Pages

Friday, January 13, 2012

Geraldin Dichosa BTTE-2D



Geraldin Dichosa
 
BTTE-2D

  1. Aliterasyon
·         Kakakitaan ng kamalayan ang mga kabataan sa karatig na lungsod.
·         Maaaninag ang maaiwalas na sikat ng malabathalang araw.
·         Bakas sa mukha ng bata ang putik na basa.
  1. Asonans
·         Kaligayahan ang hatid ng mga biyayang ibinigay ng maykapal.
·         Kung ikaw ay nalulumbay ispin mo lamang ang mga masasayang pinagdaanan.
·         Sa pagdaan ng mga araw ay nasusukat ang katauhan sa mga problemang pinagdaraanan.

  1. Konsonans
·         Walang kupas ang kagandahan ng mukhang maaliwalas na sa ibang tao’y kaligayahan ang ipinamamalas.
·         Ginaganyak ng mga payak na bulaklak ang lugar na pagdarausan ng selebrasyon.
·          Dibdib ko’y kumakabog sa papalapit na kulog na isip ko’y umaalog.

  1. Onomatopiya
·         Kinakabog ang kanyang puso sa kaalamang siya na ang susunod.
·         Unggol ng Osong umalingawngaw sa buong kagubatan.
·         Huni ng ibong nag-aawitan.
  1. Anapora
·         Siya ay pinagpala sa taglay niyang kagandahan.
Siya rin ay pinagkalooban ng magagandang katangian.
Siya ngayo’y iginagalang.
·         Ikaw ay musmos pa lamang.
Ikaw ay wala pang alam.
Ikaw ngayo’y pinagtutulungan.
·         Ako may masaya.
Ako may tumatawa.
Ako pala talagay naghahapis sa tuwina.


  1. Epipora
·         Ang susi sa pag-unlad ay kabataan. Kabataan ang magpapatuloy sa mga nasimulan. Kaya mga kabataan pagyamanin ang kaalaman.
·         Boto ay mahalaga upang maihalal ang nararapat na pulitiko. Pulitiko na naiihalal ay nararapt magsilbi ng mabuti sa bayan. Upang masabing siya ay ang pulitiko na mahusay.
·         Ang malayo at tahimik na bayan. Bayan na aking kinalakihan. Ngayo’y isa pa ring bayan na talamak ang nakawan.



  1. Anadiplosis
·         Salamat sa pag-ibig na laan.
Laan upang tumibay ang samahan.
Samahan ng dalawang pusong nag iibigan.
·         Sumpaang pinagtibay ng panahon.
Panahong nabuo sa pagsasamang pinagpala.
Pinagpala sa ligaya’t ganda.
·         Di maaninag na solusyon sa problema.
Problemang hinubog sa pagdaan nga mga araw.
Araw upang malutas ang lahat.

  1. Pagtutulad o Simili
·         Ang pag-ibig ko sayo’y parang apoy na nag-aalab.
·         Galit sa puso ko’y gaya ng kutsilyong itinarak, hapdi at kirot ay sumasagana.
·         Boses mo ay kawangis ng huni ng ibon sa pagkalumanay, nagsisilbing pampatulog sa gabing malumbay.

  1. Pagwawangis o Metapora
·         Bato na ang puso ng Binata.
·         Apoy na umaalab ang galit niya sa mga taong nangutya at nagmalupit sa kanya.
·         Utak niya’y librong punong-puno ng kaisipan.
  1. Pagbibigay Katauhan o Personipikasyon
·         Ang along tumataghoy habang humahampas sa malabundok na mga bato.
·         Mga bundok na naghahapis sa patuloy na paninira sa mga ito.
·         Malabathalang araw na sumisilay sa magandang umaga.
  1. Pagmamalabis o Hayperboli
·         Animo’y  butas ng karayom ang dinaraanan niyang pagsubok.
·         Animo’y  pinagsakloban ng langit ang binatang sawi sa pag-ibig.
·         Dinurog na butil ang kalooban ng paslit na naiwan.
  1. Pagpapalit Saklaw o Metonomi
·         Nangagalit ang bagang ng amang pinasinungalingan.
·         Ang ikalawang magulang ng kabataan.
·         Nagsisilbing hanguan ng kaalaman.

  1. Sinekdoki
·         Inilian ko ang mga palad ko sa pagtugtog ng gitara.
·         Ang aking ulo’y itinuon sa pag-aaral.
·         Puso ko’y inangkin ng aking mahal.
  1. Eupemismo
·         Di-kaaya ayang tingnan ang ilog na tambak ng basura.
·         Maalinsangang amoy ang hatid ng nabubulok na katawan ng pusa.
·         Sumakabilang-buhay na ang pinakamamahal niyang Lolo.



  1. Retorikal na Tanong
·         Maaatim mo bang pagmalupitan ang batang walang kamuwang-muwang?
·         Magagawa bang ipamigay ng isang nagmamahal na ina ang anak na naghihirap?
·         Makakaya mo bang ibuwis ang sarili mong buhay para sa kapakanan ng mas nakararami?

  1. Paralelismo
·         Dahil sa ulan nabasa, naputikan, at nadumihan ang suot ni Lea.
·         Ang pinapangarap niyang lalake ay may bahay, may pera, at higit sa lahat may mukha.
·         Siya ay matalino, mataas ang mga marka, at laging present sa klase.
  1. Klaymaks
·         Mabilis na bumaba ang tubig sa ilog, ito’y nag-iwan ng tambak na basura,
Sa pagtutulungan ay mareresolba.
·         Dagliang bumigay ang tulay, nakalas ang mga bakal na nagdurugtong rito,
Nagsidatingan ang mga ambulasyong sumaklolo sa mga nasugatan.
·         Biglang nalunod si Berting at nawalan ng malay. Agad naman siyang sinagip ng mga taong nakakita. Ginamitan ng CPR, at nagkaroon ng Malay.
  1. Antiklaymaks
·         Napilitan silang lumusob sa baha upang makapunta sa mas ligtas na lugar. Hindi nila pinansin ang mga sugat nila sa paa. Pagkatapos ay sinugod sila sa hospital dahil sa Leptospirosis.
·         Pinabayaan ni juan ang kanyang sinasaing. Matapos ng ilang oras, naamoy na ni juan ang nasusunog na kanin. Sa huli nasunog ang sinaing niya.
·         Aaminin na sana ni Juan na may gusto siya kay maria. Nang biglang sinabi ni maria na kaibigan lang talaga ang turing niya kay Juan. Biglang gumuho ang mundo ni juan.
  1. Pagtatambis o Oksimoron
·         May iba’t ibang istudyante, may mataas ang mga marka at may nababagsak.
·         May kasiyahan at kalungkutang naidudulot ang pagtatanan.
·         Di mo mapipilit na magustuhan ka ng mga tao, may mga taong nagkakagusto sa iyo at mayroon ding ayaw sa iyo.
  1. Ironiya o Pag-uyam
·         Ang bango talaga ng kanyang pabango, nakakasira ng sikmura.
·         Ang tibay ng bahay na ito, konting hangin lang pakiwari ko’y matitibag na ito.
·         Napakasarap ng inihain niyang pagkain, muntik ko nang isuka ang aking bituka.

No comments:

Post a Comment