Tinagurian siyang “The Punisher” ng Time Magazine. At ang pumalit sa kanya ay naging konsistent din sa pagprotekta sa syudad laban sa mga krimen at gulo. Malapit sa mga mahihirap at may paninindigan hindi  takot na lumaban para sa kapakanan ng nakakarami. Siya ay mana sa kanyang Ama.

LIGTAS NA TIRAHAN SA ASYA
Dahil sa strikto na pagpapatupad ng maga batas-panseguridad ng namumuno sa syudad ay minsan ng binansagang Ligtas Tirahan ang Davao City kung ihahambig sa ibang lugar sa T.S. Asya. Malaki ang pakinabang nito sa industriya ng Turismo sapagkat nahihimok na magbakasyon ang ibang turista sa Mindanao na may tiwalang manatili sa Davao. Malaking tulong din ang kaligtasan sa mga lokal na naninirahan sa syudad dahil nababawasan na ang mga krimen at pangamba hindi gaya noong mga nagdaang panahon.

MABANGO AT MAHAL NA ORKIDYA
Matatagpuan sa Rehiyon ang Tinaguriang Reyna ng mga Orkidyas sa Pilipinas ang Waling-waling. Ito ay kabilang rin sa mga pinakamagandang orkidyas sa buong mundo. Ang waling-waling ay tumutubo ng may taas na 60 hanggang 120 sentimetro. Ito ay nagsisimulang mamukadkad kapag ito ay may haba na 30 sentimetro at may ilang bilang ng mga patag at baluktot na mga dahon. Ang bulaklak, ang pinakamalaki sa lahat ng orkidya sa Pilipinas, ay may lapad na 7.5 hanggang 12.5 sentimetro. Ang waling-waling ay tumutubo sa kagubatan ng Mindanao na may mataas na kahalumigmigan, temperatura at pag-ulan sa buong taon. Bagaman, ang waling-waling ay isang epiphytic ( isang halaman o bulaklak na tumutubo sa mga puno ngunit hindi kumukuha ng nutrisyon sa puno), ito ay maaaring palakihin at itanim sa mga plorera o paso na may kasamang piraso ng uling. Ito ay nangangailangan ng saganang sikat ng araw at regular na suplay ng pataba upang mamulaklak. Ginagamit ang waling-waling para sa corsage at sa mga kasal. Ito rin ay ginagamit ng mga orchid breeders upang gumawa ng mga bagong hybrid ng waling-waling. 

MATATAG NA EKONOMIYA
Ang Davao City ay ang pinakamalaking syudad sa Mindanao. Ang kanyag daungan at paliparan ay isa sa binibisita ng maraming sasakyan sa Pipipinas. Matatawag nating may sariling pamamahala ang syudad sa nasasakupan kung ikukumpara sa ibang probinsya sa bansa. May populasyon na 1,530,365 na halos kasinglaki at kayang makipag kompetensiya sa Maynila. Sa mga nagdaang panahon ang syudad ay naging pugad ng turista, trabaho, negosyo sa buong Mindanao. Ito ay nahirang na 87th Fastest Growing City in the World ng City Mayors Foundation at 10th “Asian City of the future” ng Foreign Direct Invesment  Magazine.

ANG TAMIS NG DURIAN
Bukod sa Bundok  Apo, magandang mga tanawin ay kilala rin ang syudad sa pagkakaroon ng prutas na kakaiba ang Durian. Naging tanyag ang prutas na ito dahil sa kanyang malakas na amoy tamis, tinik tinik na balat ngunit napakatamis ang laman. Tuwing Kadayawan Festival na Tinawag ring festival of Festivals  na ginaganap sa buwan ng Agosto ay  nakahilira sa mga bangketa ang Durian at iba pang uri ng prutas. Nagpapatunay na mayaman sa likas na yaman ang syudad at buong rehiyon.

ROLAND O. NOCETE 
BTTE-2D ELC

1 comment: