Pages

Tuesday, February 14, 2012

ESTUDYANTENG USEPYAN


Reca G. Sepe
BTTE-2D
ESTUDYANTENG USEPYAN
        Dalawang taon na pala ang lumipas , kay bilis ng panahon.Hindi ko namalayan na nasa ikalawang taon na pala ako sa kolehiyo sa  isang presteryusong Unibersidad ng syudad ang “State U”.
         Naalala ko pa noong mga panahon na itinatak na sa isipan  ng mga magulang ko na dito talaga ako mag-aaral ng kolehiyo sa institusyon na ito.Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit dito ako nakipagsapalaran.Kahit sila ang pumili hindi ko naman ito pinagsisihan dahil napagtanto ko sa sarili ko na dito ako mas mapapabuti.Alam ko rin na gaya lamang nito na Unibersidad ako makakapag-aral dahil bukod sa mababa ang matrikula,marami pang mga binibigay na scholarship.Sino nga bang naghihirap na mga kabataan na gustong makapagtapos ng kolehiyo ang hindi kukuha ng ganitong oportunidad.Bukod sa mababa ang matrikula tinuturing rin ang ‘’USEP” bilang isang premira klaseng Unibersidad.
          Sa dalawang taon na pag-aaral ko dito sa “USEP” masasabi kong kakaiba talaga ang ESTUDYANTENG USEPYAN.Bakit nga ba kakaiba?Sapagkat pag estudyante ka ng USEP mahuhubog talaga ang buo mong pagkatao at may bonus points pa dito ka matutong manindigan kong ano ang tama at mali.Dito ka rin matuto ng pagkahaba-haba na pasenya at ang mghintay ng pagkatagal-tagal.
         Masasabi kong nahubog ang pagkatao ko dahil sa pag-aaral ko Unibersidad sapagkat dito ko napagtanto na kaya ko palang makagawa ng mga bagay na akala ko noon hindi ko makakaya,gaya ng pag gawa ng mga proyekto ng sabay-sabay,makaranas mg walang tulogan sapagkat kailangan ng ipasa ang mga kailangan ipasa .Ang umutang sa mga kaklase dahil wala ng pamasahe sapagkat naubos na sa pagpapa print. .Ang pinakamatindi ay ang  patuloy na lubusang mahalin  ang kursong kinabibilangan.Dito rin sa Unibersidad na ito natuto akong manindigan kong ano ang tama at mali dahil sa araw-araw na pag-aaral ko rito may mga bago akong nadisdiskubre at natutunan sa bagay-bagay.Natuto akong maghintay at magpasensya dahil sa mga patakaran na ipinapatupad sa paaralan,gaya ng paglinya sa isang napakahaba na linya para sa endrollment,makakuha ng certificate of goodstanding para sa scholarship.Matutong magpasenya dahil sa mga gurong gustong magpaulit ng mga proyektong pinaghirapan,magpasenya sa mga kakulangan sa paaralan.
           Sa lahat ng mga pagsubok na nararanasan at mararanasan ko pa sa Unibersidad na ito.Alam ko parte lamang ito upang lalo pang mapaunlad ang aking kaalaman sa lahat ng aspeto ng realidad ng BUHAY.Patuloy lamang ang pananampalataya ko sa puong maykapal ang lahat ay may dahilan kaya masarap pa rin maging “ESTUDYANTENG USEPYAN”.
           

No comments:

Post a Comment