Pages

Wednesday, January 11, 2012

Mga Tayutay


Marie Angelie G. Estemar
BTTE 2C

Mga Tayutay


  1. Aliterasyon

    1. Payat na palakang patalun-talon ang nakita ko sa putikan.
    2. Maingay at masayahing matsing ang alaga niya.
    3. Kasama ko kahapon ang kaibigan kong si Katherine.

  1. Asonans

1. Kahit na wala siyang kasama sa bahay, nagagawa pa rin niyang maging masaya.
2. Pinipilit niyang unawain ang hindi niya maintindihan.
3. Tumibok ng husto ang kaniyang puso ng tumugtog ng piano ang kaniyang iniidolo.

     c. Konsonans
                       
1. Masarap lumanghap ng amoy ng masarap na pagkain.
2. Natalo sa lotto ang mayabang na si Lito.
3. Natanggap sa kaniyang pangarap na trabaho si Nica kahit na mahirap.

  1. Onomatopiya

    1. Pumapatak ang ulan sa bintana.
    2. Kumukutitap ang mga bituin sa langit.
    3. Dumagundong sa loob ng sinehan ang sigawan ng mga manonood.

    e.   Anapora

1. Edukasyon ang kailangan ng mga kabataan. Edukasyon ang sagot sa kanilang mga pangarap. Edukasyon ang susi sa kahirapan. Ngunit edukasyon pa rin ba ang nangungunag problema ng ating bayan?
2. Pag-ibig ay makapangyarihan. Pag-ibig ang kailangan ng bawat tao sa mundo. Pag-ibig na wagas at totoo. At pag-ibig ng Diyos ang pinakaimportante sa lahat ng ito.
3. Pilipinas ang aking sinilangan. Pilipinas ang aking inang bayan. Pilipinas ang aking tinitirahan. At Pilipinas ang lugar na aking pagsisilbihan.


  1. Epipora

     1. Ang buhay ng tao ay bigay ng Diyos, biyaya ng Diyos at para sa Diyos.
     2. Ang ilaw ng ating tahanan ay ang ating ina. Ang nag-aruga at nagmahal   sa atin ng lubos ay ang ating pinakamamahal na ina. Kung di dahil sa kaniya wala tayo rito, kaya bigyan natin ng tunay na respeto at pagmamahal ang babaeng walang pantay ang pagmamahal sa atin, ang ating mga ina.
     3. Bilang isang tunay na Pilipino kailangan nating irespeto ang ating bansa. Maging tapat sa ating bansa. At mahalin ang ating bansa.
   

   g.      Anadiplosis

1.      Gusto ko mang sabihin
Sabihin ang tunay na nadarama
Nadaramang matagal ko nang lihim
Lihim ng aking damdamin
2.      Mahirap tanggapin
Tanggapin ang katotohanan
Katotohanan na mula sa kasinungalingan
Kasinungalingang ayaw mo nang balikan
3.      Di ko mapatawad
Mapatawad ang taong nagdulot ng sakit sa aking puso
Puso kong nabigo at nasaktan
Nasaktan ng lubos na halos di ko na malimutan

  1. Simili

    1. Ang kanyang ngiti ay tulad ng isang makulay na bahaghari.
    2. Ang kanyang boses ay tulad ng huni ng isang ibon.
    3. Ang kanyang mukha ay kawangis ng kanyang ina.

  1. Metapora

    1. Ikaw ang araw na nagbigay liwanag sa aking madilim na kahapon.
2.   Ikaw ang himig na kumakanta sa aking buhay.
                  3.   Ang aking pamilya ang aking kayaman na hindi ko ipagpapalit kailanman.
  
  1. Personipikasyon

    1. Ang mga sampaguita ay wari’y sumasayaw ng cha-cha sa aking hardin.
    2. Kumakanta ang mga ibon sa mga sanga ng puno.
    3. Ngumiti ang araw sa pag tila ng ulan.

  1. Hayperboli

    1. Di mahulugang karayom ang konsiyerto ng isang tanyag na mang-aawit.
    2. Bumaha ng luha ng siyay umiyak sa pagkamatay ng kaniyang  ina.
    3. Nag-aapoy ng lagnat si Klarissa kagabi.

  1. Metonimi

    1. Malakas kumain si Bert, limang plato ng kanin ang kanyang naubos.
    2. Mabilis lumangoy si Ian, para siyang isda kung sumisid sa dagat.
    3. Ang aking ina ang ilaw ng aming tahanan.

  1. Sinekdoki

      1. Naghiwa siya ng bawang, hinaluan niya ng toyo at suka at iginisa ang karne upang magluto ng paborito niyang adobo.
      2. Bumili sila ng makukulay na tela at mga sinulid kahapon upang gumawa ng isang makulay na damit.
      3. Sila ay naghanda, nagluto at nagkaroon ng salo-salo para sa kaarawan ng kanilng lola.

  1. Eupemismo

    1. Dahil sa kanyang malusog na katawan nahirapan siyang tumakbo.
    2. Si Jane ay mapili sa gamit, lalo na sa relo.
    3. Pabalik-balik siya sa ospital dahil siya ay may mahinang katawan.

     Ñ.     Retorika ng tanong

1.      Magagawa pa kayang magmahal ng pusong sugatan pagkatapos ng sakit at pagpapaasa?
2.      Ano ba ang gagawin mo kung ang kaisa-isang lalaking pinakamamahal mo ay sa kasamaang palad kasal na?
3.      May pag-asa pa ba sa puso ng bawat Pilipinong nawalan ng pamilya dahil sa napakalakas na bagyo?

    Ng.      Klaymaks

1.      Isinilang ang isang napakalusog na batang lalaki, natutong lumakad nagkaisip at natuto. Isang mabuting anak at masipag na mag-aaral. May mataas na pangarap sa buahy at puno ng determinasyon. Nagyon, siya na ang nagbabahagi ng karunungan sa bawat kabataan. Isang inspirasyon sa lahat at isang mabuting guro.
2.      Sila ay nagkakilala sa isang parti, nagkasama madalas kasama ang mga kaibigan hanggang sa naging matalik na magkaibigan. Hindi nila pinansin ang kakaibang naramdaman. Alam nila na ito ay pag-ibig, ngunit kanilang pinipigilan. Hanggang sa umamin ang binata. Naglakas loob na magpahayag ng nararamdaman sa dalaga at kinalaunan ay nagkaroon ng malalim na relasyon. Nagkaroon sila ng matibay at masayang relasyon. Hanggang sila ay humantong sa kasalan at namuhay ng mapayapa at bumuo ng sarili nilang pamilya
3.      Iniwan siya at nabigo. Umiyak at nasaktan ng lubos. Ngunit siya ay bumangon. Pinawi ang bawat luha at kinalimutan ang nakaraan. Inilibing sa limot ang bawat sakit hanggang sa naghilom ang bawat sugat sa kaniyang puso. Ngayon, nagbago na siya. Hindi na siya ang taong puno ng sakit at luha. Dahil  ang bawat pahina ng kaniyang buhay ay puno ng pag-asa at pagbabago. Handa na niyang harapin ang hamon ng buhay na mas matatag at puno ng tapang.

  1.       Antiklaymaks

    1. Noon, masaya ang kanilang pamilya. Puno ng pagmamahalan ang bawat isa. Ngunit, nakita niya ang kanyang ama, hawak ang kamay ng isang babaeng di niya kilala. Hanggang sa marinig niya ang sigawan at away ng kanyang mga magulang. Simula noon, di na umuuwi ang kanilang ama. Hindi na ganoon kasaya ang pamumuhay, wala nang tawanan at biruan. At binuhay na sila ng kanilang ina na mag-isa.
    2. Isa siyang matalino at mabuting estudyante. Masayahin at palakaibigan. Pinipuri siya ng mga guro dahil sa kaniyang katalinuhan at kabaitan. Aktibo siya sa paaralan nila. Mahal na mahal rin niya ang kaniyang mga magulang. Dahil siya lamang ang isang anak nila, hangang-hanga ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Ngunit, nagkasakit siya. Isang malubhang sakit ang dumapo sa kanya. Nalalagas ang kaniyang mga buhok at halos di na makalakad. Parati na lamang siyang nakahiga sa kaniyang kama. Hanggang sa binawian na siya ng buhay. Kahit wala na siya sa piling ng mga nagmamahal sa kaniya, manantili pa rin siyang inspirasyion sa kanila.
    3. Mahal nila ang isa’t isa. Ngunit hindi boto ang kanilang mga magulang. Inilayo ang lalaki at nag-aral sa ibang bansa. Matagal na panahon silang hindi nagkita. Ngunit nangako sila sa isa’t-isa na sila pa rin hanggang sa huli.  Naging tapat ang babae at naghintay sa kaniya hanggang sa bumalik ito, ngunit nalaman na lamang niya na kasal na pala ito at magkakaroon na ng anak. Parang winasak ang kaniyang damdamin, wala na siyang ibang nagawa kundi umiyak at kalimutan ang taong minahal niya ng lubos.

  1. Oksimoron

    1. Ang buhay ay hindi pantay-pantay. May mahirap may mayaman. May masaya may malungkot. Mayroong maraming nagmamahal at mayroon ring  nag-iisa na lamang.
    2. Ang pag-ibig ay hindi puro kaisyahan na lang. Minsan, dadanas ka ng lungkot sa bawat saya. Gulo sa bawat pagkakaintindihan. Luha sa bawat ngiti. At higit sa lahat kabiguan sa bawat bagong pag-ibig.
    3. Lahat ay pwedeng magbago. Ang masama nagiging mabuti. Ang malungkot nagiging masaya. Ang luha nagiging ngiti. Ang hirap nagiging ginhawa. Ang sugat ay naghihilom. At ang bawat kabiguan ay nabibigyan ng bagong pag-asa.

  1.  Ironiya

    1. Kung gaano siya kaganda, ganoon rin kasama ang kaniyang ugali.
    2. Sila ay mayaman, ngunit napakamata pobre.
    3. Siya ay matalino, ngunit parang sino kung umasta.

  1. Paralelismo

    1. Iyan ang gusto ko sa isang lalaki, may respeto, responsible, mabait at higit sa lahat may takot sa Diyos.
    2. Ang tunay na Pilipino ay mahal ang sariling wika, malikhain at marunong makikapwa tao.
    3. Ang Diyos ay natatanging dakila sa lahat. Walang papantay sa Kaniya. Siya dapat ang sentro sa ating bawat buhay.












                       


No comments:

Post a Comment