Pages

Thursday, January 26, 2012

Davao... Tangkilikin!




Ang Sulyap sa Munting Paraiso

                Likas sa tao ang pagiging mapag-usisa tungkol sa kanyang nakaraan. Hindi ba’t ang kasabihang, “ang ating pinagmulan ay nasa kahapon” ay tumpak na naglalarawan ng walang-humpay na pagpupunyagi  ng tao na mabatid ang kanyang pinagmulan? Ayon kay Dr. Jose Rizal, “upang malaman ng sambayanan ang kanyang tadhana o kapalaran, nararapat lamang na ating balikan ang kasaysayan ng kanyang kahapon.
                Ang kasaysayan ng Davao ay maiksi lamang subalit kaakit-akit din. Ang unang nanirahan dito ay ang mga tribong antropoliya na pilit diniskubre ang lupain, sila ang mga Manobo, Tagakaolo, Guiangan, B’laan, at mga Ita na bumukod sa silangang bahagi, at ang mga Ysamal naman ay sa isla ng Samal nanirahan. Dumating ang mga Maguindanao na galing kanluran at dinala nila ang mga sinaunang tribo sa kabundukan. Noong 1528, dumating ang mga Espanyol at sinakop ang lupain sa pangunguna ni Alvaro Saavedra. Ang mga Sultan ng Mindanao ay wala ng nagawa kundi ang sumuko sa gobyerno ng mga Espanyol noong 1844 kahit na tinutulan ito ng mga tribong Muslim. Pagdating ng taong 1900, sinakop na naman ito ng mga Amerikano sa pamumuno ni Major Hunter Ligget. Pagkararaan ng labing apat na taon ay kinilala ang Davao na isa sa mga pitong distrito ng Mindanao sa ilalim ng batas militar ng mga Amerikano. Sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Davao ay naging Lungsod ng Kasulatan o Chartered City. Noong una, ang lungsod ay pinamunuan ng kalihim. Kinalaunan ay nagkaroon na ito nang presidente, unang iniloklok si  Elpidio Quirino noong Marso 16, 1937. Nang lumaki at yumabong ang lungsod, hinati ito sa tatlong probinsiya noong 1967, ito ang Davao Oriental, Davao del Norte at Davao del Sur. Simula noon ang Davao ay tinayuan ng mga gusali, iba’t ibang istraktura, istablisyemento at lugar-pasyalan. Ngayon, ito na ang sentro ng kalakalan at kabisera ng Mindanao. Pinagmamalaki ng mga residente ng Davao sa kanilang nakaraan at imahe bilang isang “Melting Pot of the Philippines”. Sila ay may kumpiyansang humarap sa kinabukasan.
                Ang rehiyon XI o mas kilalang Davao ay lupain ng ginto’t bulaklak katulad ng waling-waling at mga orchids. Sikat naman dito ang prutas na Durian na tinaguriang “bangong langit; lasang impyerno”. Makikita naman dito ang mga naglalakihang agila ngunit karamihan sa kanila ay nanagananib ng mawala. Ilan sa mga sikat na tanawin na makikita dito ay ang Mt. Apo na may perpektong hugis apa. Tinagurian ang Davao na pinakamalaking lungsod sa buong Pilipinas. Kailan lang ginawaran ito nang “Zero Casualty” sa pagiging mapayapa at walang nasugatan o namatay ng paputok noong bagong taon. Maraming Pilipino na ang nagaganahang manirahan sa Davao hindi lang sa masaganang pamumuhay at pagkain pati na rin ang pagiging mailap sa delubyo. Sa kaslukuyan, maganda at maayos ang pamamalakad ng gobyerno na pinamumunuan ng mga Duterte rito.
                Malayo man ang marating, saan ka man dalhin ng agos nang buhay, kahit ano pang bagay ang humadlang o ilang milya man ang layo, babalik at babalik ka pa rin sa bayan mo. Kahit saan mang sulok ng mundo wala paring tatalo sa tirahan na kinagisnan ko. “Proud to be Dabawenyo!”, yan ang sigaw ko.   


No comments:

Post a Comment