Pages

Sunday, January 22, 2012

USEP ni bordios ,arvil john



USEP by BORDIOS
Tampok sa Unibersidad ng Timog Silangang Pilipinas…
Bawat estudyante ay gustong makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan, datapwat ang ibang matataas na uri ng edukasyon ay pinamamahalaan ng mga pribadong sector kaya nga mahirap kung baga e- afford ang pangmatrikula sa isang pribadong paaralan. Karaniwan sa mga katamtaman lamang ang kita ng mga magulang, pinapa-aral nila ang kanilang mga anak sa mga pampublikong paaralan gaya ng mga” state-universities”. Isa na rito ang USEP (University of Southeastern Philippines).
Kung ikaw ay taga probinsya, kapag maririnig mo ang pangalang “USEP”  ang agad na pumapasok sa isip mo ay matatalino ang mga estudyante at mataas ang kaalaman ng mga guru sapagkat halos masters na at doctorate ang mga ito sa kani-kanilang mga espesyalisasyon. Nang ako ay pinalad na makapasok at makapag-aral sa napaka prestihiyosong paaralang ito , kinakabahan ako baka kasi hindi ako makasabay sa klase. Sa pagka tuklas ko sa unibersidad na ito halos lahat ng mga mag aaral dito ay mga eskolar, ang iba ay eskolar ng mga pulitiko dito sa lungsod ng dabaw, ang iba naman ay mga ched at dost eskolar, siyam na pungporsyento sa mga mag-aaral dito ay galing pa sa mga probinsya at nakipagsaplaran lamang upang matoto at makapagtapos ng kolehiyo. Hindi masusukat ang pagsaskripisyo ng mga magulang at anak sa pagkalayo nito sa isa’t-isa para lang mapunan ang kanilang mga pangarap. Alam nila na sa pamamagitan ng kaalaman at pag-aaral ay maiaahon nila ang kanilang mga sarili at pamilya sa kahirapan, gaya ko rin ang mga mag-aaral dito na nakipagsapalaran sa siyudad para sa edukasyon.

Napag alaman ko na ang paaralang ito o ang mga “state-u” ay  Government funded’, ibig sabihin, lahat ng mga gastusin at  pera  ng  paaralan ay pundo ng Gobyerno o galling sa kaban ng bayan kaya hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na makapag-aral at ibuhos ang panahon sa pagsusunog ng kilay gaya ng ginagawa ng halos lahat ng estudyante rito.
            Sa institusyong ito, lahat ng mga mag-aaral ay natututong magsipag sa aralin sapagkat totoo nga na mahirap talaga ang mga pagsusulit na ibinibigay ng mga instructor ditto. Napag alaman ko din na ang paaralang ito ay may sangay sa ibang lugar gaya ng tagum at mabini etc.
Angkop rin sa paaralang ito ang pitong “Colleges” ika nga. Ang Kolehiyo ng edukasyon, college of business and governance, collge of arts and sciences, school of applies economics, engineering, institute of computing at ang aking college’ ang COLLLEGE OF TECHNOLOGY”. Halos lahat ng mga guru naming ay mga propesor kaya mataas ang antas sa kaalaman an gaming nakukuha. Sa entance exam, totoonga na napakahirap ng pagsussulit upang makapasok, kinakailangan na mararmi ka talagang”prior knowledge” upang ikaw ay makapasok dahil lubhang mahirap makapasok sa institusyong ito sa kadahilanang mahirap ang USEPAT exam..



No comments:

Post a Comment