Pages

Tuesday, February 14, 2012


ANG BUHAY USEPIAN

Ang talatang buhay usepian ay isang sanaysay na nagpapaliwanag sa buhay at mga pag-subok ng isang estudyante ng University of Southeastern Philippines. Pinapaliwanag dito ang Masaya, mahirap, at nakaka-aliw na buhay ng isang taga usepian.

Ako ay si Jhon Alexcel C. Corporal ako ay nag-aaral sa University of Southeastern Philippines at ako ay may buhay usepian. Ang buhay ng isang usepian ay talagang nakakabaliw, napakaraming hindi mo akalain na mangyayari sa iyo, magiging napakalawak na ng iyong mundo at kung minsan nakakahilo. Sa unang araw na tumapak ako sa USEP ay naranasan ko na agad ang lupet ng college, talagang nakakapanibago sa sarili lalo na sa mundong aking ginagalawan. Akala ko ay madali lang ang buhay collehio yun pala mas matindi pa sa aking inaasahan. Napakaraming bago sa aking paningin nakakatakot kung minsan pero kailanangan na harapin ko ang mga kinakatakutan ko lalo na sa buhay. Ang isang usepian ay hindi basta-basta sumosuko sa buhay, matatag at matalino, hindi nagpapatangay sa hirap nag buhay bagamat lumalaban ng sabayan. Yan ang aking masasabi ukol sa buhay ng isang usepian.

Kaya aking napatunayan, na napaka galing talaka ng isang usepian sa buhay kaya lagging en demand ang mga usepian kasi sanay sila sa buhay na lagging nagigipit sa oras. Kapag ikaw ay isang usepian dapat lagi kang handa sa laban ng buhay.

Isinulat ni: Jhon Alexcel C. Corporal
BTTE-2D

No comments:

Post a Comment