Pages

Wednesday, February 1, 2012


 USEP

               Ang Usep ay isang magandang paaralan ditto sa lungsod ng davao kasi hindi ka basta bastang makakapasok ditto kung hindi ka nakapasa sa entrance examination at hindi Karin basta- bastang makakapasok sa gusto mong kurso kung hindi matataas ang iyong grado, at kung nakapasa ka man ay hindi parin yun kasiguradohan dahil marami ka pang pagdadaanan. Tulad ng interview, pipila ka muna sa napakaraming kabataan na gustong mag- aral ditto. Dahil sa sobrang dami nila baka bukas ka pa ma entertain.

                Ang paaralang ding ito ay sobrang istrikto sa mga estudyante, hindi sila nagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga bumabagsak. Kaya napipilitan kang mag-aral ng mabuti kasi natatakot kang bumagsak sa iyong mga subject. Maganda din ditto ang kanilang kapaligiran kasi malawak at malinis tamang tama sa mga estudyanteng mahilig mag – aral .

                Maganda din ang kanilang pasilidad dahil maraming mga materyales kang magagamit na makakatulong sayo upang lalong matuto .Magagaling ding magturo ang mga guro ditto dahil hindi nila pinapahintulutan na walang matutunan ang kanilang estudyante. Ipinapaliwanag nilang mabuti sa mga estudyante ang kanilang itinuturo para maintindihan nila itong mabuti. Kaya napakaganda talagang mag – aral sa USEP dahil marami kang matututunan sa iyong pag –aaral.

No comments:

Post a Comment