Pages

Tuesday, January 24, 2012

USeP naming liyag

Binubuo ng iba’t ibang kolehiyo ang isang unibersidad. Kung wala ang mga ito, hindi matatawag na unibersidad ang isang paaralan. Ngunit anu-ano ba ang tawag sa iba’t ibang kolehiyo na bumubuo sa isang unibersidad kabilang na ang University of Southeastern Philippines?

Binubuo ng walong kolehiyo ang University of Southeastern Philippines. Ang una na riyan ay ang University Evening Program o UEP. Sinasabing ang UEP ay isang pribadong paaralan sapagkat ang ipinang-susweldo sa mga guro ay nanggaling mismo sa kaban ng unibersidad. Ito rin ang tinatawag na College of all colleges dahil nakapaloob na dito ang iba’t ibang kolehiyo ng unibersidad.

Pumapangalawa sa listahan ay ang College of Governance and Business Economics o CGBE. Marahil kung makakapagtapos ka sa kolehiyong ito ay gagaling ka sa larangan ng pagnenegosyo. Ngunit sinasabi ng iba na maliit lang ang kanilang gusali kay naman kaunit lang rin ang kanilang mga mag-aaral.

Nariyan rin ang College of Education o CEd na tinaguriang |Center of Excellence. Ngunit subalit datapwat, ang kanilang gusali ay hindi matapos-tapos. Mga matatalino ang kadalasang estudyante sa kolehiyong ito at talentado. Humahakot sila ng parangal sa tuwing Intramurals ng unbersidad.

Hindi naman magpapahuli ang School of Applied Economics o SAEc. Sila marahil ay magaling sa ekonomiya ng bansa. Matatalino rin naman ang mga mag-aaral rito ngunit mahilig silang mag-rally sa tapat ng opisina ng president ng unibersidad.

Nariyan naman ang mga magagaling sa programming, ang Institute of Computing o IC. Maraming bumabagsak sa kolhiyong ito kaya naman ang iba ay lumilipat sa ibang kolehiyo. Ika nga nila “Magaling sa programming, nakikisawsaw sa gusali ng Engineering.”

Englisera/o. Ito ang bansag sa College of Arts and Sciences o CAS. Narito kasi ang kursong AB Language. Matatagpuan sa kanilang gusali ang Main Library ng unibersidad.

Sila ang magagaling at matatalino pagdating sa Matematika. Ito ang College of Engineering. Sila ang kolehiyong magaling sa numero. Ngunit sinasabi din ng iba na mahina sila sa laranangan ng ingles.

Ang panghuli ay ang College of Technology o CT. Mas maraming lalaki sa populasyon ditto kaysa sa mga babae. Sinasabi nilang puro gimik lang ang mga mag-aaral ditto. Ngunit sa huli ay sila parin ang pinag-aagawang ng mga kompanya sapagkat sila ay mga NC II holder ng TESDA na katumbas ng Civil Service. Pumapasa rin ang kanilang mga mag-aaral sa Bachelor of Technical Teacher Education o BTTE sa Licensure Examination for Teachers.

Kahit saan ka man napabilang sa mga kolehiyong nabanggit nasa iisang unibersidad pa rin kayo na humahasa sa mga mag-aaral upang magbigay ng karunungan sa mga kabataang gustong mag-aral sa kanilang gustong kurso.

No comments:

Post a Comment