Pages

Saturday, January 21, 2012

BORNEA, Maureen

BORNEA, Maureen
BTTE- Comtech 2D


1) ALITERASYON
• Kabahan ka, hilain mo ang kadenang may kalansing.
• Masinsinang niyang nilangoy ang batis matapos marating ang Malita.
• Nasiyahan ako nang nakita ko ang payasong nakangiti kahit namamanglaw.


2) ASONANS
• Dumapo ang ibon sa sangang-kalansay ng patay na kahoy.
• Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ika’y ,manhik!
• Tulad ng dati, bubuhatin ko ang katawang lupaypay at mabigat.


3) KONSONANS
• Waterliling ugat ay makutong buhok, bituka’t atay ng dagang nabubulok.
• Ang alatiit ng kawayan, ang dagundong ng langit ay ang nagpapapangit sa mukha niyang malupit.
• Wasak na wasak ang puso ni Nastimak.


4) ONOMATOPIYA
• Ang tik-tok ng orasan ang gumigimbal as aking pagtulog.
• Nagsimbahan ang mga tao sa pagkalembang ng kampana.
• Sumasabay ang aking emosyon sa paghampas ng mga alon.

5) ANAPORA
• Hindi ako pangit! Hindi ako mayabang! Hindi ako katulad mo!

• Kaluluwa akong tambing
Sa Bulakan nanggaling
Kaluluwa akong tambing
Kaibiga’y magagaling
Kaluluwa akong tambing
Marangal, di-siningaling.

• Ninuno natin ay silanganan
Ninuno natin ay kayumanggi
Ninuno natin ay malayo.

6) EPIPORA
• Ang mga sakunang nangyayari ngayon ay gawa ng tao, kasalanan ng tao at pagbabayaran ng tao.
• Sa aking paggising, ikaw lang. Sa aking pagtulog ikaw at ikaw lang.
• Hindi ko kayang umalis ka dahil ikaw ang maglalaba ng damit natin, ikaw mag-aalaga ng anak natin at ikaw ang maglilinis ng bahay natin.

7) ANADIPLOSIS
• Ako, ikaw, siya, sila, tayo
Tayo ay pag-asa ng bayan
Bayan, kailan matatapos ang pagdudurusa?
Pagdudurusa, matatapos na nga ba?

• Sinta, ikaw ang bituin
Bitiun na kay hirap abutin
Abutin mo ma’y malayo sa tingin
Tingin, oh sinta ko aking hiling.

• Waring natutulog ang katarungan
Katarungan,na abot kalangitan
Kalangitan na para lang sa mayaman.

8) PAGWAWANGIS O METAPORA
• Oh aking iloy, ikaw ang aking ilaw sa gabing mapanglaw.
• Tinuklaw mo ang aking kasintahan! Ikaw ay ahas!
• Ikaw ang bituin sa aking langit sapagkat kay hirap mong abutin.

9) PAGTUTULAD O SIMILI
• Ang malaanghel mong mata ay nagbibigay kulay as iyong mukha.
• Para kang Rebisco kasi pag kasama kita ang sarap ng feeling ko.
• Ang iyong mga halik ay kasingtamis ng mga kamatis.


10) PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON
• Ang kagubatan ay nagdudurusa na sa tao ay parang parusa.
• Ang aking aso ay nagreklamo sa pagkaing aking binigay sa kanya.
• Animo’y nagsasalita ang mga isda sa kanyang paglapit.

11) PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI
• Nabunutan ng tinik ang aking puso nang nakausap ko siya.
• Abot langit ang aking pangarap na makasama siya kahit saglit lang.
• Ikaw ay hulog ng langit dahil sa pagtulong sa mga kapos palad.

12) PAGPAPALIT SAKLAW O METONOMI
• Sila ang ikalawang magulang ng kabataan. (magulang-guro)
• Nakapanood ka na ba ng Lord of the Rings? (Lord of the Rings-palabas sa sine)
• Nakabasa ka na ng Shakespear? (Shakespear-libro)


13) SINEKDOKI
• Pumunta ang pamilya niya sa bahay ng dalaga upang hingin ang kamay nito. (kamay-kasal)
• Sasama lang ako sayo’ pag nalibing ang mga buto ko. (buto-katawan)

14) EUPEMISMO
• Dapat labhang mabuti ang mga underwear na iyong ginagamit. (underwear-bra at panty)
• Pumanaw ang alaga niyang aso. (pumanaw-namatay)
• Lumaki si Carlos kasama ang kanyang yaya. (yaya-katulong/kasambahay)



15) RETORIKAL NA TANONG
• Tao nga ba ako?
• Nakakalakad ka ba sa gitna ng laot?
• Maaari bang ibalik ang kahapon?


16) PARALELISMO
• Mahalin natin ang Diyos nang tapat, seryoso at buong puso.
• Napakaganda, ubod ng yaman at pinakamabait sa lahat ang kanyang nakatuluyan.
• Sipag, tiyaga at pananalig sa Maykapal ang mga susi sa pagyaman.

17) KLAYMAKS
• Nagkangitian sa unang tingin. Nagkabanggaan hanggang sa nagkausap. Nagkasalubungan hanggang sa pa-daytdayt lang. Nagkagustuhan at nagkainlaban at naging magkasintahan.

• Nagsimula sa isang buto. Nagkaroon ng maliliit na sanga at maberdeng dahon. Bumuka ang bulaklak nito at tuluyang naging bunga. Naging puno at lumaki ang mga ugat at dumami ang malalaking dahon.

• Maliit na itlog hanggang sa naging uod. Naging pupa at bumukas hanggang naging paru-paro.

18) ANTIKLAYMAKS
• Umulan muna nang mahina hanggang sa ito ay lumakas at umagos sa kabahayan at sa mga pananim. Tumaas ang tubig hanggang sa kumitil ito ng buhay.
• Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Ang mga sanga ko’y nawalan ng dagta,
Nawalan ng dahon, bulaklak ma’y wala.

• At sa paanan ko’y nagkaro’n ng batis,
Maghapo’t magdamag na tumatagis;
Ang kanyang lagaslas ay daloy ng hagpis,
Ang kanyang aliw-iw ay awit ng sakit.


19) PAGTATAMBIS O OKSIMORON
• Ang pag-ibig nga naman, may kasiyahan pero may kalungkutan din.
• Ang karapatang mag-aral ay para sa lahat, mayaman man o mahirap.
• Ang salawikain ng mga pangit: “Ang tunay na kagandahan ay nasa panloob at panlabas.

20) IRONIYA O PAG-UYAM
• Maganda ka pero hindi ka kaaya-ayang tingnan.
• Masustansya ang pagkaing ito, marami ang nahihilo sa pagtikim nito.
• Sa tahimik mong yan’ nabibingi tuloy ako.

No comments:

Post a Comment