Pages

Thursday, January 26, 2012


Jeralyn A. Rellon                                                                                Enero 27, taong  2012
BTTE- 2D (Computer  Technology)                                       G. Mark Anthony V. Obsioma

Lungsod ng Dabaw


Isa  sa kinikilalang lungsod sa Pilipinas ay ang  Dabaw City. Isa ito sa respetadong lungsod sa buong bansa. Maraming turistang nagsasabi na ang Lungsod ng Dabaw ay pinakamalinaw na pasyalan na  lungsod sa Pilipinas. Ano nga bang meron sa Dabaw  para bumisita at maaring dito na manirahan? Una, ang lugsod ng Dabaw ay isang “Typhoon -Free Zone” maari kang gumala at magsaya sa pananatili sa bansa. Pangalawa, “Best Water in the World” , napatunayan ng World Health Organization  na ang tubig sa lungsod ang pinakamalinis at sariwa. Pangatlo, “Strong & Independent Local Government ”, namamahala at nagpapanatili ng kaayusan sa lungsod ang  ating leder  at siyang gumawa ng  paraan sa pagpapasigla at pagpapatuloy sa kultura ng bawat tribong Mindanaw. Pang-apat ay “Safest Destination”, ang lungsod ang kilalang may pinakamaliit na tala sa bansa na may pinakababang kremin . Ang Dabaw City Police Office din ang tinalagang  “Best Police” sa buong mundo. Panglima, “Most Prepared City to respond to an Emergency”, Ang Lungsod ng dabaw lamang ang may intentegrang “emergengy response system” sa buong Asian City katulad ng United States, Canada. Sa pamamagitan ng pagtawag sa 911, maari ka namg humingi ng tulong sa iba’t ibang kalamidad, at iba’t ibang kremin. Diba ang Galing ng Dabawenyos? Makakagawa ka ng mga bagay na alam mong maayos at malinaw ang ginagalawan mo. Ano nga ba ang maaring puntahan at kilala sa lungsod?
Isa sa maaring puntahan sa Lungsod ng Dabaw ay ang Museo Dabawenyo, bilang isa sa respetado sa iba’t- ibang uri ng kultura. Ang Museo Dabawenyo ay mayroong Galereya na kung saan nagpapakita ng iba’t-ibang gawa at desenyo ng mga tribong Mindanaw. Ito rin ang nagiging dausan ng iba’t-ibang “Exhibits o art shows” dito sa lungsod ng Dabaw. Ito rin ang pinupuntahan ng mga mag-aaral na gumagawa ng maraming uri ng aktibidadis. An Museo Dabawenyo ay makakapaglibot ka ng walang bayad.
People’s Park. Ang People’s Park ang pinakakilalang pinapasyalan ng karamihan dito sa lungsod. Ang pamahalaan o goberno ang siyang namamahala sa kalinisan at kaausan ng parke. Maging sa paligid, tubig at ang paglalagay ng mga obrang gawa ng mga dabawenyos.
Ang lungsod ay may sarili ding Chinatown na matatagpuan sa Sta. Ana Ramon Magsayasay at Leon Garcia. Ito ay kilala sa Economiya sa lungsod. Taong 2009, ideneklara ni Bise Mayor Rudy Duterte na magkakaroon ng Chinese New Year sa unang magkakataon para sa kultura at pagkakaibigan ng Chinese Community sa mga Dabawenyos.
Maituturin ang Marco Polo na kilala sa ating lungsod. Dito karaniwang namamalagi ang mga turistang masasabing mayayaman o may kakayahan sa buhay. Ito ay ginaganapan ng mga meting at kompensya. Masasabi ring ito rin ang pnakamataas na establesyemento ng lungsod.
Ang mga Parkeng kadalasang pinupuntahan ay Crocodile Park. Sa Davao Crocodile  Park matatagpuan ang may pinakamalaking buaya sa bansa. Matatagpuan din dito ang ibat’-ibang hayop sa kanilang mini zoo. Dinadayo din ito ng maraming turista. Dito din pumupunta ang mga Estudyanting nagkakarooon ng kanilang “field trip”.
Ang Philippine Eagle Center ay masasabing dito matatagpuan ang pinakamalaking buaya sa buong bansa. Ang Philippine Eagle center ay matatagpuan sa Malagos.
Kadalasang pinupuntahan din sa lungsod ay ang Eden Nature Park. Maari kang mag Mountain Trekking, Horseback riding, fishing, zip line at pwede ka ding sumakay sa kanilang shuttle sa loob ng apat na po’t limang minuto para maglibot sa mahigit walom pong ektarya sa Eden Nature park. Mayroon ding Cultural Village na maaaring puntahan ng mga bisita at makilala sa gawang tribong Mindanao.
Ang pinakakilalang Prutas sa dabaw ay ang Durian. Ang durian ang pinagmamalaking prutas ng lungsod, sa unang tikim mu nito ay pangit ang lasa  at hindi ka maiingganyong kainin ito, ngunit kalaunon ay malalasan mu ang sarap nito at maaaring mabalik balikan.
Bilang isang dawenyos, ipinagmamalaki kong dito ako nakatira, hindi sa mga establesyementong nakaligid at sa laki nito kundi sa magiging maayos nito at “safety” ang mga tribong Mindanaw. Ang pagiging matiwasay sa iba’t ibang larangan ay  isang malaking aspeto sa atin sa ating pamamalagi sa lugar.




No comments:

Post a Comment