Pages

Monday, January 23, 2012

halimbawa ng mga tayutay


                           University of Southeastern Philippines
Bo. Obrero ,Davao City






Mga halimbawa ng Tayutay







Ipinasa ni:
DIAZ,JACQUELINE V.








Ipapasa kay:
PROF. Mark Obsioma












Petsa:Enero 13,2012


1.Aliterasyon
-          Kumakanta ng kulang-kulang si kaka.
-           Sumasayaw si sossy ng samba.
-          Aktibo ang alas  ni Alan sa antas ng alituntunin.

2.Asonans
-           Kumukutikutitap si unad sabay bumungisngis.
-          Napakasarap ang ligayang hatid ng maykapal.
-           Hiling ni nina ay limitadong maipatutupad.

3. Konsonans
-          Ang buhay ay tunay niyang ibinigay.
-          Namimis ni Marites si Teres na siyang malakas umubos ng matamis na mansanas.
-          Sadyang maihahambing ang isang mabuting magulang sa magandang kinabukasan.

4. Onomatopiya
-          Umiiyak ng malakas ang ulap.
-          Kumakanta ng napakataas ang mga ibon.
-          Lumulundag-lundag ang bola na pagkataas-taas.

5. Anapora
-           Buhay ay sadyang makulay,
Buhay ay tanging nag-iisa lamang ,sapagkat
buhay ay ibinigay ng maykapal na nararapat lamang na pag-ingatan.
-           Ina ang ilaw ng tahanan,
Ina ang nagbibigay payo sa kanyang anak at
Ina rin an gating yaman.
-           Tao ay hinubog ng Diyos,
Tao ay sadyang pinakamataas na antas ng hayop,ngunit
Tao rin ba ang sisira sa kanyang kapaligiran.

6. Epipora
-        Kumukuha ng lakas ang anak sa mga magulang, galling sa mga magulang at tanging sa mga magulang.
-        Ang mga likas na yaman ng Pilipinas ay siyang pinagkukunan ng mga mamamayan, tanging iyon lang, nag-iisa lamang at puro likas na yaman lamang.
-        Ang tahanan ang siyang pinakamahalagang parte sa ating buhay, ninanais natin ito, hinahangad natin ito at nararanasan natin ito.






7. Anadiplosis
-        Kunin mo man ang aking buhay,
 buhay rin ang kabayaran,
 kabayaran na tanging hinahangad,
hinahangad sa taong may pusong wasak.
-        Sumpain man ako ng langit dahil sa pag-ibig,
Pag-ibig rin ang magdudugtong dahil sa aming  walang hanggang pag-iibigan.

-        Mahal kita maging sino ka man,
Kaw man ang tanging laman ng puso at damdamin ko.


8. Simili
-        Ikaw ay parang isang ilaw na nagbibigay daan sa aking damdamin.
-        Animo’y bahaghari ang buhay ko ngayon.
-        Tulad ka ng isang sorbetes na pagkasarap-sarap.

9. Metapora
-        Siya ang rosas na tumutinik sa aking puso. (Siya at rosas)
-        Si Mark ang bubuyog na umaalingawngaw sa aking matamis na pag-ibig. (Mark at bubuyog)
-        Ikaw ay isang perlas na nakakaakit sa mga mata ng tao.

10. Personipikasyon
-        Umuungol ang kalangitan.
-        Nagagalit ang apoy.
-        Sabay sasayaw ang mga dahon sa hangin.

11. Hyperboli
-          Magaan ang kamay ni Mang Juan kung gaya’t marami siyang nasasaktan.
-          Kumukulo na ang dugo ni Rosa ng siya’y iniwanan ng minamahal.
-          Di-makahulugang karayom ang konsyerto ng isang batikang aktres sa Coliseum.

12. Metonimi
-          Nagsusunog talaga ng kilay si Lito upang pangarap niya’y maabot.
-          Ang ilaw ng tahanan ay punong-puno ng pagmamahal sa kanyang anak.
-          Haligi ng tahanan ang kailangan ng mga anak.

13. Sinekdoki
-          Hanggan sa makuha ko ang tropeyo.(tagumpay)
-          Magkakaroon na ako ng isang aarugain.mamahalin at papakainin.(sanggol)
-            Ng ako’y nawalan ng ari-arian.(Lugmok o pagkakadapa)
14.Retorika ng Tanong
-          Makakaya kaya ng isang tao na bumangon mula sa pagkakalugmok?
-           Mabubuhay ba isang bata na walang kamuwang-muwang sa kalye.
-          Kikilanin ba kaya ang isang babae na may magandang hangarin para sa publiko.

15.Eupemismo
-           Masangsang ang amoy ng isang lantang prutas.
-           Di-kagandahan ang ipinapakita na ugali ni Rosa sa kanyang mga kaklase.
-           Mahilig kumending-kending si Cassandra sa mga lalaki.


16. Klaymaks
-          Nang nagkaroon ng hidwaan at awayan ang magkakapatid,
may dumanak ng dugo.
-          Namatay ang babae matapos iniwanan ng minamahal.
-          Nagpakababa si Lita ng siya’y sinigawan ng kanyang tiya.

17. Antiklaymaks
-        Habang tumatagal, humuhupa ang galit ni Ben sa kanyang nahidwaan.
-        Hanggan may-pagsusugal sa bulwagang iyon,di-mahihinto ang illegal na gawain.
-        Habang tumatagal, pababa ng pababa ang init ng ulo ni Mario.


18. Oksimoron
-        Ang isang laro ay may talo at may panalo, may dusa at ginhawa, may iyak at tuwa. Maypagsasawa at may pagbabago.
-        Ang isang pamilya ay nararanasan na may away at bati, dusa at ginhawa, magkakawatak-watak at magsasama-sama.
-        Sa pangalawang tahanan ng mga kabataan ay may maganda at may pangit, may madaldal at tahimik at may matalino at may bubo sapagkat tao ay may I’bat –ibang ugali at kakayanan.

19. Ironiya
-        Maganda siya sa paningin ngunit pangit ang loobin.
-        Magaganda ang mga pangakong salita ngunit ni isa walang natupad.
-        Pilit ngumingiti si Ira ngunit sa kaloob-looban may nakatagong kulo.
-        Mahusay siya sa pagsasalita ngunit napakabaho ang hininga.

20. Paralelismo
-        Ang mga langgam ay sama-sama sa paghanap ng pagkain, sama-sama sa palikom ng makakain at sama-sama kahit saan man sila pumunta.
-        Ang mga tao ay may iba’t –ibang  desisyon,ngunit tulong-tulong kung mayroong nangangailangan, tulong-tulong sa pagbangon at tulong –tulong  para sa pagkakaisa.
-        Sama-sama ,tulong-tulong  para sa tagumpay.

No comments:

Post a Comment