Buhay
Usepian’
Maureen
C. Bornea
BTTE-2D
Ang University of Southeastern Philippines ay tanyag dahil sa
mga estudyanteng nag-aaral dito. Ang mga Usepians’ ay kinikilalang mga ISKOLAR
NG BAYAN. “Iskolar” ibig sabihin matalino. Ayon nga sa kanila, dalawang estudyante
lamang naaangkop o nagrugrupo ang mga Usepians’: MATALINO at NAPAKAMATALINO.
Ang isang Usepian’ ay parang isang bagwis ng Agila. Kapag
ika’y natamaan, tyak kapahamakan ang kahihinatngan. Lalaban ka pa?
Para malaman ang buhay ng isang ganap na Usepian’, maraming
dapat masubukan. Kailangan mong maranasan ang pabalik-balik na paglakad sa
mainit na panahon sa kalagitnaan ng oval. Ito ay para maipasa ang mga
kailangang mapasa sa registrar na isang oras mong hinanap. Makakalap ng maling
impormasyon sa mga taong iyong pinagtanungan. Sandamakmak ding estudyante ay
iyong makakasama sa paglinya na dahilan upang hindi ka na kumain.
Hindi rin dapat kalimutan ang mga guwardiya na palaging
umuusok ang tenga. Sorbrang susungit na makaasta ay parang may-ari ng unibersidad.
Ang pagharap nang taas noo sa iyong mga terror na guro. Makaiwas mahuhulugan ng
“til-as” sa sadyang napakakati o kaya naman ay maubusan ng silya dahil ikaw ay
nahuli sa klase.
Isa rin sa kukumpleto ng buhay ng isang Usepian’ ay ang
pagiging magaling na swimmer. Sa oras ng baha, ang iyong swimming skills ay lubos
na kinakailangan. Dahilan sa ang USEP ay kilala rin sa isa sa mga bahaing
lugar, ang isang Usepian’ ay laging handa upang sumulong sa mga sitwasyong gaya
nito.
Samakatuwid, ang buhay ng isang Usepian’ ay hindi kailanman
mapapantayan. Sa kabila ng mga mahihirap na takdang aralin at proyekto o sa mga
sitwasyong gusto mo nang sumuko. Napapalitan din naman ito ng ligaya na siyang
babaunin sa mga dadarating pang mga unos.
Ang tunay na Usepian’ ay hindi kailanman susuko. Laban kung
laban. Walang inuurungan, maging “lugaw” pa ang kalaban.