Pages

Thursday, January 26, 2012

Aubrey Jean P. Asilo
BTTE-2D


Ang Kaharian ng Lungsod ng Dabaw


      Hindi ko lubos maisip kung kaylan at sa paanong paraan naitayo ang lugar ng Lungsod Dabaw  maaring likas na talaga ang salitang lungsod ng Dabaw  noon paman.  Nang sa pagmulat ng aking dalawang mata nagisnan ko ang likas at tunay na anyo na Lungsod ng Dabaw na, ng hindi ko namamalayan na sa paglipas ng panahon ay unti-unti naman itong umuusad sa henerasyon natin ngayon.




     Ang salitang Dabaw ang tangi naming kaharian, syempre! Dito kami lumaki . Ang Lungsod ng Dabaw ding ito ay pinangungunahan ng ating mayor kung san tayong mga dabawenyo ang lubos na kanyang iniintidi at pinakamamahal. Ang mayor ding ito ay lubos na tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong , tayo ring mga dabawenyo  ay lubos nating tinatangkilik ang ating sariling atin gaya ng sariling angking galing na binigay sa atin ng poong maykapal ,  likas din sa lugar na ito ang pagiging disiplinado  ng bawat isa sa kapwa tao , sa Diyos at higit sa lahat ang batas na nagbibigay alam sa atin kung alin ang tama o mali. Ang lungsod ng Dabaw rin ay isa rin sa pinakamalinis na lugar at tahimik na lugar kung san ang lugar namin ay pinapatili naming sa tunay na kaayusan at kaanyuan.  Maiituturing din  naming ang lugar na ito ay isa sa mga touristpot na pinupuntahan ng mga taga labas , ALAM NYO KUNG BAKIT?




     Ang Lungsod ng Dabaw ay Marami ng Pinatunayan  sa paglipas ng ating henerasyon  isa na dito ang paglago  ng ating likas yaman kung san may mga taga ibang bansa ang tumatangkilik na  dito , kasama rin sa pag-usad ang kagandahan ng ating mga   pasyalan na habang tumatagal at maraming tao ang tumatangkilik ay patuloy pa rin itong lubos na pinapaganda na sa habang patuloy mong iniikot ang aming kapuloan o  kaharian ay mapapansin mo rin ang aming yaman sa mga sustansyadong mga pagkain gaya ng prutas at iba pang pagkaing pinoy na pag natikman mo , tiyak! Lubos mo itong hahanaphanapin.

  Ang Kaharian naming ito ay patuloy na magbibigay sa inyo ng saya at  inspirayon  sa mga taong gusoing Makita ang tunay na kagandahan ng aming lungsod . Iisa lang man ang aming  hangarin yun ay maipakita ang tunay na kaharian  ng aming lungsod ng Dabaw.  

  
    Sa paglipas pa ng mga ilang taon  alam ko at alam  nyo na ang lungsod na ito ay uusad pa ng uusad sa pagdating ng mga henerasyon  at sana sa patuloy na pag-unlad nito ay hindi ito magbabago sa kung anong dating anyo ay ganun pa rin ang tunay at kahalagahan nitong anyo . Na sa mata at sa isip ng tao ay maitatak ang salitang . . . .
                          
            
‘’ IBA TALAGA ANG LUNGSOD NG DABAW’’





Pasyalan at sustansyang pagkain.





 Ganda ng Davao …. Kaya Tara Na !!


No comments:

Post a Comment