Pages

Monday, January 16, 2012

Halimbawang TAYUTAY by J. ABALI


ABALI, JAYSON N.
Fil. 3
8:00 - 9:00


TAYUTAY
a.       ALITERASYON
1.       Mababanaag sa isang mag-aaral kung siya ay mabuti kapag  mataas ang marka sa pag-aaral.
2.       Sadyang kay pait ng pag-ibig kung sino pang gusto mo, yon pang hindi para sa iyo.
b.      ASONANS
1.       Giliw huwag sanang isipin na ikaw ay hindi p ara sa akin.
2.       Isang umagang kay ganda kapag ikaw ang kasama.
c.       KONSONANS
1.       Batid mo sana ang pag-ibig na hatid at walang bahid.
2.       Isang malinamnam na ulam ang sagot sa tiyang kumakalam.
d.      ONOMATOPIYA
1.       Isang dyip ang kumalembang sa highway.
2.       Nagalit ang dagat sa pag-hampas ng alon.
e.      ANAPORA
1.       Pag-ibig ang dapat magwagi sa bawat puso. Sa pag-ibig maaring maging solusyon ang isang problema. At sa pag-ibig matatamo ang payapang buhay.
2.       Tao ang tinakdang mag-alaga sa mundo. Paano nalang kaya kung tao ang sumira sa kalikasan. Darating ang panahon na sa mga tao rin hahantong ang lahat at mga tao rin ang kapalit ng isinirang dulot.
f.        EPIPORA
1.       Dumaan ang isang babae, biglang napatingin ang babae at nabihag kaagad ang babae.
2.       Puso  ang batayan sa pag-ibig, hindi rin pisikal na anyo ang sukatan sa pag-ibig, lalong-lalo hindi pera ang dapat magwagi sa larangan ng gag-ibig.
g.       ANADIPLOSIS
1.       Araw ng paglimot sa kahapon, kahapong walang gandang idinulot, dulot ay sakit at pighati.
2.       Isang napakagandang araw, araw ng pagpupunyagi, pagpupunyagi sa produktibong gawa.
h.      PAGTUTULAD
1.       Kasing bango ng bulaklak ang kanyang amoy.
2.       Ang kanyang ganda ay gaya ng isang bituing nagniningning.
i.         PAGWAWANGIS
1.       Pagong kung siya ay lumakad.
2.       Isang candy sa tamis kapag siya ay ngumiti.
j.        Pagbibigay-katauhan
1.       Mala kabayo kung siya ay tumakbo.
2.       Kay ganda ng himig na handog sa pagkanta ng ibon.
k.       PAGMAMALABIS
1.       Bumaha ng dugo dahil sa digmaan.
2.       Susungkiting mga bituin para lang makahiling.
l.         PAGPAPALIT-TAWAG
1.       Einstein kung  siya’y ituring sa klase.
2.       Bituin ka kung artist aka.
m.    PAGPAPALIT-SAKLAW
1. kumayod siya 24 oras.
2. Ngiti ang naghari sa tuwing sa pagsapit ng bagong taon.
      

n.      PAGLUMANAY
1.       Di kaaya-aya ang kanyang bango.
2.       Malakas siyang lumamon.
o.      ANTIKLAYMAKS
1.       Nagbago ang takbo ng kanyang buhay at pamilya sa pagkapanalo sa lotto. Lahat ng luho binili. Dumating ang araw ng pagka-ubos, hanggang sa wala ng makain ang pamilya.
2.       Mabait at maganda kung siya’y ituring. Dahil sa gandang taglay nagging artista. Lumaki ang ulo kinalaonan dahil sa pera, hanggang sanalulong sa druga at nawalan ng mga kaibigan.
p.      PAGTATAMBIS
1.       Gulong ng palad ang kanyang buhay, taas at baba.
2.       Sa larangan ng pag-ibig ranas ay tamis at pait.
q.      PAG-UYAM
1.       Napakalusog ng katawan, masakitin naman.
2.       Mukhang mayaman butas pala ang bulsa.
r.        PARALELISMO
1.        Napakagandang araw, kay lamig ng panahon ngunit ininit ng tamis ng pag-ibig.
2.       Pinaglaban ang bansa, isang madugong  diigmaan kay Bonifacio, pagtira naman sa pagsulat kay Rizal.



No comments:

Post a Comment