Pages

Wednesday, February 15, 2012

Diana,R.J-Buhay Usepian

“Buhay ko bilang isang USePian”

“Ang Buhay ay hindi tungkol sa paghahanap ng iyong sarili.
 Ang Buhay ay tungkol sa paglikha ng iyong sarili.


            Hindi pa lamang ako pumapasok sa Universidad ng Timog-silangang Pilipinas (University of Southeastern Philippines), ramdam ko na ang takot at pangamba dahil sa mga kinikwento sa akin ng aking mga kaibigang nag-aaral sa Unibersidad na ito. Dito raw ay mararanasan mo ang hirap ng isang tunay na mag-aaral. Dito raw makikita ang iba’t ibang kakayahan ng bawat mag-aaral dahil sa higpit at galing ng pamamalakad ng mga guro.

Sa mga sinasabi palang nila, natatakot na akong pumasok pa sa Unibersidad ngunit hindi ko ito inintindi dahil akala ko ay hindi ito totoo at tinatakot lamang nila ako. Ngunit sa tuluyan kong pagpasok ay nasabi kong mukhang tama nga ang sinasabi nila dahil sa “Entrance Exam” pa lang ay parang nawala lahat ang natutunan ko ng nasa sekondarya ako dahil sa haba ng mga katanungan at hindi ko naalala kung naituro ba ang mga iyon no’ng high school ako. Naramdaman ko dito palang ang pangamba sa pagtuloy ko ditto ng pag-aara. Sa awa naman ng diyos ay nakapasa ako sa exam ngunit sumailalim sa isang “English Bridge Program” kung saan nakatulong sa’kin upang lalong madevelop ang aking kaalaman.

Nang nag-umpisa na sa pormal na klase habang lumilipas ang panahon ay nagsisismula na ang paghihirap dahil sa rami ng mga kinailangang gawing proyekto at mga pagsusulit na humihirap. Normal lang naman ito sa bawat mag-aaral at ibang paaralan ngunit dito sa USeP naramdaman ko kung paano pinapahirapan ang bawat mag-aaral ngunit ramdam ko na ang bawat paghihirap na ito na ginagawa ng mga guro ay para matuto ang mga estudyante. At ang paraan naman nilang ito ay napaka epektibo naman. Dito maranasan mo ang tunay na kahulugan ng buhay. Dito lahat magagawa mo kung gugustohin at kakayanin mo.

Dito sa USeP nalaman ko kung paano maging matatag at matiyaga. Naranasan ko ang mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Dito naranasan ko ng lumuha dahil sa mga mahihirap na proyekto ngunit hindi ako sumuko dahil alam kong sinusubukan lamang ang kakayahan ko. Dahil dito nabigyan ako ng lakas ng loob at kung paano magtiwala sa sarili. Ditto hindi lamang talino ang basehan kundi pati ang iyong kakayahan sa anumang bagay. Sa mga nasasabi kong ito, ito ay dahil sa paghanga ko sa aking paaralan.

Sabi nila ang USeP ay paaralan ng mga mahihirap. Maaring tama sila ngunit ang bawat mag-aaral ditto, mahirap man ay mayaman parin sa kaalaman at kakayahan at dahil ito sa pamamalakad ng unibersidad.

Dito sa USeP, maranasan mong lunusong sa baha para lamang makauwi ng bahay, maranasan mo ang lahat ng kalokohan ng mga estudyante. Dito wala kang masasabi dahil ditto mo maranasan ang tunay na buhay. Maaring minsan maraming kalokohang ginagawa, laag-laag sa mga classmate para mag bonding, kopyahan tuwing may quiz o exam, tulungan sa mga proyekto kahit mahirap at higit sa lahat ay ang pagsabay-sabay niyong pagtapos.

Kahit ganito ang buhay sa USep wala akong pinaghihinayangan dahil alam ko na sa pagdating ng panahon makakamit ko ang lahat ng pangarap ko sa buhay at malaking bahagi sa buhay ko ang USeP.

No comments:

Post a Comment