Pages

Thursday, January 26, 2012

USEP


USEP
            Usep o University of Southeastern Philippines ay isa sa pinaka malaking University na matatagpuan sa lungsod ng Davao. Ito ay isang pampublikong paaralan sa kolehiyo.Usep ay hindi lang basta-bastang university dahil ito ay university ng mga matatalinong estudyante ika nga nila. Sa university na ito ako nangarap at nag-aaral. Sa simula ay kahit sinong estudyante ay makakasabi na napaka hirap makapasok sa university na ito ngunit pag nakapasok kana ay mararamdaman muna ang galing  ng mga mag-aaral ditto at sa awa ng dyos ay naka pasok   ako.
            Sa University na ito ay dekalidad ang edukasyon para sa mga mag-aaral may mga magagaling na guro at mga tagapamahala na hindi rin basta-basta. Sa kabila ng dekalidad na edukasyon ay may mga bagay din naman na nakapagalanganin sa mga estudyante isa na rito ay ang mga lumang istraktura ng university, mga silid aralan  na sira-sira at hindi nakatutulong sa mg mag aaral, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipakita nang mga estudyante ditto na ipakita ang ibat-ibang galing sa ibat-ibang larangan mapa sining, sports, o literature man.
            Kayat kahit ano mang pagsubok ang nadaanan ng university na ito ay patuloy parin itong namamayagpag sa buong Asean Region. Napaka halaga ng University na ito kayat ipinag-mamalaki ng mga mag-aaral ang university na ito.

No comments:

Post a Comment