Pages

Thursday, January 26, 2012

DAVAO CITY

Ang Davao City ay ang pinaka malaking siyudad sa buong mundo. Kilala ito dahil sa mga magagandang tanawin at masasarap na mga pagkain.

Dito sa Davao City ay maraming mga pasyalan isa na rito ang MAGSAYSAY PARK sikat ito noon dahil ito ay tabing dagat at pwede ka ditong makapagbisiklita at iba pa. Isa ring atraksiyon ditto sa Davao ang PEOPLES PARK, bago lng itong naitayo at talagang maganda at maaliwalas ang pasyalang ito. At kung gusto mong malaman ang kasaysayan ng Davao, pwede kang pumunta sa MUSEO DABAWENYO doon ay marami kang matutunan. Wala itong bayad libre ito para sa lahat.

Dito sa Davao City ay meron din tayong tinatawag na DAVAO RIVER ito ay may sukat na 150 km., ito ang ikatlo sa pinakamalaking ilog sa Southern Philippines. Talagang maganda ang Davao River at dapat natin itong alagaan.

Kilala rin ang SAN PEDRO CHURCH dito sa Davao City isa ito sa pinakamalaking simbahan ditto sa Davao at talagang maraming nagsisimba dito.

Dito sa Davao City ay marami ding magagaling na skwelahan isa na rito ang ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY at ang SAN PEDRO COLLEGE. Marami talagang nag aaral dito dahil sa kalidad ng kanilang skwelahan. Pero medyo mahal ang kanilang matrikula ditto pero sulit naman. At siyempre hindi rin pahuhuli ang UNIVERSITY OF SOUTHEASTERN PHILIPPINES sa isa sa mga pinakamagaling at dekalidad na skwelahan sa asya. Tama lng ang tuition fee at mataas ang standard.

Talagang maraming dahilan para pumunta at bumisita dito sa Davao City.

Roxane N. Rosello BTTE-2D

No comments:

Post a Comment