Pages

Wednesday, January 11, 2012

Mga Tayutay

  1. Aliterasyon
Hal.
·         Mababa ang marka ng mga mag-aaral sa makabayan pagkat malimit silang mag-aral.
·         Madalas magalit ang mama ni Marko pagkat maingay talaga ang malaki niyang bunganga.
·         Malimit magsalita si Jorix marahil inaayawan siya ng kapwa niya mag-aaral na maiingay.
  1. Asonans
Hal.
·         Nagkantahan sila dahil sa tuwa na hatid ng pagkapanalo nila sa larangang sinalihan.
·         Naghiyawan ang lahat ng lumabas si Sam Milby at kumanta sa harapan nila.
·         Nagsayawan ang lahat ng nagsimulang kumanta ang banda sa loob ng araneta.

3.      Konsonans

Hal.
·         Buhay ko ay ibibigay at sa iyo lamang iaalay makamit ko lang pag-ibig mong tunay.
·         Dasal  ko sa Maykapal tayo ay magtatagal aking minamahal.
·         Nag-iyakan ang nagsiupuan sa hagdan matapos daganan ng ng sirang pintuan.

4.      Onomatopiya
Hal.
·         Umaaliw-iw ang iyong pangalan sa aking isipan.
·         Lagaslas ng tubig ang aking pag-ibig kung ang pag-uusapan ay ikaw.
·         Kalimbang ng kampana ang lakas na aking naririnig kapag pangalan mo ay naiwaglit.

5.      Anapora

Hal.
Tao ang sinasabing pinakamatalinong nilalang sa mundo.
Tao ang angat sa lahat, may likas na katangian, kakayahan at ugali;
Subalit tayong tao ba ay sinsitibo sa ating mga kilos at galaw?
At tayong tao ba ay alam ating mga responsibilidad at pananagutan?



Pag-ibig ang siyang inaasam asam ng lahat.
Pag-ibig ang siyang nagbibibgay saya at agalak.
Ngunit, pag-ibig rin  ay  nagdudulot  ng lungkot at sakit?

Kabiguan siyang inaayawan ng lahat;
kabiguan siyang napakasakit maranasan.
Ngunit, kabiguan ba siyang dahilan ng iyong habang buhay na pagsuko?

6.      Epipora

Hal.

 Ang Pilipinas ay apara sa mga pilipino,
 binubuo ng mga ibat-ibang  pangkat ng pilipino;
 upang maianagat at maipakilala ang lahing pilipino.

 Ang edukasyon ay para sa kabataan,
 daan sa tuwid na landas ng kabataan;
 para sa magandang kinabukasan ng kabataan.

Ang aking sakripisyo ay para sa bayan;
dusa, pighati at hirap aking titiisin para sa aking bayan,
pagkat wala akong ibang kinilalang kinagisnan kundi ang Pilipinas na aking bayan.

7.      Anadiplosis

Hal.
Irog ko na siyang sinisigaw;
sinisigaw ng puso kong uhaw,
uhaw sa iyong pagmamahal;
pagmamahal na kay tamis.

Ina kong minamahal;
minamahal  kong labis at ipinagmamamlaki,
ipinagmamalaki ko na sabihin;
sabihin sa mundo ikaw ang bayani sa buhay ko.

Puso ko ay sa iyo lamang sinisinta;
sinisinta ko sa tuwina at pinapangarap,
pinapangarap kong maging tayo;
tayo lamang hanggang  huling hininga.

8.      Simili

Hal.
·         Ikaw ay parang anghel na hulog ng langit sa ganda
·         Kawangis ng labayo si Vice kung tumakbo.
·         Ikaw ay tulad ng tala na nagniningning sa gabi.

9.      Metapora

Hal.
·         Ikaw ang tubig na dumadaloy sa aking puso.
·         Ikaw ang ilaw sa aking buhay.
·         Ikaw ang tala na nagniningning sa aking mga mata.

10.  Personapikasyon

Hal.
·         Ilaw na dala ng kandila ay may katapusan pagdating ng araw.
·         Mataas na lipad ng eroplano mahaba siyang babagsakan.
·         Matayog na aakyating bundok malayo naman siyang babalikan.

11.   Hyperboli

Hal.
·         Nalaglag ang aking puso ng makita kita.
·         Sumayad sa lupa ang aking nguso dahil sa narinig na balita.
·         Sumabog ang aking utak ng malaman kong may iba na siya.



12.  Metonomi

Hal.
·         Mabilis  talaga  siyang  kumain, limang plato ay agad niyang naubos sa loob ng walong minuto.
·         Malakas talaga siyang tumakbo, walong bloke kaagad ang agwat niya mula sa kalaban.
·         Mabilis siyang lumangoy, kidlat niyang tinawid ang lawa.

13.  Sinekdoki

Hal.
·         Kinaumagahan dumalaw sila, kasama ang barkada na may dalang gitara ay nag-aawitan sila upang surprisahin ang kaibigan sa pamamagitan ng pagmamanyita.
·         Kahapon ay isiniayos ang lahat, inihanda ang tahanan, sasakyan, mga pagkain, gamit at maging simbahan para sa pag-iisang dibdib nila bukas.
·         Kanina ay dinala niya ang kanyang mga magulang, nagdala ng mga pagkain at bihis na bihis pagkat siya’y mamamanhikan.

14.  Eupemismo

Hal.
·         Parehong kaliwa ang paa ni kung si Marko ay sumayaw.
·         Matalim ang dila ni Marko kung magsalita.
·         Hindi kaaya-aya ang kanyang mukha.

15.  Retorika ng tanong

Hal.
·         Magagawa kayang mahalin ng anak ang amang nang-iwan sa kanya sa mahabang panahon?
·         Magagawa kaya ng isang nagmamahal na palayain ang minamahal?
·         Kakayanin mo bang mamuhay sa isang lugar kung saan walang teknolohiya?

16.  Klaymaks

Hal.
·         Mabilis na humupa ang tension, napawi ang kaba, muling nabuhayan ng loob ang lahat ng humupa ang baha.
·         Mabilis na dumaan ang gabi, nawala ang takot sa dilim, sumibol ang araw at nagliwanag ang paligid bilang panibagong araw.
·         Sabik na sabik siyang makauwi, sumakay ng eroplano at gusto naring makitang muli ang pamilya niya.

17.  Antiklaymaks

Hal.
·         Sikat na sikat si Michael sa larangan ng sayaw; pinalakpakan ng marami, subalit unti-unting lumaos sa paglipas ng panahon at ngayon ay tila alamat na lang.
·         Kilala ang lugar ng Carmen sa likas na yaman tulad ng pananim at mga hayop na matatagpuan ditto,ngunit unit-unting nawala ang pananaw na ito dahil sa baha na tila taun-taon dumarating.
·         Usung-uso noon ang gel para sa hairstyle ng mga kalalakihan pero dahil hindi na ito mabenta ay unti-unti itong nawala sa ilang tindahan.


18.  Oksimoron

Hal.
·         Ang buhay ko ay may pighati at saya, dumaan sa hirap at ginhawa; nadapa at bumangong muli.
·         Ang itim at puting kulay ay simbolo ng marumi at malinis na pagkatao.
·         Ang liwanag at dilim ay hudyat ng kabiguan at pag-asa.

19.  Ironiya

Hal.
·         Si Marta ay ubod ng ganda pero napakasungit naman at napakapangit ng kalooban.
·         Si Edwin ay magaling sumayaw pero siya namang mapagmataas.
·         Si Mark ay gwapo at matipunong lalaki ngunit hindi naman kaayaaya ang kalooban.

20.  Parallelismo

Hal.
·         Ang BTTE-2C ay sama-sama sa hirap at saya sa larangan ng eskwela, sama-sama rin kaming magtatapos at sasabak sa iba pang pagsubok.
·         Pangkalahatan ang hindi sumang-ayon sa programa ng pamahalaan, kapit kamay silang nagwelga at nagsama-sama.
·         Sa isang kompanya ang union ang siyang laging sumasalungat sa hinaing ng administrasyon, sama-sama nilang ipinaglaban ang kanilang pinaninindigan.






                                                           JORIX S. LIPONGO
                                                                      BTE-2C






No comments:

Post a Comment