Pages

Thursday, January 12, 2012

(Mga Tayutay&Halimbawa)Takdang-Aralin1


Takdang-Aralin 1
Keep on smiling kahit nakakastress ang takdang-aralin na ito :) hahah


Mga Tayutay at ang mga Halimbawa


ALITERASYON

*Madalas mo bang maramdaman ang kalungkutan na minsa’y magpapalugmok at magpapatibay sa’yong pagkatao.
 *Pinipilit pigilan ang patuloy na pagtibok ng puso para sa kanya.
 *Kung ikaw ay kinakabahan, kagatin mo lang ang iyong labi.


ASONANS

*Minsan ninanais kong masilayan ang matatamis nyang ngiti.
*Ako’y patuloy na makikisabay sa daloy ng buhay.
*Iingatan at aalagaan ang mga bagay na ‘yong pinapahalagahan.


KONSONANS

*Kukunin ko ang mga bituin, maging akin ka lang.
*Kami ay nanabik sa muli mong pagbabalik at bibigyan ka ng isang halik.
*Tinatanaw ang magandang sikat ng araw na nagbibigay sigaw sa malalamlam na mata.


ONOMATOPIYA

*Makikinig mo ang kalembang ng kampana tuwing kapaskuhan.
*Ang bulong na nagmumula dito sa’king puso, sana’y marinig mo.
*Ang pagtaghoy ng bata na naligaw sa kagubatan.


ANAPORA

*Edukasyon ay napakahalaga sa bawat isa, edukasyon din ang nagsisilbing hagdan tungo sa’yong pangarap at ang edukasyon ay dapat matamo ng kabataan.
*Pamilya ay dpat pahalagahan sapagkat pamilya ang iyong magiging sandigan at ang pamilya ay ang bumuo sa iyong pagkatao.
*Kaibigan ay tinuturing ko ng pamilya, kaibigan na maari mong sandalan sa oras ng kalungkutan, kaya’t ang kaibigan ko’y aking pinapahalagahan.


EPIPORA

*Ang pagmamahal ay dapat binibigay sa bata, pahalagahan ang bata, sapagkat bahagi ng lipunan ang bata.

*Napapanahon ngayon ang teknolohiya, nagpapagaan ang ating buhay dahil sa teknolohiya at patuloy na uunlad ang bansa dahil sa teknolohiya.

*Iingatan at aalagaan ang libro, ang nagbibigay impormasyon sa atin ay ang libro at kailangan talaga ang isang libro.



ANADIPLOSIS

*Isang kakaibang pakiramdam
 Pakiramdam na dapat mong maramdaman
 Maramdaman mo man ito,
 Ito ay mag-iiwan ng katanungan.

*Sa ‘di inaasahang pangyayari
 Pangyayari na nagdulot ng kalituhan
 Kalituhan na humantong sa isang tanong,
 Tanong na mailap ang kasagutan.

*Tama bang sabihin ang aking damdamin
 Damdamin na tila walang katiyakan,
 Katiyakan na magdudulot ng pagkabigo,
 Pagkabigo na magdadala ng luha.


SIMILI

*Ang pisngi nya’y tulad ng mapupulang rosa sa hardin.
*Ngiti nya’y gaya ng araw na nagbibigay liwanag sa aking kapaligiran.
*Malalamig niyang tinig ay tulad ng musika sa aking pandinig.


METAPORA

*Ako’y panyo mo na magpupunas sa’yong luha.
*Anino ako sa’yong likod na palaging aalalay sayo.
*Sa oras ng kalungkutan, ako’y lapitan at handang maging unan mo.


PERSONIPIKASYON

*Tumigil ang takbo ng oras na ika’y makita sa simbahan.
*Nagtago ang bituin sa likod ng araw sa sobrang kahihiyan.
*Mabilis na gumuho ang kanyang mundo ng malaman ang masamang balita.


HAYPERBOLI

*Lumipad ang mga dyip na nasakyan ko kanina.
*Dahil sa isang linggong pag-absent, isang trak ng takdang-aralin ang dapat sagutan.
*Bumaha ng luha sa kanyang kwarto na magkahiwalay.


METONOMI

*Sadyang maganda at mabait pa ang pangalawang ina ko.
*Nagpunta ng ibang bansa ang haligi ng aming tahanan.
*Ang ilaw ng tahanan ay dapat minamahal.


SINEKDOKI

*Kalansay na ang kanyang katawan pagkatapos niyang lumabas ng ospital.
*Inalay niya ang kanyang kamay sa taong pinakamamahal niya.
*Kapit-bisig nilampasan ng magkapatid ang pagsubok sa kanilang buhay.


EUPEMISMO

*Wala siyang masyadong kaibigan dahil matabil ang kanyang dila.
*Minamaliit ang kanyang kakayahan sapagkat utak ipis siya kung ituring.
*Di man lang siya makabili ng damit maunti lang ang laman ng kanyang bulsa.


RETORIKAL NA TANONG

*Hanggang kalian ba ako maghihintay sa wala?
*May pag-asa pa bang umunlad ang ating bansa?
*Tama bang mahalin mo siya higit pa sa isang kaibigan?


KLAYMAKS

*Pagkatapos ng ulan, sumikat naman ang araw na naghuhudyat ng panibagong simula.
*Sa pagkadapa, tila bumukas ang pinto tungo sa tagumpay.
*Ang luha niya’y nagging saksi sa kanyang pinagdaanan, ngunit ngiti naman ang masisilayan dahil sa bagong pag-asa na dumating.


ANTIKLAYMAKS

*Punong-puno ang kanyang bahay ng mararangyang gamit ngunit naglahong parang bula ang mga ito.

*Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa ng sila ay ikinasal ngunit napalitan ito ng luha ng magkahiwalay sila
.
*Buong sigla niyang sinalubong ang pagbukas ng bagong yugto ng kanyang buhay, ngunit natapos ito sa malagim na kamatayan.


OKSIMORON

*Sa bawat oras na makikita ko siya may ngiti at luha akong nadarama mula sa’king mga mata.
*Ang buhay ay mapaglaro minsan nasa itaas at minsan nasa ibaba naman.
*Makakaranas ang isang pamilya ng kaginhawan at kahirapan sa kanilang buhay.


IRONIYA

*Magaling siyang makisama sa iba, ‘yon pala may binabalak ng masama.
*Maganda sana, ngunit masama naman ang pag-uugali.
*Itinuring ko siya na isang kapamilya ngunit pinagnakawan niya ang aking pamamahay.


PARALELISMO

*Iyan ang tunay na magkaibigan, magkaramay sa kasiyahan, magkaramay a pagkabigo at magkaramay, ano man ang mangyari.

*Pamilya na nga talaga sila, sama-samng hinaharap ang hamon ng buhay, sama-samang nadadapa at sama-samang tinutulungan upang makabangon sa hamon ng buhay.

*Hindi man sila malapit sa ias’t-isa, sabay-sabay naman silang umuwi, sabay-sabay kung kumaen at sabay-sabay napapagalitan sa oras ng klase dahil sa kanilang kakulitan.



Ipinasa ni:
Jessica F. Villegas                                                o1-12-12

1 comment:

  1. SELOSA KA LAGEE ? gaya2 sakin , nag lagay din sha ng pics , yan tuloy , dami ng may pics ! XDD



    cheers,
    kid ;)

    ReplyDelete