Pages

Thursday, January 12, 2012


MGA TAYUTAY
A). ALITERASYON
  1. Si Juan at Dan ay dumaan sadalampasigan.
  2. Ang pag-ibig ayang pagkakapitbisig ng pagkakaibigan.
  3. Punit man ang pugad ng pagsinta’y pangarap, kung pagtutuwangan ng pag-iirogan sa pawisang palad, pangako kakanti’t panginooy papayag.

B). ASONANS
  1. Natutuwa ka palang magkaroon ng mabuting kaibigan.
  2. Bagong buhay sa labas ng bahay kulungan ni Kiray.
  3. Patuloy akong makikibaka sa buhay na may pag-asa.

C). KONSONANS
  1. Ang mga hapon ay mahilig kumain ng hipon sa dapithapon.
  2. Ang tunay na buhay ay makikita sa alaga ni inay.
  3. Ang mundo ay kay gulo sa buhay ng tao itoy nakakatotoo.

D). ONOMATOPIYA
  1. Ang buhay ko ay palaging dinadatnan ng dagundong ng kulog.
  2. Ang langitngit ng kawayan ay nagbibigay problema sa aking pagpapahinga.
  3. Nakailang kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin.

E). ANAPORA
  1. ANg aking kamay ang gamit ko sa aking paghahanapbuhay. Ang aking kamay din ay magdadala patungo sa aking karangyaan.
  2. Edukasyon ang susi ng kinabukasan. Edukasyon din ang nalilinang n gating kakayanan. Ngunit ang edukasyon ba ay sapat upang ang buhay ay mapagtagumpayan.
  3. Hayaang humagulhol ang aso sa tuwa. Hayaaang sa duluha’y may lampong na pusa. Hayaang sa punso’y may kat’yaw na tumutuka.

F). EPIPORA
  1. Ang lasa ng gulay ay nagbibigay kulay sa ating buhay.
  2. Si ate ang nagtitimpla ng kape tuwing hating gabi.
  3. Huwag nating tulutang maibagsak ng kaaway ang pamahalaan ng bayan, tatag ng bayan at ukol sa bayan.

G). ANADOPLOSIS
  1. Ako man ay may damdamin;
damdamin na sa iyo”y dinidiin
dinidiin upang maging magiting; sa iyong pagtingin.
  1. Bayan ang kailangan;
kailangan ng mamamayan:
mamamayan ang bumubuo ng bayan:
bayan ang pundasyon ng disiplinadong mamamayan.
  1. Kamukha ng isang sagang walang mukha; kabila ay pula’t itim ang kabila.

H). SIMILI
  1. Kawangis mo”y isang prinsesa na ubod ng ganda.
  2. Parang bulking sumabog ang tinitimping galit ni Rodel.
  3. Ang luha ni Dina ay tulad ng mga butyl ng perlas.



I). METAPORA
  1. Ikaw ang dugo na nanalaytay sa aking katawan.
  2. Ikaw ang aklat na nagbibigay karunungan sa aking kaibigan.
  3. Isang basag na salamin ang dalaga ni lolo Jose.


J). PERSONIPIKASYON
  1. Mabilis na lumipas ang oras tungo sa malagim niyang wakes.
  2. Ang magandang dapithapon ay nagging kanlungan ng malagim na krimen.
  3. Nagluksa ang daigdig sa kamatayan ng dakilang heneral.

K). HAYPERBOLI
  1. Bumaha ng dugo nang magkaroon ng barilan sa amin.
  2. Abot tainga ang ngiti ng dalaga sa pagdating ng napupusuan niya.
  3. Bundok-bundok na mga pinggan ang pinagtulungang hugasan ng magkakapatid.

L). METONIMI
  1. Tumanggap siya ng mga palakpak sa kanyang tagumpay.
  2. Ang bunga ng kanilang pagiibigan ayisang malusog na lalaki.
  3. Isang malaking biyaya ang natamo niya sa patimpalak.

M). SINEKDOKI
  1. Anim na nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa batang takot na takot.
  2. Ang mga bata ay nangangaroling at nagtipontipon para sa pagsalubong ng bagong taon.
  3. Sampung kamay ang nagtulongtulong sa sa pagbuhat ng bahay nila ana.

N). EUPEMISMO
  1. Magkakapera din  lamang siya ng pera, ay sa illegal pa galing
  2. Magkakaroon lamang siya ng kotse, ay bakit segundamano pa.
  3. Wala siyang maraming pera, subalit mayaman sa barkada.


N). RETORIKAL NA TANONG
  1. May ina kayang ipalalaglag ang anak sa sinapoponan kung itoy wla sa katinuan?
  2. May babae kayang makakatagal sa lalaking iton ubod ng hambog?
  3. Abortionista hindi kaba nakukonsinsya sa batang kaawa-awa na sa kamay mo ang buhay.

NG). KLAYMAKS
  1. Malakas na dumaan ang oras, nahawi ang taglagas, muling lumakas ang araw sa pagsikat na nagababdya ng bagong bukas.
  2. Mabilis naubos ang bigas, nakita ang pagpayat, muling nabuhay ang taglagas.
  3. Ang tuwa niya nang nagging sila at ikinasal, ngunit ang tuwa ay napawi ng matinding pighati


O). ANTIKLAYMAKS
  1. Wlang kaibigan ang batang iyon, nagdaan ang mahabang panahon, siya’y nagkaroon nag maraming katipon, dahil sa kanyang pusong mamon.
  2. Pag may patimpalak sa bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong panauhin, hanggang sa unti-unting, nalalagasan ang mga tagahanga, pawala nang pawala ang nagkakagulong tagahanga nasa tainga ay nakikiramay sa tahimik na lugar.
  3. Nunit kailangan mo ng katambal; kailangan mo ang katulong, kawaksi, kaisa.



P). OKSIMORON
  1. Ang kasiyahan sa mundo; may kakakibat na lungkot, may pighati at pagdurusa patungo sa pag-asa.
  2. Ang pag-ibig ay masaya; may selos at tiwala, may away at may pagkakaintidihan sa bawat isa.
  3. Ikaw ang ligaya, sa iyo may pag-asa at pagluha, may tiwala na hindi mawawala sa akin sinta.

Q). IRONIYA
  1. Kay bait mong kaibigan. Pagkatapos kitang tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo pa ang aking kasintahan.
  2. Magiliw-giliw rin naman ang ugaling kilos pagong ng taong iyon, kung di mo aalayan ay di makakapunta sa parooonan.
  3. Ang kanyang mukha ay mala prinsesa ngunit ang ugaling di ka-aya –aya  ay higit pa sa malansang isda.

R). PARALELISMO
  1. Ito ang magkakaibigan, sama-sama sa isang bagay, iisa ang hiolig sa buhay, sama-sama rin sa matagumpayan na buhay.
  2. Ang prinsipyong estudyante, edukasyon ang aking sandata, sama-sama tungo sa pagkakaisa, magiging lider na may pagtitiwala
  3. Ang hulwaran mag-asawa; sapera ay di nagpapadala, sa pag-ibig nakaaya-aya, ang pagtitiwala sa isa’ isa ay kay ganda.

                         SUBMITTED BY: JANE C. NIÑEZ  BTTE- 2C

No comments:

Post a Comment