Pages

Saturday, February 4, 2012


SAM_3302.JPGDavao City
Manganhi Kita!

Ang Davao City ay nasa bandang Mindanao ng Pilipinas Rehiyon 11. Napapalibutan ng mga bundok kaya ito malayo sa sakuna. Isa rin ang Davao na may pinakamalaking kinasasakupang lupain.

Bakit ka dapat pumunta ng Davao?

1.      KASAGANAHAN. “Tastes like heaven, looks like hell” kung tawagin ang Durian na siyang pinakasikat na prutas ng Davao. Matinik ngunit pagtinikman tsak ay tumpak sa iyong kalamnan. Sa mala-gatas nitong lasa siguradong ma-iinlab ka.

2.      TANAWIN. Matatagpuan din dito sa Davao ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ang “Mt.Apo”. Ito ay non-active na bulkan kaya hini delikado sa pagbisita nyo. Ang “People’s Park” ang mala-Lunetang parke sa Davao na kinagigiliwang puntahan ng mga Dabawenyo. Walang bayad kaya hindi mabigat sa bulsa. Nagkalat ang mga taga-inspeksyon sa parke kaya makakaasa kang may seguridad sa lugar. 

3.      SEGURIDAD.  Naging “zero casualty” ang Davao City sa selebrasyon ng bagong taon (2012). Ito ay nagbigay ng karangalan ng siyudad sapagkat sa buong bansa ang Davao lamang ang hindi nakapagtala nang taong nasaktan dahil sa paputok na kadalasang nangyayari. Nilangaw ang mga hospital sa kadahilanan na rin sa maigting na seguridad sa pagbebenta at pagpapasabog ng paputok. Isa ito sa katangian ng Davao na nag-udyok sa ibang lider na palaganapin ang batas sa kanilang lugar.

4.      KALINISAN. Pinatupad lamang noong nakaraang taon ang batas kung saan dapat ihiwalay ang nabubulok at mga hindi nabubulok na basura. May parusa o multa nag mga taong hindi sumusunod sa polisiya. Ito ay nagpapakita na ang mga Dabawenyo ang likas na malinis sa kapaligiran at maalaga sa kalikasan.

5.      MGA TAO. Syempre! Pupunta ka ng Davao dahil ang mga tao dito ay sadyang masayahin na talaga namang ugaling Pilipino. Disiplanado at matapat. Mababait ang mga taxi drivers na tsak pasasakyin ka tungo sa iyong pupuntahan. Mapagkawang gawa at matulungin sa kapwa.

Tara na! Biyahe na!

No comments:

Post a Comment