Pages

Thursday, January 26, 2012


RECA G. SEPE
BTTE-2D



            Maiituturing na isa sa pinakamalaking syudad sa buong Pilipinas na may sukat na  lupa 24,000 hektarya na napapalibutan  ng malaberdeng bukirin at mga mapagmamalaking  kultura ng syudad. Isa nga sa pinagmamalaki ng mga Dabawenyo ang tanyag na bulubundukin ng Mt.Apo ,hindi lang ito kilala sa buong bansa,kilala rin ito sa buong mundo dahil na rin sa taas nito na napapalibutan ng ibat-ibang halaman at puno.Hindi rin naman magpapahuli ang Pambansang ibon ng Pilipinas ang agila na matatagpuan lamang sa syudad ng Davao.Sa kasalukuyan ang kauna-unahang agila ay patuloy parin nabubuhay.Ang pangalan ng agila ay ‘’Pag-Asa’’(Hope) ang mataas na pakpak ng agila na sa bawat paghampas sa himpapawid ay di mo matutukoy kung hanggang saan ang kaya nitong liparin.Ang mata ng agila na napakalinaw na nadadaigan ang mata ng mga tao dahil sa kanyang kakayahan na Makita kahit na napakalayu pa nito.Sino nga ba ang hindi hahanga sa pinagmamalaking ibon na ito.Hindi lang ito ang maipagmamalaki ng syudad marami pang iba kagaya nga ng mga naggagandahang pasyalan,naglalakihang mga  gusali.
       Maiituturing na isa na sa pinakamaunlad na syudad sa buong Pilipinas ang Davao dahil na rin sa matapat na pamumuno ng alkalde ng syudad.Naturingan na pinakamalinis at pinakatahimik na syudad dahil na rin sa mga batas na ipinakula ng alkade upang mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.Kasabay nga sa pag-unlad ng syudad ay ang patuloy na paglubo ng pupolasyon na ayon sa(census 2011) umabot ng 1,530,365 na patuloy rin namang pinagsisilbihan ng tapat ng alkalde. Masasabing hindi mapapantayan  ang seguridad na ipingkakaloob ng alkalde sa bawat isa.Isa ngang patunay nito ay ang pagpanukala niya na magkaroon ng baranggay pulis sa bawat Baranggay na labis na nakakatulong para sa kapayapaan.
         Nagpapatunay lamang ito na matapat ang pamumuno ng punong alkade na sa paglipas ng panahon ay patuloy pa rin ang pag-unlad ng syudad at mapapansin na patuloy rin naman ang pagkakaisa ng bawat Dabawenyo.

No comments:

Post a Comment