Pages

Thursday, January 12, 2012

Mga Tayutay at mga halimbawa nito.

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. ALITERASYON 1.Gumagalang gutay-gutay na gagamba

2 ‘mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina.”

3. Hingal na hingal ang asong gala.

ASONANS

1. Gusto mo palang makipagsapalaran sa ibang bansa kagaya niya.

2.Nakakahaw ang kanyang kagalingan.

3.Nakakalito itong puso ko.

KONSONANS

1.Maganda siyang dalaga at kaakit akit pa.

2.Si pepito ay nasa bario Obrero.

3,Nalilibang siya kapag inaayusan siya ng kanyang ina.

ONOMATOPIYA

1.Ang tinig mo ay pumapawi sa aking kalungkutan

2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

3.Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

ANAPORA

1.Pagkain na nabibigay sustansiya.Pagkain na kinakailangan sa araw-araw.

2.Kanya itong lupang tintapakan mo. Sa kanya ang buong haciendang ito.

3.Siya ay madamot.Siya ay walang awa.

EPIPORA

1.Ang isda ay malasa at masustansya.

2.Ang pasyalan ay para sa kabataan.

3. Ang simbahan ay isa ring tahanan.

PAGTUTULAD O SIMILI

1.Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.

2.Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.

3.Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.

PAGWAWANGIS O METAPORA

1. Ikaw ang apoy na sumasabog sa aking puso.

2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

3. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.

PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON

1.Hinalikan ako ng malamig na hangin.

2.Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.

3. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

PAGMAMALABIS O HYPERBOLI

1. BUmabaha ng dugo sa lansangan.

2.Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

3,Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.

PAGPAPALIT SAKLAW O METONOMI

1.Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

2. Ang nagsilbing tahanan ng batang ito ay ang ampunan.

3. Pangalawang ina ng mga estudyante,

SINEKDOKI

1. Hingin mo ang kaniyang kamay.

2, Walang bibig ang umasa kay Romeo.

3.Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.

RETORIKAL NA TANONG

1.Maabot kaya nila ang aking naabot?

2.Kaya kaya nilang makipagsapalaran sa ibang bansa?

3,Masasagutan kaya niya lahat ng mga katanungan?

PARALELISMO

1. Siya ay maganda, matalino at mabait.

2. Siya ay matalino at mapagbigay.

3.Siya ay may magandang ugali at marunong makisama.

KLAYMAKS

1.Dumating ang panibagong araw panibago ring pag asa ang naghihintay para sa lahat.

2.Mabilis na napawi ang luha at kasunod nitoy ligaya.

3.Maraming pagsubok ang dumaan pero itoy nalampasan at muling bumangon.

ANTIKLAYMAKS

1.Nasagasaan siya ng kotse isinugod sa ospital at tuluyang namatay.

2.Hindi siya nag aral kaya ngayon ay tuluyang hindi nakapasa,

3. Kinagat siya ng aso ipinagamot at hindi tuluyang gumaling.

PAGTATAMBIS O SIKMORON

1.Ang buhay ay parang gulong,minsan nasa baba at minsan nasa ibabaw.

2, Ang tao ay nakakakalito minsan mabait minsan masungit.

3.Ang bata ay mabait at minsan pasaway.

IRONIYA O PAG UYAM

1.Ang ganda kasi niya kaya walang nagkakagusto,

2.Ang lusog niya parang posporo.

3, Ang payat pala niya kaya mahilig mag gym.

Ipinasa ni Roxane N. Rosello BTTE-2D

No comments:

Post a Comment