Semantic
Mapping
![]() |
|||
![]() |
|||

![]() |

Pagsasalaysay
sa Semantic Map
Ang institusyon ang siyang
pinagmulan ng kalinangan ng bawat estudyanteng nagsusumikap mag-aral para lang makapagtapos na may degree sa buhay at kahit
papaano’y hindi hahamaking indyo. Ang Unibersidad ng Timog-silangang Pilipinas
ay isang ehimplo at pantanging halimbawa na maihahandog para sa mga kabataang
nais matupad ang mga pangarap nila at sana nama’y makapagtapos. Ang partikular na
institusyong ito ay binubuo ng walong natatanging departamento o “colleges” na
siya waring nagbigay ng dangal at dinig kung kaya’t hanggang ngayo’y isa
nangungunang unibersidad ang USEP. Natatangi rin ang mga colleges na ito
sapagkat tuwing nagging isa sa mga hangad at ninanais ay mas lalong lalago at
babango ang katanyagan ng USEP.
Pinangungunahan ito ng College of
Education na may tanyag na Center of Excellence bagamat halos sa mga nagsitapusan
mula rito ay naging isa sa mga top notchers sa board examinations ng LET. Ang College
of Engineering na di-matatawaran ang katalinuhan sa pagkukuwenta at
pag-iistemeyt ng mga istraktura, mga gusali ,at maging ang mga kaanyuang
pisikal ng mga lupa, at lalo na rin sa mga makabagong teknolohiya. Ang University
of Evening Program na siyang
semi-private ay nakapagtala ng napakaraming populasyon ng mga estudyante na
nagpapatunay na masipag ang mga mag-aaral sapagkat karamihan sa kanila ay mga
working students. Mga estudyante sa IC o Institute of Computing ay nararapat na
bansaging PC Masters sa kadahilanang sila ay kompetitibo sa makabagong panahon
sa pagsanay sa pag-aaral ng operasyon ng kompyuter. Tanyag din ang college na
ito sapagkat kakaunti lamang ang may tsansang makapagtapos dito ( sa 100 na
estudyanteng mag-eenroll aabot lamang sa hindi bababa ng 20 ang siguradong
gagradaute). Maraming magaganda sa College of Arts and Sciences pero nmas
kahanga-hanga ang kanilang katalinuhan
sa pag-aaral ng literature at siyensya. Sa CGBE naman nakakabilib din dahil mas
lapitin sila sa pagma-manage o pag-hahandle ng mga negosyo. Sa SAEC, bilang mga
aasahang ekonomista ng bayan, isa rin sila na makakatulong sa pagpalagu ng
ekonomiya ng bayan. At ang panghuli ngunit hindi sa kahulihan ay ang College of Technology na siyang tinatanyag
na tagasalo ng mga drop-outs, pero lingid sa kaalaman ng lahat isa sa sila sa
inaasahang pinakakakompetitibo sa makkabagong panahon. Syempre teknolohiya at
ng makabagong panahon ay ito na ngayon ang natatanging tanyag sa pagkakuha ng
pwesto ng mga trabaho sa loob o labas man ng bansa.
Sa mga walong nabanggit na mga
kolehiyo, natatangi sila marahil sa kagalingan, kaugalian, at syempre sa katalinuhan.
Bilang mga malulusog na produkto ng USEP inaasahang mas higit na tatanyag pa
ang institusyong ito. Sa mga nakapaloob sa USEP kapag sila’y naging isa,
makapagbibigay ito ng kasaysayan sa bansa.
Teodoro
C. Ayuban Jr.
BTTE
– 2C
Enero
30, 2012
No comments:
Post a Comment