Pages

Sunday, January 8, 2012

First Post!

Magandang araw po sa inyong lahat!
ito ang kauna-unahang teksto na mababasa ninyo sa blog na ito!
Bawat segundo, bawat minuto, at bawat araw ay umuusbong ang ating teknolohya. At isa sa mga mahalagang salik sa patuloy na pag-unlad ng teknolohya ay ang mga tao. Sapagkat, ang mga tao ay nagiging mausisa sa paghahanap ng madaling paraan sa paggawa ng iba't ibang gawain sa kanyang kapaligiran. kasabay ng pag-unlad ng teknolohya ay ang pagiging sabik ng mga tao sa paggamit nito. Kaya bilang isang mag-aaral na kumukuha ng Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag), kailangan nating gamitin ang teknolohya sa pag-aaral ng ating asignatura. dito ninyo rin ipapasa lahat ng mga tekstong ipapagawa ko at dito ko rin iwawasto at ito magiging basehan ng inyong grado.
sana ay magiging matagumpay ang ating aktiviti na 'to!
maraming salamat po!

8 comments: