Pages

Tuesday, February 14, 2012

Ang USePian ay Ako





               USePians, kung kami ay tawagin, bansag nang institusyong tinutuluyan namin. Masarap pakinggan na ikaw ay isang yanong USePian, nag-aaral sa pristiryosong paaralan ng Unibersidad ng Timog-Silangang Pilipinas, na kung tawagin ay pangalawang tahanan ng mga iskolar ng bayan. Kagalakan ang iyong madarama kapag ikaw ay nakapasok na, sa eskwelahang tinatangala’t hinahangaan ng sangkatauhan. Kahit sinuman ay hindi basta-bastang nakakapasok diyan, dahil sa “USeP Entrance Exam” pa lamang sinasala na ang ‘yung kaalaman at kakayahan. Kaya’t marami pa rin ang nakakapasok sa “English Bridge Program”. At kung balak mong pumasa  sa lahat ng asignatura, kasipagan ang susi para ito ay makuha.  Kaliwa’t kanan o kahit saang dako pa riyan, Usepian ang nangingibabaw sa lahat ng larangan. Umaraw ma’t umulan, baha’y sinasabayan lang. Talaga naman, kaming mga USePian handang sumulong sa ngalan ng aming pinaglalaban (edukasyon). Edukasyon na nagsisilbing pondasyon tungo sa kanya-kanya naming mga pangarap.

               Nang ako’y maging ganap na USePian magpasahanggang ngayon ay lubos-lubos ang tuwa na aking nadarama, kahit isang pagsisi ay ‘di ko nagawa. At laking pasasalamat ko sa buong maykapal na ako ay napabilang na isa sa mga iskolar ng bayan. Dahil alam ko at alam nating lahat na iilan lamang sa libo-libong estudyante ang mapalad na nakakapasok sa ganitong klase ng pamantasan na kung saan ay kilala’t kabilang sa malalaki’t magagarbong kolehiyo sa buong Pilipinas. Kay ganda mang lasapin ang buhay bilang isang yanong USePian, ngunit ‘di maiwasang dumaan muna sa butas ng karayom bago matungo ang minitmithi ng bawat dalarita. Sa hirap at sa nakakalulang pakikibaka araw-araw sa mga iba’t ibang pagsubok at problema na nararanasan naming mga USePian sa loob ng eskwelahan ay minsan nakakaligtaan na ang kumain sa tamang oras at ang pagtulog ng maaga. Sa kadahilanang maihabol sa takdang-oras ang mga nakalaang gawain at kasali na diyan ang ‘di pagsasayang ng pinagsusumikapang  dugo at pawis ng mga nagkakandakubang magulang na walang humpay na sumusuporta sa mga anak na gustong makaahon sa kahirapan.

               Sa loob at labas ng unibersidad, ay minumulat ang mga USePian sa realidad ng buhay kung gaano kahirap ang mamuhay sa mundo na puno ng pagsubok at dilubyo. Na ang tanging kaalaman lamang na natutunan, at ang matinding pananalig sa poong maykapal na siyang “simula at wakas” ng lahat ng bagay dito sa mundo ang tanging paraan upang malabanan ang ipinaglalabang tagumpay para sa lahat.

               Inuudyukan ko ang aking talata ng “Maglakbay tayo tungo sa matuwid na daan at sa maliwanag na bukas, Bangon Yanong USePians!


Inilathala ni:
Sheena Liz B. Idpalina




No comments:

Post a Comment