Pages

Friday, January 13, 2012

Mga Tayutay

Ellian Mae B. Aniñon

BTTE-2D

Mga Tayutay

Aliterasyon

  1. 1. Makikita sa kanyang mukha ang magandang ugali.
  2. 2. Matindi kong magmahal ang taong mapagmahal.
  3. 3. Nanggagalaiti sa inis nang natuklasan niya ang kanyang kataksilan.

Asonans

  1. 1. Pag may itinanim may aanihin.
  2. 2. Ang kulang sa tiyaga wlang nilaga.
  3. 3. Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating sa paruroonan.

Konsonans

  1. 1. Ang puso ko ay umiiyak na parang nabibiyak.
  2. 2. Mahal kita mula noon, at lalong mahal kita hanggang ngayon.
  3. 3. Ikaw ang aking ligaya at araw-araw ako ay masaya.

Onomatopiya

  1. 1. Ang tunog nang kulog, ang sigaw nang kidlat ay galit nang kalikasan.
  2. 2. Tulad ng himig nang ibon ang kapayapaan sa kagubatan.
  3. 3. Umalingawngaw sa baho ang gabundok na basura.

Anapora

  1. 1. Ako ang ina mo, ako ang nag-alaga sayo, at ako lamang ang gagabay sayo.
  2. 2. Ang guro ang pangalawang ina, guro ang nagtuturo ng tamang asal at disiplina, guro din ang mag-aalaga sayo habang nasa loob ng paaralan.
  3. 3. Siya ang aming ama, siya ang haligi nang aming tahanan, at siya ang magtataguyod sa aking kinabukasan.

Epipora

  1. 1. Ang hustisya ay para sa mahihirap, pinaglalaban para sa mahihirap, at iaalay lamang para sa mahihirap.
  2. 2. Matuto kang umiyak sa taong kaya kang iyakan, at wag mong subukang umiyak sa taong kaya kang pagtawanan.
  3. 3. Ang pagmamahal ko sayo, binibigay nang todo para sayo at wala ng ibang pag-aalayan kundi sayo.

Anadiplosis

  1. 1. Paano ba nasusukat ang pag-ibig, Pag-ibig na walang hanggan, hanggang kalian ako maghihintay, maghihintay sa pag-ibig mo.
  2. 2. “I love you” kasi mahal kita, mahal kita kasi gusto kita, gusto kita dahil mabait ka, mabait ka kaya wala ng iba.
  3. 3. Matuto kang umiyak, umiyak sa taong nagmamahal, nagmamahal ng lubos, lubos na iniibig ka.

Pagtutulad o Simili

  1. 1. Ikaw ay parang tala sa langit.
  2. 2. Ang kanyang boses ay gaya ng ibong umaawit.
  3. 3. Katulad ng isang mabangis na tigre ang ugali niya.

Pagwawangis o Metapora

  1. 1. Ang aking ama ay tunay na haligi ng tahanan.
  2. 2. Kasing laki ng mundo ang pagmamahal ko sayo.
  3. 3. Kasing dilim ng gabi ang ugali niya.

Pagbibigay katauhan o Personipikasyon

  1. 1. Dumaranas ng matinding kalungkutan ang ulan.
  2. 2. Mabilis na tumatakbo ang tubig sa ilog.
  3. 3. Sumasayaw sa indak na parang kawayan.

Pagmamalabis o Hyperboli

  1. 1. Tila nabagsakan ng lupa nang binasted mo ako.
  2. 2. Nabiyak ang kanyang puso ng iniwan siya nang kanyang kasintahan.
  3. 3. Naabot niya ang tala sa langit ng sinagot siya ng “oo”.

Pagpapalit Saklaw o Metonomi

  1. 1. Kabiyak ng aking puso.
  2. 2. Kakambal nang aking pagkatao.
  3. 3. Gabay sa aking paglaki.

Sinekdoki

  1. 1. Akoy magbabanat ng buto para sa aking pamilya.
  2. 2. Siya ay inihatid na sa huling hantungan.
  3. 3. Siya ay may ugaling balat-sibuyas.

Eupemismo

  1. 1. Natodas na ang kanyang paboritong aso.
  2. 2. Ang pamilya ni Ana ay naghihikaos sa buhay.
  3. 3. Nagkaroon siya nang matinding samang-palad.

Retorikal na Tanong

  1. 1. May kaunting pag-asa ba ang pagmamahal ko sayo?
  2. 2. Makapasa kayo ako sa pagsusulit?
  3. 3. Mapagbibigyan ba ako ng Diyos sa aking hiling?

Paralelismo

  1. 1. Siya ay masungit, mataray at mapakla ang ugali.
  2. 2. Si Annie Batumbakal ay sumasayaw, tumatalon, at yumoyogyog sa tuwa.
  3. 3. Siya ay matalino, mabait, at masipag na tao.

Klaymaks

  1. 1. Ang walang awa at puso na si Hara Lamitan ay natalo at napaslang sa labanan, nagwagi ang hukbo nila amaya, at nagdiwang sila sa tuwa.
  2. 2. Natapos ang isang malaking hidwaan, unti-unting sumilay ang liwanag at muling nasilayan ang bagong pag-asa.
  3. 3. Natapos na rin ang kanyang paghihintay, at ngayon ay sabay na silang haharap sa panibagong bugso nang buhay.

Anti-Klaymaks

  1. 1. Siya ay kinagat nang makamandag na ahas. Namaga ang sugat at unti-unti na siyang naghihina hanggang sa nawalan na siya nang malay.
  2. 2. Nalaman na din niya ang ginawang kataksilan nang kanyang kasintahan. Humahagulgol siya sa iyak dahil sa sakit na nararamdaman at dahil dito naisipan niyang tapusin ang kanyang buhay.
  3. 3. Nahuli ko ang aking kaibigan at nalaman kong pinagtaksilan niya ako. Niloloko niya lang pala ako at ito ay nagdulot nang matinding sakit at sugat sa aking puso.

Pagtatambis o Oksimoron

  1. 1. Ang pag-ibig ay nagbibigay nang kasiyahan, minsan din ay kalungkutan, minsan masarap ngunit nakapagbibigay din ang pait.
  2. 2. Ikaw ay nakapagpapangiti, ngunit minsan din nakapagpapaiyak natatakot tuloy akong umibig.
  3. 3. Ang mundo ay may mahirap at may mayaman ngunit hindi pantay ang hustisyang binibigay dito.

Ironiya o Pag-uuyam

  1. 1. Ang ganda mo pala sa malapitan , kamukha mo si petra.
  2. 2. Kasing dilim ng gabi ang ugali mo.
  3. 3. Talaga palang ang payat mo, hita ko braso mo palang.

No comments:

Post a Comment