Pages

Sunday, January 29, 2012

semantic map at sanaysay

USeP, ang pamantasan kung saan ko sinimulan ang paghubog sa aking bukas. Sa dinami-dami ng unibersidad sa Mindanao dito ako dinala ng aking kapalaran. Lumaki ako sa isang simpleng pamilya kaya naman USeP ang siyang naging daan ko upang maabot ko aking mga pangaarap. Sa unang pagtungtong ko dito ay wala akong alam masyado sa lugar at kakilala; napaka laki ng USeP Obrero, binubuo ito ng CT, CAS, IC, CE, CGE, SAEC at CED. Sa dami ng pagpipilian ay ni wala akong ideya kung saan ako magiging bahagi. Sa eksam palang ay masasala kana at masususkat na ang lebel ng kaalaman mo, kumbaga standard talaga kung tatanawin. At ng makapasa ako sa eksam ay nag enrol ako sa CE; Mechanical Engineering sana kukunin ko, sa kasamaang palad huli na ako pagkat wala ng bakante. Ganito kapatok ang USeP sa masa, napakalakas ng dating sa mga tao pagkat subok na at napatunayan na ng marami. Hindi na ako nagtaka kung bakit dito pinag aral ni papa.

Hindi ko nasunod ang kursong pinapangarap ko; ngunit hinding-hindi ako nagsisi sa napasok ko ngayon. Basta sa USeP kahit anong kurso ka man tiyak wala kang pagsisisihan sapagkat napakagaling ng mga propesor at hindi basta-basta ang mga larangang naabot nila. Ang USeP ay abot kaya sa bulsa at makakatiyak ka pa sa hinaharap mo. Maraming parangal na ang hinakot na siyang mapagmamalaki sa tuwina. Kilala hindi lamang sa Mindanao at Pilipinas kundi pati sa labas ng bansa rin. Naging bahagi ako ng CT; sa ilalim ng kursong BTTE major in HVAC/R. Masasabi kong napakalaki ng natutunan at nakuha ko dito; sa salita at gawa ay tiyak may maipapakita ako, ito ay dahil napakagaling ng mga propesor ko sa pagtuturo maging theory man o aktwal.  Halos lahat ng propesor ko ay lumabas sa bansa dala ang pangalan ng pamantasan; sa Australia, Singapore at marami pang bansa sila ay nagsanay at nakilahok. Patunay lamang ito na ang USeP ay pang world class.

Hindi lamang mga propesor ang kilala kapag ang pamantasan ang pinag-uusapan, tampok din dito ang mga estudyante at mga nakapagtapos na. Madalas sa mga BIT, DT at BTTE na mag-aaral ay lumalabas ng bansa matapos makapasa sa eksam na ibinibigay mga bansang may koneksyon sa CT; estudyante pa lamang ay kumikita na at pinagkakatiwalaan na sa labas. Patunay lamang ito na hindi basta-basta ang USeP. Halos lahat ng nakapagtapos sa USeP ay may trabaho pagkat isa ito sa hinahanap sa laranagan ng trabaho. “USep, maliit ang budget na galing sa pamahalaan ngunit hindi naging pabigat sa lipunan kailanman”.

JORIX S. LIPONGO
BTTE-HVAC/R

No comments:

Post a Comment