Pages

Thursday, January 26, 2012

MATI CITY- Ito ay ang mundong aking kinagisnan, dito na ako namulat at nagka isip kasabay ng paglaki ko ay ang kaligayahang dala ng lugar na ito. Kasama ng mga mahal ko ay sabay at maligaya naming idinaos ang agos buhay.

DAVAO CITY- Ito’y bagong tirahan at bagong mindong tinatahak, nakipagsapalaran upang malampasan ang kahirapan.

USEP- Ang Unibersidad na nagpapalakas at nagbibigay pag-asa sa mga taong dukha na nangangarap ding makamit ang mga pinapangarap. Masasabi ko ring dito ko natatanaw ang pag- asang makamtan ang mga pangarap kong napaniginipan.

CE- Sa akala ko’y kakayanin kaya’t dito ako unang pumasok, ngunit sa paglipas ng dalawang taon ay napag-isip-isip ko’y sa panahong ito hindi pa ako nababagay sa lugar na ito. May pagkakataon ding akoy nabigo kasabay na rin sa pagkakakapos ng pera. Masasabi ko ring kay hirap pala malampasan ang lugar n ito pero kahit ganon pa man ay naging masaya na rin ako sapagkat nasusukat ko ang aking kakayanan at kayak o ring maki pagsabayan.

CT- Sa pagkakataong ito’y dito ako bumagsak, dito ko na rin nakikita ang tunay na pagkatao ko, ang kakayanan ko o kung saan ako nararapat. Hindi ko pinagsisihan na napunta ako sa lugar na ito dahil naging Masaya ako sa mga ginagawa ko dito at marami rin akong natutunan na maari kong mapagkakakitaan.

No comments:

Post a Comment