Pages

Friday, January 13, 2012


MGA TAYUTAY
ALITERASYON
·         Malaki ang maibabahagi ng mga mamamayan sa mabilis na pag-unlad ng bayan.
·         Makakatulong ng malaki ang pagiging masiyahin para makaiwas sa stress.
·         Sa laki ng lalawigan, lima lang ang laging laman ng lansangan.

ASONANS
·         Naiisip niya palagi ang kanyang ama na walang pagod sa pagtatrabaho.
·         Kailangan niyang magsikap sa pag-aaral para sa kanyang pamilya na umaasa sa kanya.
·         Nag-aalangan akong pumunta sa kanila dahil sa kangyang pagbabanta.

KONSONANS
·         Ang kagandahan ay nagsisimula sa kadalisayan at katiwasayan ng puso.
·         Milyong litro ng tubig ang naipon kahapon dahil sa sama ng panahon.
·         Naging matilinghaga ang kanyang mukha sa pagkuha ng kutsara.

ONOMATOPIYA
·         Dumagundong ang malakas na kulog.
·         Hagibis ng kidlat.
·         Indayog ng panahon.

ANAPORA
·         Mamamayan ang boses ng bayan. Mamamayan ang kinikilalang nagmamay-ari sa pamahalaan. Subalit, mamamayan din ba ang magiging balakid sa inaasam-asam na kaunlaran? At mamamayan din ba ang sisira sa reputasyon sa ating baying mahal?
·         Pulisya ang tagapagtaguyod ng kapayapaan. Pulisya ang pinagtitiwalaan ng sambayanan. Ngunit pulisya rin ba ang magsisimula sa mga krimen? At pulisya rin ba ang pupukaw sa tahimik na bayan?
·         Pag-ibig ang nagbibigay kulay sa ating buhay. Pag-ibig ang ninanais nating makamtan. Ngunit, pag-ibig din ang nagging daan sa pagkabaliw ng ilan. Pag-ibig na nagdudulot ng kabiguan.

EPIPORA
·         Ang paghihilom sa nasaktang puso ay nagsisimula sa pagtanggap ng maluwag sa puso.
·         Ang pagkatalo ay bahagi ng karanasan, karanasang nagtutulay sa panibagong karanasan.
·         Ang buhay ay biyaya ng Diyos sa tao na nararapat pahalagahan ng mga tao.

ANADIPLOSIS
·         Saliw ng pag-ibig aking naranasan,
Naranasan dahil sa kamanghaan
Kamanghaan na nag-uudyok sa kadalisayan
Kadalisayan na simula ng kapayapaan.

·         Tanglaw sa mapanglaw na araw,
Araw na nagbibigay sigla sa sangkatauhan
Sangkatauhang nagbibigay ng kasiyahan
Kasiyahang dapat pahalagahan.

·         Ako’y minsa’y nasaktan,
Nasaktan sa iyong kasinungalingan
Kasinungalingang agad kong pinaniwalaan
Pinaniwalaan na nagdala sa kamalian.

SIMILI
·         Si Julie ay wari’y ginto na dapat ingatan.
·         Ang ganda ni Joy ay tila isang araw, nakakasilaw.
·         Ang kanyang kabaitan ay tulad ng kanyang amang matulungin.

METAPORA
·         Ballpen ka ng buhay ko, kasama’t kakampi sa lahat ng panahon.
·         Isa kang malaking balakid sa tinatahak kong daan.
·         Kandila kang nagbibigay ilaw sa madilim kong kahapon.

PERSONIPIKASYON
·         Nilamon ng bagyong Sendong ang CDO at Iligan.
·         Sumasayaw ang mga ibon sa saliw ng hangin.
·         Sumisigaw ang langit sa lakas ng kulog.

PAGMAMALABIS
·         Pasan ko ang daigdig sa dami na aking problema.
·         Hindi mahulugang karayom ang Quiapo Church sa dami ng taong nagnais humalik sa poong Nazareno.
·         Bumaha ng luha nang namayapa si Cory Aquino.

METONIME
·         Malakas siyang kumain, isang bandihadong kanin agad niyang naubos.
·         Mabilis siyang tumakbo, isang kilimetro ay agad niyang naabot.
·         Malakas ang kanyang loob, mga sulirani’y hindi niya inuurungan.

SINEKDOKI
·         May gatas pa sa labi ang taong nahuling nagnakaw.
·         Bunsod ng sanga-sangang dila ni Patrick,nagkagulo ang lahat.
·         Amoy lupa na ang taong dumaan.

RETORIKAL NA TANONG
·         Kailan pa uusad ang ekonomiya ng Pilipinas?
·         Hihintayin mo pa bang sisikat ang araw bago mo ituwid ang kamaliang nagawa?
·         Nasaan na ang umagang nagdadala ng bagong pag-asa?

EUPEMISMO
·         Maganda siya , mahina lang ang ulo. (bobo)
·         Dahil sa may utak siya (matalino) nalusutan niya ang kanyang guro.
·         Hindi siya makapag-isip ng matino dahil siya’y hilong-talilong. (litung-lito.)

KLAYMAKS
·         Sunog-kilay siya sa pag-aaral. Nagtapos ng may karangalan. Ngayon tinatamasa ang magandang buhay.
·         Dahil sa kalinisan ni Aling Martha, naimpluwensyahan ang nayon, ngayon pati na ang buong bayan.
·         Dumaan ang malakas na hangin. Dumagundong ang malakas na kulog. Bumulusok ang ulan na nagdulot ng baha.

ANTI KLAYMAKS
·         Ubod siya ng karangyaan noon, anumang naisin ay nakukuha. Dahil sa pagwawaldas unti-unting naubos ang yaman. Ngayon, nararanasan ang pait ng kapalaran.
·         Hitik sa magagandandang alaala ang bahay na iyon. Masayang pamilya ang nakatira, unti-unting nilisan ng mga nakatira. Ngayon ang dating masayang bahay ay napalitan ng kalungkutan.
·         Tinamaan ng landslide ang Pantukan dahil sa mining. Gumuho ang lupa , natabunan ang maraming tao  karamihan ay mga miniro. Hinahanap pa rin ng mga autoridad ang possible pang buhay mula sa pag guho.

OKSIMORON
·         Ang pag-ibig ay isang laro, may nanalo at may natatalo. May Masaya at may nagdudusa.
·         Ang buhay ay pelikula, may bida at may kontrabida. May masayang paglalakbay at may trahedya
·         Ang edukasyon ay isang yaman, may napapalago at may nasasayang.

IRONIYA
·         Ang kagandahan niya ay kaakit-akit, hindi nga lang mabait.
·         Napakahusay niyan g mang-aawit, hindi nga lang marunong makihalubilo.
·         Nakakamangha siya sa entablado, plastik lang makitungo.

PARALELISMO
·         Iyan ang tunay na ganda ng kawayan. Sabay-sabay na nakikisabay sa hangin.
·         Nagpakita sila ng kabayanihan. Tulung-tulong at nagkakaisa sa pagtulong sa iba.
·         Isang magandang ihemplo ang kanilang pamilya sama-samang nagsisimba at may malakas na pananampalataya.





bBrayn R. Villarba
   BTTE 2C

No comments:

Post a Comment