Pages

Monday, January 30, 2012

tayutay

BORRES, SHENDY JOY
BTTE-2C

MGA TAYUTAY
a.       Aliterasyon
1.      Ang isang pagmamahal ay hindi mabubuwag ng sino man.
2.      Masasayang mukha magkakapamilya ang sumalubong sa bagong taon
3.      Nag-aalangang umalis ang suspek sa gitna ng trahidya.

b.      Asonans.
1.      Masisinop mag-aral ang ilang kabataab ngayon.
2.      Nagliliparan ang mga ibon sa gitna ng magandang panahon.
3.      Nangangaba ang puso ko sa tuwing nakikita kita.
c.       Konsonans.
1.      Isang malaking hinagpis ng magkakapatid ang pakakamatay ng kanilang magulang
2.      Nakakamangha ang storya ng kanyang tunay na buhay.
3.      Nakakaaliw ang ganda nyang mukha.
d.      Onomatopiya.
1.      Sikat ng araw ang sumalubong sa amin kinaumagahan
2.      Dagundong at kulog sa kalangitan ang masama ng panahon.
3.      Ihip ng hangin ay kay lamig
e.       Anaphora.
1.      Pagmamahal sa bayan ang susi ng kapayapaan. Pagmamahal sa kapwa ang syang hangarin ng diyos. Ngunit pagmamahal din ba ang sisira sa isang tao? At pagmamahal din ba ng iba ang wawasak ng isang pamilya?
2.      Pera ay nakakapagpabago ng isang buhay. Pera ang dahilan ng pasisikap. Ngunit pera din ba ay ikakawasak ng ilang buhay? At pera din ba ang  tumutulak sa maling daan.
3.      Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay. diyos din ang nagpapasakit sa lahat ng ating kasalanan. Ngunit ang diyos parin din ang dapat nating sisihin sa mga unos nga ating buhay? At ang diyos ba ang kasalanan ng mga kalamidang kumitil ng ilang buhay sa gitna ng mga kalamidad?
f.       Epipora.
1.      Edukasyon para sa lahat, gawa ng tao at mula sa tao
2.      Buhay ng tao ay gawa ng diyos, bigay ng diyos at mula sa diyos.
3.      Sasakyan ay gawa ng tao,para sa tao, mula sa tao.
g.      Anadiplosis.
1.      Mukha mo ang nagbigay sakin ng saya sa puso
Puso na tumitibuk na parang humihingal na aso
Aso  man ay handa akong kagatin
Kagatin ko lahat para ikaw ay mapa sa akin.
2.      Ikaw lang at wala ng iba
Iba  sa puso ko at ligaya
Ligaya ko ay labis na labis
Labis na sinisigaw paulit-ulit
3.      Sakit sa puso’y agad nawala
Nawala ng ika’y aking nakita
Nakita ko ang isang magandang dilag
Dilag na nagpapanganga sa akin magdamag.
h.      Simili.
1.      Masaya akong kapiling ka para bang akoy nakalutang sa iri.
2.      Galit nag alit parang isang tegring gustong mangagat.
3.      Ang ganda nya parang isang anghel sa langit.
i.        Metapora.
1.      Salamin ka ng katotohanan
2.      Buhay ay makulay
3.      Dasal ka sa aking panalangin.
j.        Personipikasyon.
1.      Mabilis lumambot ang puso nya sa mahihirap.
2.      Kapit sa patalim ang mga naranasan nya.
3.      Mabilis tinangay ng hangin ang pangarap nya.
k.      Hayperrboli
1.      Gumunaw ang mundo ko Makita kong may patay na tao.
2.      Bumaha ng luha sa kakaiyak ko.
3.      Umusok ang tiynga nya sa subrang galit.
l.        Metonimi.
1.      Matalino talaga syang bata, isang minute lng ay agad nyang natapus ang board exam.
2.      Malakas talaga syang kumain, limang kanin ay agad agad nyang naubos.
3.      Mabilis talaga syang tumakbo, isang milya ay Segundo nyang naabot agad.
m.    Sinekdoki.
1.      Lumabas sya  ng ibang bansa,sabay ng agos ng buhay
2.      Hawak kamay nilang nalagpasan ang problema.
3.      Higpit ng sinturon ang kanyang ama.
n.      Eupemismo.
1.      Nagawa mo pa akong pagtaksilan(nagluko)bakit sa amin pa(pamilya).
2.      Dahil sa taas ng lipad (pangarap) mo ay agad karing nadapa(nasira).
3.      Kahit suntok sa buwan(galit) ay lalambot (babait)din.
      n. Retorikal na tanong.
1.      Makakaya kaya ng isang ibon na lumipad kong wala itong isang pak-pak?
2.      Sasama kaya ang kaluuban mo pag ikaw ay sasaktan?
3.      Masusunog kaya ang papel kong ito ay sisindihan?
      ng. Klaymaks.
1.      Kumuha siya ng isang matalim na bagay sa pag-aakalang may isang masamang taong gusto manakit.
2.      Agad-agad siyang pumasok sa bahay upang makita ang totoo nyang ina.
3.      Hinalikan sya nito ng madalian nang sila ay nagkita.
       o. Antiklaymaks.
1.      Tumahimik sya sa tabi ng magtampo sa di pag.intindihan sa sinabi,agad umiyak at pumasok sa silid.
2.      Sunod-sunod nyang ginawa ang mga problemang mag.isa, kasunod ng napagdaanang hinagpis.
3.      Napalunok at napaiyak pero agad-agad naman itong binawi ng hindi sya pinansin ng iba.
       p. Oksimoron.
1.      Ang tao ay magkaiba: may mayaman at may mahirap, may maputi at may maitim, may mataas at may pandak.
2.      Ang buhay ay kay saya: may makulay at may madilim, may sarap at may sakit.
3.      Ang panahon ay nag-iiba: may tag-ulan at may tag-init, may tag-sibol at may tag-lamig. 
       q. Ironiya.
1.      Magaling magsalita wala naman sa gawa.
2.      Mayaman sana madamot lng sa pera.
3.      Maganda sana wala lang utak
        r. Parlelismo.
1.      Iyan ang magandang  pamilya: tulong-tulong sa lahat ng bagay, tulong-tulong rin sa pagharap sa problema.
2.      Iyan ang totoong umiibig: kayang gawin ang lahat para sa minamahal, kaya rin bitawan ang lahat dahil sa minamahal.
3.      Ito ang tunay na bayani: ginagawa ang mabuti alan-alang sa ating bayan, ginagawa rin   ang pagbuwis sa buhay para sa nakakarami.






No comments:

Post a Comment