Pages

Tuesday, January 24, 2012

Mga Tayutay


 Sheryl Joy M. Villacarlos
  BTTE-2C

ALITERASYON*

* *

   1. Makikita sa kanyang maamong mukha ang pagmamalupit ng kanyang
   walang-hiyang  asawa.
   2. Ikaw lang talaga at wala ng iba pa.
   3. Si Ana ay isa sa pinkamaganda na dalaga.   

* *

*ASONANS*

   1. Kinain ni Shendy ang matamis na minatamis na saging.
   2. Nasisipagsayaw ng sayaw ang mga magagaling na mananayaw.**
   3. Ako ang pinakamsayang babae na pinasaya mo sa mga masasayang araw na
   magkasama tayo.**



*KONSONANS*

   1. Buhay ko’y naging makulay at napakasarap mamuhay kapag kasama kita
   habam-buhay.**
   2. Pamahalaan ang gumagawa ng paraan upang maging isang maunlad na bayan.
   **
   3. Dinggin mo ang aking panalangin na sana ika’y maging akin.**



*ONOMATOPIYA*

   1. Hagupit ng bagyo.
   2. Hampas ng mga alon.
   3. Lagapak ng mga sanga.



*ANAPORA*

   1. Magulang ang humuhubog sa katauhan ng kanilang mga anak. Ngunit
   magulang din ba ang sisira sa kanilang kinabukasan? At magulang din ba ang
   wawasak sa mga pangarap ng kanilang mga anak?
   2. Pamhalaan ang tumutulong upang maging maunlad ang isang bayan. Ngunit
   pamahalaan din ba ang mangungurakot sa pera ng mga mga mamamayan? At
   pamahalaan din ba ang sisira sa mga pangarap ng mga mamamayan?
   3. Tao ang nag-aalaga sa kalikasan na bigay sa atin ng Diyos. Ngunit tao
   din ba ang sisira sa kalikasan na bigay sa atin ng Diyos? At tao din ba ang
   aabuso sa kalikasan na bigay sa atin ng Diyos?



*EPIPORA*

   1. Ang bahay ampunan ay para sa batang walang mga magulang at walang
   tirahan.
   2. Ang gawaing tao ay mula sa tao.
   3. Mga mahihirap ay lalong nag-hihirap.







*ANADIPLOSIS*

   1. Ikaw ang nagbigay sigla sa aking buhay. Buhay ko’y walang halaga kung
   ika’y mawawala, mawawala ka sa piling ko’y hindi ko kaya.
   2. Mahal kita o aking sinta, sinta ko’y hindi kita iiwan magpakailanman,
   magpakailanman mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga.
   3. Pinapanalangin ko na bawat oras kapiling ka, kapiling ka’y anong
   nadaramang saya, saya na walang sinong mas makakapigil pa.



*SIMILI*

   1. Parang isang bula nang ikaw ay nawala.
   2. Napakamakulay tingnan ang iyong mga damit tulad ng mga kulay ng isang
   bahag hari.
   3. Para kang isang tunay na prinsesa kung ikaw ay umasta.



*METAPORA*

   1. Isa kang hulog ng langit nung dumating ka sa buhay ko.
   2. Ikaw ay isang magandang ala-ala na nangyari sa buong buhay ko.
   3. Ikaw ay isang anghel na padala ng Diyos mula sa itaas.



*PERSONIPIKASYON*

   1. Sumasayaw ang mga dahon dahil sa lakas ng ihip ng hangin.
   2. Tumitindig ang mga balahibo ko sa tuwing makakakita ako ng multo.
   3. Ang ulilang bahay ay iniwan ng tuluyan.



*HYPERBOLE*

   1. Lumulundag ang puso ko sa tuwing nilalapitan mo ako.
   2. Ako’y naglaba ng mala-bundok na labada.
   3. Pasan ko ang daigdig.



*METONIMI*

   1. Napakalakas niya talagang kumain, tatlong pinggan ng  kanin ay halos
   kulang pa sa kanya.
   2. Napakabilis niyang tumakbo, sa isang iglap ay napakalayo na niya.
   3. Makamandag kung siya ay kumilos.



*SINEKDOKE*

   1. Nagbabagang apoy ang galit niya sa presidente.
   2. Umaalburoto ang puso niya sa tindi ng galit niya sa kanyang kaibigan.
   3. Nagsususnog kilay siya tuwing gabi.



*PAGLUMANAY O EUPENISMO*

   1. Bakal na kamay ang namuno sa grupo.
   2. Maitim ang budhi ang ugali ng kanyang manugang.
   3. Butas ang aking bulsa sa kakabili ng mga gamit.



*RETORIKAL NA TANONG*

   1. Paano na kaya ang mga pangarap?
   2. Kailan makakamit ang hustisya?
   3. Magkakatuluyan kaya sila?





*PAGSUSUSKDOL O KLAYMAKS*

   1. lumabas si haring araw upang magbigay liwanag.
   2. Mabilis na humupa an gang hangin at tumila ang malakas na ulan.
   3. Pinagsaluhan ang malamig na gabi.





*ANTIKLAYMAKS*

   1. Noon, ang babaeng iyon ay napakaraming naakit sa kanyang kagandahan,
   hanggang sa siya’y nalaos at nawalan ng taga-hanga at ngayo’y yinanggalan
   ng trabaho.
   2. Noon, napakalinis ng tubig sa batis, hanggang sa tinapunan ng mga
   basura at nagging maitim ang tubig hanggang sa ginawang tapunan ng mga
   basura.
   3. Noon, napakatalino ng batang iyon napakaraming parangal ang
   natatanggap niya sa mga patimpalak, hanggang sa siya’y nalulung sa bisyo at
   druga at at tinggal sa iskolarship at ngayo’y tambay na lamang siya sa
   kanilang bahay.



*PAGTATAMBIS O OKSIMORON*

   1. Ang tunay na kaibigan ay walang iwanan, sa lungkot at ligaya , hirap
   at ginhawa.
   2. Umaalingawngaw ang iyong pangalan sa aking puso’t isipan.
   3. Ang mabuhay sa mundong ibabaw ay napakasarap at napakaganda.





*PAG-UYAM O IRONIYA*

   1. Napakaganda mo naming tingnan, para kang chistmas tree.
   2. Napaka-aga mo naman para sa pangalawang klase.
   3. Ang galling mo namang sumayaw, parehong kaliwa ang paa.





*PARALELISMO*

   1. Ang pamilyang  magkahawak kamay, tiyak magkasama habam-buhay.
   2. Ang batang makulit, pinapalo sa puwet.
   3. Ang barkadang walang iwanan, sama-sama rin hanggang kamatayan.

No comments:

Post a Comment