Pages

Monday, January 23, 2012

USeP by PATRICK PAULE PILAPIL

USeP

Ang University of Southeastern Philippines o mas kilala sa tawag na USeP ay isa sa mga tinitingalang Unibersidad sa Dabaw at maging sa buong Mindanao, dahil ito sa mga sunod-sunod na karangalang natanggap ng naturang unibersidad sa maraming larangan. Isa ang University of Southeastern Philippines (UseP) na kabilang sa Top 200 Colleges and Universities sa buong Asya at isa rin ang USeP sa Top 5 Universities dito sa ating bansa ang Pilipinas. Isang malaking karangalan ito para sa naturang paaralan at lalong- lalo na para sa mga estudyante na nag-aaral sa paaralan ito.

Para sa kaalaman ng lahat, ang University of Southeastern Philippines ay sinisimbolo ng isang Agila, hindi lamang dahil dito sa Dabaw makikita ang pinakamalaking Agila sa Pilipinas, kundi, dahil ang Agila ay ang isang uri ng ibon na pinakataas lumipad at may pinakamatalas na pananaw. Tulad din ng mga estudyante na kabilang sa Unibersidad na ito, matataas ang pangarap sa buhay, matalas at positibo ang kanilang pananaw sa buhay na nagsisilbing inspirasyon sa mga estudyante na magsikap, pagbutihin at mag-tiis sa anumang hirap na hinaharap nila bilang isang estudyante para sa sarili, pamilya at maging sa buong bansa. Ito din ay binubuo ng Walo (8) Colleges, ang College of Engineering (CE), College of Education(CEd), College of Arts and Sciences (CAS), College of Technology (CT), School of Applied Economics (SAEC), College of Governance, Business and Economics (CGBE), Institute of Computing (IC) at University Evening Program (UEP). Alam nating lahat na mahirap makapasok sa Unibersidad na ito dahil sa napakahirap na “entrance examination” at dahil na rin sa buwis-buhay na “enrollment process” dito na aabutin ka ng ilang araw o lingo kung hindi ka mag-titiis.

Dahil ang University of Southeastern Philippines (USeP) ay isang “State University” o pagmamay-ari at sinusuportahan ng gobyerno, ito na siguro ang alam kong pinakamurang Unibersidad sa buong Mindanao, pero hindi ito naging hadlang kailanman para sa mga estudyante na magsikap at mangarap. Halos 90% ng mga estudyante dito ay skolar ng bayan. Alam ng mga estudyanteng ito kung gaano kahirap ang buhay at kung gaano sila ka-swerte na isa sila sa mga nabigyang pagkakataon na maging ikolar at mag-aral, ito ang nagtulak sa mga estudyante na magsikap at mangarap, dahil sa mga ugaling ito, naging matagumpay ang buhay ng bawat estudyanteng nagtapos sa paaralan na ito at nagtuloy-tuloy ang pamamayagpag ng paaralan dahil sa pagtutulungan ng estudyante at ng USeP.

No comments:

Post a Comment