Pages

Thursday, January 12, 2012

mga tayutay


Jepthe Ordonia BTTE 2D
Mga Tayutay
ALITERASYON
Hal:
·         Napakaganda at nakapang-aakit ang kangyang nakapaamong mukha.
·         Nanggigigil at nanglilisik ang kanyang nanghihiganting damdamin.
·         Naiiba at natatangi ang taglay niyang ganda.
ASONANS
Hal:
KONSONANS
Hal:
·         Ang halimuyak ng isang bulaklak ay gamut sa pusong wasak.
·         Ang bawat pangako ay napapako.
·         Ang paglalahad ng pag-ibig ay hindi idinadaan sa bibig.
ONOMATOPIYA
Hal:
·         Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
·         Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
·         Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
ANAPORA
Hal:
·         Siya ay tuso. Siya matalino. Siya ang tanging makakaangkin sa kayamanan.
·         Ako ay  inosente. Ako ay walang kasalanan, hindia ako ang pumatay sa kanya.
·         Ang kapatid ko ay mabait. Ang kapatid ko ay makulit. Kaya sya ang paborito ko.



EPIPORA
Hal:
·         Pera ng Mindanao ay para sa Mindanao
·         Ang gawa ng tao ay babalik sa tao.
·         Ang para sa masa ay para sa masa.
ANADIPLOSIS
Hal:
·         Pigilin ko man itong nararamdaman, nararamdaman na kay tagal ko nang itinatago para sayo.
·         Tumakas ka man ay akin kang hahbulin, hahabulin kita hanggang kamatayan, kamayan man ay hindi makakahandalang.
·         Natatangi ang aking pag-ibig, pag-ibig na kalian man ay hindi magugunaw, magunaw man ang mundo ay ikaw parin.

PAGTUTULAD O SIMILI
Hal:
·         Gaya ng maamong tupa si Alhasan kapag nakagalitan.
·         Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa bilanggoan.
·         Ang kanyang kagandahan ay parang bituing nagninigning.
PAGWAWANGIS O METAPORA
Hal:
·         Siya'y langit na di kayang abutin .
·         Ang aking kasintahan ay Dyosa sa ganda.
·         Ahas si tampolano sa kanyang ginawa.
PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON
Hal:
·         Ang kidlat ay tumama sa akin.
·         Sumayaw ang mga bulaklak sa pag-ihip ng hangin.
·         Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.


PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI
Hal:
·         Tinubuan na ako sa kakahintay sa pagmamahal mo.
·         Kukunin ko ang buwan at ibibigay sayo.
·         Tagos hanggang buto ang galit niya sayo.


PAGPAPALIT SAKLAW O METONOMI
Hal:
·         Ang ikalawang magulang ng mga bata ay nag guro.
·         Malakas siyang imunom ng alak, isang kahon ang kanyang naubos.
·         Si arnel ay tumayo bilang ama sa kanyang mga kapatid.
SINEKDOKI
Hal:
·         Sinungag siya ng sarili niyang tauhan.(sinungag- pinagtaksilan)
·         Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.(Rizal- bayani)
·         Hingin mo ang kaniyang kamay. (kamay- kasal)

EUPEMISMO
Hal:
·         Sumakabilang buhay na ang aking lolo.
·         Pinasan ko ang responsabilidad ko bilang kapatid.
·         Pinagkaitan mo g pagmamahal ang iyong magulang.
RETORIKAL NA TANONG
Hal:
·         Magagawa ba isang mabuting tao ang mandaya?
·         Magagawa muh bang kainin kung anung iniluwa mo na?
·         Magagawa bang iwan ng isang tao ang natatangi niyang mahal?

PARALELISMO
Hal:
·         Siya ay maganda, mabait at matalino.
·         Ang tatay ko ay masipag, masunurin at madiskarte.
·         Ang aming grupo ay kilala, tinitingala at niririspeto.



KLAYMAKS
Hal:
·         Una ay nagkakilala sila. Humingi siya na cell number at nanligaw. Pagkatapos ay naging magsyota na sila.
·         Magsyota na sila. Dinala nya ito sa isang romantikong lugar at nagpropose. Pagkatapos ay iinasal na sila.
·         Naging mag-asawa na sila. Hanggang sa magkaroon sila ng mga anak. Hanggang sa nagkaapo na sila ay wagas parin ang kanilang pag-ibig.

ANTIKLAYMAKS
Hal:
·         Una ay kinagat siya ng aso. Nilagnat siya at sinugod sa ospital. Hanggang nabaliw siay.
·         Nag-away sila ng kanyang asawa, pagkatapos ay sinampal niya ito, at humantong ito sa paghihiwalay nila.
·         Una ay nagkasagutan sila. nagsuntukan. Hanggang kumuha ng kutsilyo at napatay ang isat-isa.
PAGTATAMBIS O OKSIMLORON
Hal:
·         Ang buhay ay isang laro, may panalo at talo, may nauuna at nahuhuli.
·         Ang pag-ibig ay parang musika, may tunog na maganda at pangit, may nakakatuwa at nakakainis.
·         Ang buhay ay parang paglalakbay lang, may maaayos na daan pero minsan may makipot, gusto muh pro minsan ay nakapagod.

IRONIYA O PAG-UYAM
Hal:
·         Nasusuka ako sa napakabangong amoy ng kilikili mo.
·         Napakalusog ng batang ito, buto’t balat na lamang ang natitira.
·         Kay ganda ng iyong ugali kaya lahat sa iyo ay nagagalit.

No comments:

Post a Comment