Pages

Sunday, January 22, 2012

MGA PUNTO; Wag mong husgahan sa labas, pumasok ka sa USeP ! ;)


                  MGA PUNTO; Wag mong husgahan sa labas, pumasok ka sa USeP !  ;)

                                                                                                               - Kris Jhon Papasin




    

                   Ang USeP ay isa sa mga malalaking Unibersidad sa ating Lungsod. Matatagpuan ito sa Bo. Obrero, Lungsod ng Davao.

             
               Laging inirereklamo ng mga mag-aaral dito ang mga mababahong palikuran at mga sanctions na ibinibigay ng mga instructors. Dagdag pa ang tila walang katapusang  linya tuwing enrollment at mga mapuputik na daan. Halos araw-araw akong nakakarinig ng mga hinaing galing sa aking mga kapwa mag-aaral.

             
            Ngunit sa kabilang dako naman, kilala ang mga USePian bilang mga matatalinong studyante. Kadalasan pang kinukumpara ang mga USePian sa mga taga-UP na di naman natin maitatanggi na sadyang matatalino rin.  Ngunit, kahit na maraming nakakalaban ang USeP sa iba’t- ibang larangan, ay patuloy parin itong humahakot ng mga parangal. Kaya naman, isa ang USeP sa mga nangungunang Unibersidad hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati rin sa Asya.

           
           At ito..  ito ang nagpapatunay na kahit pa sa kapangitan ng mga pasilidad at mga kagamitan ng USeP,  ay masasabi  talaga natin na, “MATATALINO” ang mga studyante dito. At para sakin, isa talagang biyaya ang maka pag-aral sa Unibersidad na ito. 









                                      




No comments:

Post a Comment