Pages

Wednesday, February 15, 2012

Ang Pagiging Usepian ay Katapangan


 Ang Pagiging Usepian ay Katapangan

Ano nga ba ang naghihintay na buhay  sa akin pagdating ko sa USeP? Masaya ba mag-aral sa unibersidad na ito? Ano ba ang magandang kurso na kunin dito? Palakaibigan kaya ang magiging kaklase at kamag-aral ko? Iilan lamang yan sa mga katanungan ko bago ako nakapasok sa University of Southeastern Philippines na unti-unti nang nasasagot habang nanatili ako sa institusyong ito. At masasabi kong hindi puro sarap at kaligayahan ang aking mga naranasan.

Sisimulan ko sa unang proseso bago ako nakapasok sa USeP. Hindi biro ang mga pinagdaanan ko bago ako maging ganap na estudyante dito. Nagtake ako ng entrance exam dahil isa iyon sa mga requirements para maging ganap akong USePian. Nang pumasa, tuwang-tuwa ako dahil akala ko ayos na ang lahat ngunit kailangan ko pa palang mag enroll sa bridge program dahil mababa ang nakuha kong marka sa English. Nagtiis akong pumasok sa bridge program na iyon ng sampung araw. At nang makatapos ako ay labis-labis ang aking tuwa.

Enrolment na. Akalain ko bang ganun kabagal ang proseso? Parang gusto ko nang umatras sa pagiging Usepian! Pero sabi ko sa sarili ko  “saying din, nasimulan ko na”. Kaya sumige pa rin ako hanggang sa nakapag-enrol nga ako. Bilib ako sa sarili ko nang mga panahong iyon, akalain mo nakapagtiis ako?  Sobrang excited na ako sa pasukan, araw na lang ang aking binibilang.

Pasukan na. Sa mga unang buwan ng eskwela, relaks lang. Nagagawa ko pang magbulakbol. Ewan ko kung matatawag nga bang bulakbol kapag lage ka sa mall at people’s park, pero para sa akin noong mga panahong yun ay “oo”. Pero kalaunan naman ay nagbago ang aking pananaw,  karaniwang pasyalan ko nalang ang mga ito. Sa mga sumunod na buwan ng eskwela ay parang gusto ko nang tumigil. Tambak ang mga gawain at proyekto, magkakasabay pa talaga. Sakit sa ulo! Sa ngayon ay natatawa nalang ako sa sarili ko sa tuwing maiisip ko ang mga araw halos hindi na ako makapagsuklay sa buhok ko at tingnan man lang ang aking sarili sa salamin dahil sa sobrang busy. Naranasan ko rin ang mga panahong halos tumira na ako sa internet café dahil sa mga proyektong dapat tapusin.

Festival sa CT. Ito ang pinakagusto kong selebrasyon sa lahat. Ito ang mga panahon na kinakalimutan ko muna ang mga problemang pang-estudyante at magsaya na parang wala nang bukas. Ang daming mga masasayang bagay na nangyayari kapag festival, ang pinakagusto ko o mas tamang sabihin, gusto ng lahat ay ang tinatawag naming party party. Sayawan mula alas otso nang gabi hanggang alas-diyes. Kaunting oras lang pero sobrang ligaya na ang madarama. Ito rin ang panahon kung saan may bago akong organization tshirt.

 Kaya kahit mahirap ang maging usepian ang saya naman. Ang bilis talaga nang paglipas ng panahon. Sa ngayon bahagi na nang araw-araw kong buhay ang Usep. Sa awa naman nang Diyos ay natapos ko ang mga unang taon at pasado. Hindi ko na nga namalayan na second year na pala ako.Hindi biro ang aking naranasan sa loob nang dalawang taon. Ang daming mga pagsubok sa buhay na dito ko lang naranasan na siyang nagpatibay at humubog sa aking pagkatao. Ngayon, sabik na akong harapin ang mga darating pang pagsubok.

No comments:

Post a Comment