Pages

Friday, January 27, 2012

GIMIKERONG DABAWENYO. :)

Sa maka relate lng. :)
1. The Torres Compound.
Dito matatagpuan ang mga murang inuman dito sa Davao. Ito ang pinaka ayos na gimikan para sa atin na mga Usepians dahil malapit lng sa atin. Merong mga kapehan dito, kung gusto niyo ng libre na kape nandiyan lng ang Angel Funeral, lol. Meron din mga Comedy bars, club at live bands dito, di ka talaga dadalawin ng antok kapag nasa " The Torres Compound " kana.
2. The Rizal Promenad in Rizal Street.
Itong lugar na ito ay para sa mga " Party People " na katulad ko. ahahaha. Kadalasan Dagdagsaan ang mga tao dito pag malapit na ang " closing time ". Ang mga inumin nila ay medyo mahal pero keri lng man. ahaha. Yung mga wala pa naka gimik dito na "place" try niyo, magiging crazy talaga kayo.
3. Damosa Gateway
Ang damosa gateway ay matatagpuan sa Lanang, DC. Ang lugar na ito ay sentro raw ng "business" according sa nabasa ko na artikulo. Matatawag ito na sentro ng sapagkat ang "compound" nila ay maraming inuman at mga tindahan. Dito rin matatagpuan ang mga kainan na pang international ang banat. nandito din ang isang kapehan na ang tawag ay COFFEE DREAM.
4. Matina Towns Square
Ito ay isang malaki na lugar na kung saan pwede kayong mag inuman ng mga kakosa mo, makinig sa mga banda na umaawit at pwede rin kayong tumambay sa mini park kapag butas ang bulsa. hindi problema ang pagkain, dahil maraming kainan sa compound ng MTS. Kung di niyo type ang mga kainan sa loob, merong Mcdo na humihintay sa inyo sa labas. :)
5. The Gimik
Ang "The Gimik" ay isang videoke bar. Ito ay isa sa mga magandang destinasyon kapag kapag kayo ay malapit na mabaliw sa inyong mga tahanan. Ang isang silid sa gimik ay pwede niyong rentahan for 100php tapos walo hanggang sa sampung tao ang kasya dito. sampu pataas kayo ng mga kabarkada niyo, mag sabakan nalang kayo. ahaha
6. The World Palace
Ito ay matatagpuan sa Ecoland. Ito ay para sa nabiyayaan ng magandang boses at para sa mga makabasag trip na boses. ahahah. Kahit medyo may kamahalan ang presyo pero sulit naman ang binayad niyo. Ang gusali niya ay parang kastilyo. Tinawag ito na "The World Palace" dahil ang mga silid nila ang may mga tema ng mga bansa. Try niyo rent ng different rooms every week, parang nag tour around the world na din kayo. :)
7. K1
Ito ay isang bar at matatawag na din na restaurant, matatagpuan ito sa Torres dito lng din sa Davao, alangan. Ito ay may ekslusibong silid na VIP, at kung hindi kantahan ang habol niyo sa k1, pwede kayong mag inuman habang kumakain dala na rin ang chika-chika sa mga kaibigan. :)
8. Mics
Ito ay isang videokehan na ang tema ay kulay asul, matatagpuan niyo ito sa harap ng mental hospital, street na papunta ng Gaisano Mall of Davao. Ayos sa kanila kasi Mura lng ang bayad sa pag renta ng silid at dalawa ang mikropono, pwede kayo mag duet ng kasama mo. ahaha. 150php lng ang bayad per hour. try niyo dito, sulit ang bayad niyo. pramis! :)
TAPOS!

No comments:

Post a Comment