Pages

Monday, January 23, 2012

DAVAO CITY


by: Renna Jean P. Diana
BTTE2D/Com.Tech.




DAVAO CITY
(Lungsod ng Dabaw)
            
          Mula kamusmusan ay dito na ako lumaki. Dito ko nasilayan ang bagay-bagay. Saksi ang lugar na ito sa mga nangyari sa aking buhay. Mula pagkabata hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa lugar na kung saan dito ako natutong tumawa, lumuha at nakakakilala ng mga kaibigan. Marahil marami na ang nakakaalam kung anong meron sa lungsod na ito at kung ano ang lungsod na ito. Ngunit nais ko ring ibahagi ang aking pagkakakilala sa lungsod na ito.

        Ang Lungsod na ito ang pinakamalaking lungsod sa pilipinas at maraming lugar na nasasakopan. Ang lungsod na ito ay mailinis, may maayos na siguridad, simbolo ng katahimikan at kapayapaan dahil na rin sa pangangalaga ng mayor sa lungsod. Nagagawa niya ang lahat para lamang sa ikabubuti ng lungsod. Sagana sa pagkain ang lungsod dahil na rin sa maayos na pangangalaga ng mga magsasaka sa lungsod. Maraming magagandang paaralan sa lungsod na ito at karamihan ay may maayos na edukasyon, nandito ang:


University of Southeastern Philippines


Ateneo de Davao University


University of Immaculate Concepcion


 Holy Cross of Davao College


University of Mindanao 


San Pedro College


University of Philippines 

at iba pang hindi ko na maalala dahil sa dami ng paaralan. Isa sa  inaabangan ng lahat ang mga tanawin dito sa lungsod. Dito ay maraming magagandang tanawin na maaaring magpapaaliw sa lahat ng pumupunbta dito. Una sa lahat ay ang
People's Park 
na lahat ay maaaring magsaya dahil ito ang parke para sa lahat at libre pa. Dito sa lungsod maraming Mall na mapapasyalan, nandito ang:
  
Abreeza Mall



 Gaisano Mall


 Nccc Mall



Robinsons Mall 


SM City Davao
Sikat din dito ang mga iba't-ibang pasyalan at kainan. Nandito ang 


Jackridge


Crocodile Park


Hilltop


Eden Park


Gap Farm


Japanese Tunnel


Philippine Eagle Park 

at iba't-ibang dagat at ilog na maaaring magsaya. Iilan lamang ito sa mga tanawin na nalalaman at napuntahan ko sa lungsod. Sigurado akong magsasaya kayo dito.

          Ano pa ang hahanapin niyo sa Davao City tila lahat nandito kaya natitiyak kong magsasaya kayo dito.





No comments:

Post a Comment