Pages

Thursday, January 12, 2012

Tatuyat

Joshua. B. Dalisay       BTTE-Comp. Tech.-2D

Mga Halimbawa ng Tayutay


ALITERASYON

- Malalaman ba niya kung makikialam ka sa magandang kasuduan namin?
- Ang bubong ng bulok na bahay niya ay inabutan ng buhawi.
- Lumambot na ito dahil luma na ito.


ASONANS

- Nasisiyahan ako kapag nakakasama kita.
- Wala ka akong ibang nanaisin.
- Tatapat na sa alas dose ang orasan.


KONSONANS

- Ang pinsan niya ay minsan ko nang napansin.
- Magalang ang asal niya tuwing almusal.
- Tumalon sa alon si drilon.


ONOMATOPIYA

- Dumadagundung sa lakas ng tibok ang aking puso.
- Malakas ang Pagaspas ng kanyang mga pakpak.
- Tumorotot ako nung bagong taon.


ANAPORA

 - Alam kong may sakit ka. Alam kong tinatago mo lang ito. Alam kong ayaw mo akong masaktan.
- Tao ang nag simula ng lahat. Tao ang sumira sa kalikasan. Tao ang dapat managot sa lahat ng nangyayari ngayon.
- Ikaw lang talaga ang aking iibigin. Ikaw lang ang aking minimithi. Ikaw lang ang Umibig saakin ng ganito.


EPIPORA

- Konting tulong para sa nangangailangan ng tulong, ang kailangan ng ating bansa.
- Ang hinahangad ko lang sa buhay ay mahalin ka, makasama ka, at mapangiti ka.
- May iba’t ibang uri ng pag-ibig, may tunay na pag-ibig, at pekeng pag-ibig.


ANADIPLOSIS

- Walang sinumang isisisi kundi Ikaw; Ikaw ang sumira sa aming Pamilya; Pamilya, na hinding-hindi na mabubuo.
- Ang hinahangad ko lang ay kasiyahan; kasiyahan na makakamit sa pamamagitan ng pag-ibig; Pag-ibig na ngayon ay nakamtan ko na.
- Ang aming bahay ay nilamon ng apoy; Apoy na nakamamatay na walang itinira sa amin.


PAGTUTULAD O SIMILI

- Si Juan ay parang isang bulkan kapag nagagalit.
- Si sarah ay parang elektrik fan, mahangin.
- Siya ay may boses na tulad ng isang higante.


PAGWAWANGIS O METAPORA

- Siya lang ang nag iisang anghel.
- Ikaw ang bagyong humagupit sa aking puso.
-Ikaw ang bitwing hindi ko maabot.


PAGBIBIGAY KATAUHAN O PERSONIPIKASYON

-Sumisilip ang Buwan sa gabi.
-Kumikindat ang mga bitwin.
-Mayroong binubulong ang hangin sa akin.


PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI

-Saksakan ng Ganda.
-Susungkitin ko ang mga bitwin, mapasagot ka lang ng oo.
-Lilibutin q ang mundo, Makita ka lang.


PAGPAPALIT SAKLAW O METONOMI

- Sila ang ikalawang Magulang ng mga estudyante.
- Siya ang Pambansang-bayani.
- Pag-asa ng ating bayan.


SINEKDOKI

- Akin nalang ang puso mo.
- Si Dr. Perfecto Alibin ang Ulo ng Usep.
- Siya ang nagsisilbing mga mata ng gusaling ito.
EUPEMISMO

- Sumakabilang-buhay na ang tatay ko.
 - Pinaraya na daw siya sa kulungan.
-          Ang mga mahihirap ay Hawak sa ilong ng mga Mayaman.

RETORIKAL NA TANONG

- Hihinga ka ba sa ilalim ng tubig?
- Kakainin ba ang gatas?
- Mukha ba akong okay?

PARALELISMO

- Siya ang Hari, Kampeyon at ang Nagwagi sa paligsahang ito.
- Siya na ang pinakamaramot, may pinakapangit at pinakamasamang ugali na nakilala ko.
- Nahulog sa Kanal, Natumba sa Hagdanan, at Nadapa ako sa kalye.

KLAYMAKS

- Bumibilis ang tibok ng kanilang mga puso, unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha, hanggang sa naghalikan sila!
- Papalapit ang Halimaw sa ating bida. Madaling hinugot ng ating bida ang kanyang Espada. Napatay ng ating bida ang halimaw.
- Si goku ay nagiipon ng lakas, naging Super Saiyan. Di siya tumigil hanggang naging Super Saiyan 2. Pinilit niyang mas maging malakas at naging Super Saiyan 3 at pinakawalan ang Kamehame Wave.

ANTIKLAYMAKS

- Dahil sa katamaran ni juan, hindi siya nakapagaral ng mabuti. Unti-unting lumiit ang kanyang marka, kaya naisipan nalang niyang tumigil sa pag-aaral.
- Una niyang namataan ang nagniningning na bitwin sa kalawakan. Unti-unti itong lumapit. Hanggang sa siya ay nadaganan ng isang bulalakaw.
- Nagsimula sa maliit na bukol sa kanyang dibdib. Pinabayaan at hindi pina check-up sa doktor. Bigla siyang nakaramdam ng Sakit sa kanyang dibdib. Ito na pala’y Canser.

PAGTATAMBIS O OKSIMORON

- Iba’t-ibang katangian ng mga tao: may Maputi at Maitim, at may Pandak at Matangkad.
- Walang taong perpekto, may tama, at may nagkakamali.
- Mapa araw man o gabi, hindi ka nawawala sa aking isipan.

IRONIYA O PAG-UYAM

- Ang Sipag niyang mag-aral, Bagsak sa lahat ng subdyek.
- Napakagaling ni Enteng sumayaw, kaya wala paring napapalanunan na award.
- Ang linis talaga ng bahay niya, punong-puno ng basura.

No comments:

Post a Comment