Pages

Thursday, January 26, 2012

REOLYN-DAVAO CITY


DAVAO CITY

Reolyn J. Tilulong
BTTE-2D

Kasaganaan sa Davao

Ang Davao ay kilala na sa buong Plipinas dahil sa magandang pamumuno ng mayor na si Inday Sara Duterte. Ang Davao ay isa sa mga dinadayo ng turista dahil sa mga magagandang tanawin o “tourist spot”, at higit sa lahat ang mga masusustansyang prutas na matatagpuan sa Davao City. Ang mga prutas na ito ay nakakatulong upang umunlad an gating bansa sa pamamagitn ng pag-export ng produktong pang-agrikultura. Ito rin ay nagbibigay sustansya at lakas sa katawan, nakakatulong din mabigyang lunas ang mga namumuong karamdaman. Ang mga prutas na ito ay malaking naitulong sa atin, pangkaraniwang man tignan ngunit ito naman ay puno ng kalusugan at kasaganaan, kasaganaan walang kapantay. Ang mga Durian, Mangga, Coconut, Langka, Abokado, Papaya, at Saging ay ilan lang sa mga prutas na madaling makikita sa Davao.



Ang plantasyon ng Durian ay kadalasang nakikita sa Davao Del Sur. Ang Durian ay isa sa pinakatanyag na prutas na matatagpuan sa Davao at kadalasang hinahanap ng mga turistang pumaparito sa Davao. Ang Durian ay nagbibigay nutrisyon sa katawan at maaaring gamut sa may sakit tulad ng nagkaroon ng dengue. Ngunit ito ay ipinagbabawal sa mga taong may alta-presyon o high blood. Ang Mangga naman ay nakikita sa ibat ibang bahagi ng Davao. Isa rin ito sa mga produktong pang-agrikultura at buong saganang linilinang, dahil sa matamis na bunga nitong pagkain. Ang hinog na bunga ng mangga ay sagana sa carbohydrate, sa bitaminang A, B, C, at mga mineral na iron at calcium. Ito rin ay nagpapasigla at nakapagpapataba. Mahusay din itong pagkain para sa mga nerves. Ang Niyog o Coconut ay makikita sa ibat ibang bahagi ng Davao at ito rin ang isa sa produktong pang-agrikultura. Ito ay nakakatulong sa ating nadaramang mga sakit. Ang bunga at tubig na Niyog ay nagtataglay ng maraming mineral at bitaminang A, B, at C. ang tubig ng murang Niyog ay nagpapakondisyonng mga nerves, mainam din itong inumin para sa mga karamdaman ng tiyan katulad ng ulcer. Ang punong kahoy ng langka ay tanyag di ang sa davao kundi sa buong Pilipinas dahil sa masarap na bungang prutas nito. Ang hinog na hinog na prutas ay nagtataglay ng tamis na lasa at kaaya-ayang amoy. Ito rin ay mayaman sa carbohydrates at bitamina C. Ang kahoy ng abukado makikita at kilala sa ibat ibang bahagi ng Davao. Kilala ito bilang pagkukunan ng masusustansyang bunga nito. Ang abukado ay mayaman sa fats, calcium at bitamina A at B. Ang hinog na bunga ng abokado ay nagpaparegla; ito din ay nagpapasigla ng pagkalalake. Ang sariwang dahon ng abokado ay magandang ilaga at gawing tsa, at ang buto ng abokado ay pinapatuyo, pinupulbos, pinapakuluan at ipinapamumog sa may matinding sakit ng ngipin. Ang Papaya ay nakikita sa ibat ibang bahagi ng Davao, sapagkat ito ay madaling mabuhay kaya maraming nagtatanim. Ang papaya ay mayroong calcium, iron at maraming bitamina. Nagtataglay din ito ng papain, isang sangkap na magkakahalintulad sa asidong pantunaw na pepsin. Ito ay nakakatulong ng lubos sa pagtunaw at lumulunas sa maraming karamdamang may kinalaman sa pagtunaw. Kung may hika, ang hinog na papaya ang dapat kainin. Ang pinya ay isa ring produksyon pang-agrikultura. Ito ay nagbibigay sustansya sa katawan ito ay nagtataglay ng bitamina at sodium, potassium at iba pa. Ang hinog na pinya ay nagpapapurga at nagpapalakas ng sikmura at mainam din sa sore throat. Ito rin ay malayang inaayos ang daloy ng regal, palakasin ang memorya at ayusin ang ialng karamdaman. At ang huli ay Saging na kilala ring prutas sa Davao at sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas at kadalasang nakikita sa Davao del Norte. Ang hinog na hinog na bunga o prutas ng saging ay nagpapadali ng pagdumi. Ito ay mainam ding pagkain sa anemia, panlalambot at mga karamdamang sanhi ng mga kakulangan sa mga bitamina.

Ang mga prutas ay hindi dapat pagaksayahan dahil makakakuha ng kabutihan sa ating katawan at kalusugan. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng ibat ibang klase ng prutas ito ay makakatulong sa bayan, kalikasan at higit sa lahat sa ating kalusugan. Kung kayat huwag isawalang bahala ang isang simpleng prutas, dahil hindi lang ito pagkain kundi gamut na rin.   








No comments:

Post a Comment