Pages

Friday, January 13, 2012

Tayutay


Mga Halimbawa na mga Tayutay

Aliterasyon

  • Tinahi ni Tina ang kanyang palda.
  • Hinalikan ni Henry ang haligi.
  • Kinuha ko ang kurtina sa kwarto.

Asonans

  • Nagtataka ako sa bawat galaw mo kanina.
  • Siya ang nagsasabing dapat ka ng mamatay.
  • Ang lahat ay nakikipagkaibigan sa kanila.

Konsonans

  • Ang kanyang ganda ay sinansamba nila.
  • Nahirapan siyang punan ang aking mga kailangan.
  • Makulit ang mga bulilit kung  minsan rin ay mabait.

Onomatopiya

  • Kinakatok niya ang iyong kalooban.
  • Kinakaskas ko ang aking gitara sa tuwing akoy nalulungkot.
  • Umungaw ang bata ng itoy gumising.

Anaphora

  • Ikaw ang nagsimula ng hidwaang ito kaya ikaw rin ang tatapos at ikaw ang magaayos.
  • Ang mga mangagawa ay may kakayahang baguhin ang ating bayan. Mangagawa rin ba ang dapat nating ituring na bayani?o ang mga mangagawa ng batas sa itaas.
  • Tao ang nagsilbing tagapangalaga ng mundo at tao ang may kakayahang magpaganda nito ngunit tao rin ang sisira nito sa huli.

Epipora

  • Ang pagsisikap natin ay para sa ating bayan, kinalakihang bayan, at minahal na bayan.
  • Siya ang minahal kong babae,pinangarap na babae at hinihintay na babae .
  • Ang lumikha ng lahat ay ang Diyos, ang kukuha rin nito ay ang Diyos .

Anadiplosis

  • Ang isipin ka ay sa akin ay masakit. Masakit dahil ang masayang ala-ala na kasama ka ay ayoko ng alalahanin. Alalahanin hindi ang malungkot nap arte kundi yaong mismong kasama ka.
  • Sibol ng damdamin na tinatawag na pag-ibig. Pag-ibig na kaysarap lasapin habang kasama ka sa tabi. Tabi ng dagat na saksi n gating pagmamahalan.
  • Ang aking nadarama ay kalungkutan. Kalungkutan na sumusubok sa tatag ng aking loob. Loob na narurupok dahil sa lungkot na nadarama.

Simili

·         Kung kumain siya ay tulad ng babaoy ramo sa bukid.
·         Siya ay kawangis ng buwan na tinitingala sa kalangitan.
·         Ikaw ay gaya ng pabango na nang-aakit ng mga tao.

Metapora

  • Siya ay araw na gumigising sa akin tuwing umaga.
  • Ikaw ay isang tubig na pumapawi sa uhaw kong puso.
  • Isa kang kupido na balak panain ang aking puso.

Personipikasyon

  • Tumatakbo ang oras habang akoy mabilis na sumusulat.
  • Ang damo ay sumasayaw sa bawat ihip ng hangin.
  • Nanununtok  ang kagat ng lamok sa aking balat.

Hayperboli

  • Umulan ng dugo nang umiyak siya.
  • Nawasak ang bundok ng dumaan ang ibon.
  • Yumanig ang mundo ng umutot si Pedro.

Metonimi

  • Si Juan ay talagang habulin ng mga babae, isang daang dilag (babaero) ang kanyang naging syota.
  • Sa pagkakataong ito, ang alas na huling baraha (pag-asa) ko na lamang ang magpapanalo sa akin.
  • Siya ay isang anakpawis (anak mahirap) na nagsisikap makatapos mg pag-aaral.

Sinekdoki

  • Pumunta sila kanina upang lumuhod sa harap ng hari dahilsa nagawa nilang kasalanan. (humingi ng tawad)
  • Nang nagkita sila ay agad niyang pinagtaasang boses ang lalaki. (inaway)
  • Pikit mata niyang hinarap ang mga kaaway. (nagbubulagbulagan)

Eupinismo

  • Magingat ka sa babaeng iyon baka ikaw ay kanyang paamuhin. (akitin o tuksuhin)
  • Si Pedro ay maganang (malakas o matakaw) kumain ng prutas.
  • Ikaw ay patalikod niyang tinitira. (traydor)

Retorika ng tanong

  • Makuha kaya niyang saktan ang matalik na kaibigang nagligtas sa kanyang buhay?
  • Maliligtas kY niya ang buhay ng kapatid na nag-aagaw buhay dahil sa malubhang sakit?
  • Malalagpasan kaya niya ang pagsubok gamit ang tatag ng loob?

Klaymaks

  • Napangiti siya bigla, masiglang tumayo at masayang binati ang kaibigan.
  • Siya ay bagong gising pa, ngunit masiglang naglinis at naghahanda para sa okasyon.
  • Namulat na lang siya bigla ng malaman ang totoo, halos hindi siay makapaniwala sa subrang tuwa, nanalo pala siya sa lotto.

Antiklaymaks

  • Masaya siya noong nandyan ka pa sa tabi niya, ngunit ng nagpasya kang umalis, tila ba gumuho nag mundo niya.
  • Nalalakad siya sa daan nang many napansin siyang may sumusunod, tumakbo siya at biglang nabanga ng sasakyan.
  • Kumuha siya ng pagsusulit, nagbabakasakaling pumasa para makapasok sa sikat na paaralan ngunit siya ay nabigo at tuluyan nang sumuko.

Ironiya

  • Lubhang siya ay napakaganda ngunit hindi nga lang nagsisipilyo.
  • Ang gara ng kanyang sasakyan tingnan pero luma naman.
  • Masarap talaga ang pagkain rito kaya lang ang mahal.

Paralelismo

  • Ang lahat ay napagpasyahang gawin ang mga gawain sa bahay naming.
  • Lilipad tayo ngayon sabi ng mayor natin.
  • Ako ang masusunod sa pamilyang ito dahil ako nag ama.

No comments:

Post a Comment