DAVAO CITY
Sherwin
Mark A. Gohetia
BTTE-2D
Progresibong Siyudad
Ang
Pilipinas ay puno ng kayamanan kabilang nadito ang mga magagandang tanawin, o
tinatawag natin na natural resources, masagang prutas at mga likas na yaman.
Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong kapuluan na ang Luzon, Visayas, Mindanao.
Sa Mindanao rin natin matatagpuan ang may pinakamalaking siyudad at ito ang
Davao City. Ilalahad ko dito yung mga lugar sa Davao City na may mga magaganda
ring pasyalan at para din makabisado natin ang siyudad na ito.
Ang
Davao City ay binubuo ng ibat ibang barangay at isa na dito ang Buhangin. Sa
Buhangin matatagpuan ang Airport ng Davao City at ito rin ang pangalawa sa
pinakamalaking barangay sa Davao City. Marami ring mga tao ang gusting tumira
dito sa buhangin kasi malapit lang sa downtown at hindi dinadalaw ng baha
tuwing umuulan. Ang kalapit na lugar ng buhangin ay ang Bajada na isa din sa
mga lugar dito sa Davao, nasasakop nito ang mga maraming establisyemento kagaya
na lamang ng Davao Medical Center, Abrezza Mall, Gaisano Mall, at ang ginagawa
pa lamang na SM Mall. Ang Davao City ay may malaking pagawaan ng semento na
kung titingnan mo sa malayo ay sadyang napakaganda. Ang pagawaan na ito ay ang
Holcim na kung saan matatagpuan ito sa Tibungco. Dito rin matatagpuan ang
paaralan ng TESDA. Ang Davao City ay may lugar ng mga kalapateng mababa ang
lipad at kadalasan pumupwesto sila sa Claveria. Makikita rin ang San Pedro
Cathedral sa Claveria na isa sa pinakamalaking simbahan sa Davao at gayun din
ang pinakamalaking hotel ang Marco Polo. Noong nakaraang taon lang nangyari ang
hindi inaasahan na pag-apaw ng tubig sa sapa, na nagdulot ng pinsala sa mga
kabahayan at nasira nito ang tulay, mga pamilihan at ang pinakamasakit nito
maraming tao ang sugatan. Nangyari ito sa Matina na sakop ng Davao City. Gayun
paman nakabawi na ito sa unos na nangyari. Ang Jackridge ay isa sa mga pasyalan
ng mga tao lalo na sa mga magkasintahan dito sa Davao at pati na rin ang mga
dayuhan dahil sa ito ay maganda lalo na kung gabi kasi tanaw nito ang siyudad
ng Davao City. Ang pasyalan na ito ay ay matatagpuan sa Matina na kalapit lang
din sa ABS-CBN studio. Pagdating naman sa prutas mayaman din ang Davao City, sa
katunayan nga ang prutas na Durian ay karaniwang matatagpuan sa Mintal hanggang
Calinan na parti pa rin ng Davao City. At ang huli ay ang Toril na kilala na
may magagandang beach resort at dito rin ang may pinakamaraming kulig-lig o
side car.
At
doon nagtatapos ang aking kwento tungkol sa Davao City at ang mga kagandahang
lugar dito. Kaya naman mahalin natin ang lugar na ito dahil isa ito sa
pinakamagandang lugar dito sa Pilipinas. Sana’y maipagpatuloy pa ang kagandahan
at kaayusan rito. Kung nasan man tayo huwag nating kalimutan ang Davao City.
Sana’y nagustuhan nyo ang aking munting paglalahad sa minamahal kung Davao
City.
No comments:
Post a Comment