Pages

Tuesday, February 14, 2012

REOLYN-BUHAY USEPIAN


REOLYN J. TILULONG
BTTE-2D

KARANASANG HINDI MALILIMUTAN
                    
University of Southeastern Philippines o kadalasang tinatawag na USEP.  Isa sa mga  hinahangaang kolihiyo sa lungsod ng Davao City at maraming  nagnanais makapag-aral  dito. Dahil sa mura ang tuition rito at mahuhusay ang mga propesor na talagang mahuhubog ka.
May 2010, ito ang unang buwan kung saan una akong umapak sa  paaralang aking hinahangaan  ang USEp. Sa wakas at isa na ako sa mga estudyanting mag-aaral dito,na kung saan dito ko pinangarap ang matayog kung mga pangarap.matapos ang isang linggong klase sa “ENGLISH  BRIGE PROGRAM” nagsimula  agad ang “INROLMENT”.  Maganda ang umaga at napakasikat ng araw agad akong pumunta sa paaralan upang kumuha ng mga asignatura at bayaran ang kalahati ng matrikula.tiniis ko ang hada ta init ng pila na tila walang katapusan. Unang araw ng pasok,ako’y tila di magkamayaw sa tuwa,pangamba at takot na aking naramdaman. Sa loob ng isang taon naranasan ko na ang umiyak,matakot ,mangamba,mawalan ng pag- asa at hindi pagtulog para lang matapos ang proyektong ginagawa. Hindi ko akalain na tatagal ako sa sistemang ito,mura nga ang matrikulakulang na man sa mga gamit. Kailangan mo pang kumuha ng silya sa kabilang silid para makaupo  at  sa dinami-dami at di mawala-walang proyekto sa iba’t ibang asignatur. Hanggang  sa isang araw habang umuulan ako’y nabigla sa mataas na tubig na nasa  aking  harapan na nakalatag. Sa umaga napakainit at maalisangan ng silid aralan  at sa hapon napakataas na ng tubig. Ito pala ang BUHAY USEPIAN hindi ko lubos maisip kung paano ko natagalan at ng mga estudyanting nakapagtapos dito.
Hindi ko na lang iniisip ang mga aspetong ito, sa halip mas binibigyan ko ng pansin ang kapakanan ko kung paano malalampasan ang aking mga asignatura at magiging mahusay sa larangan ng aking propesyon.  Kahit maraming pagsubok ang darating sa ating buhay  panatilihing maging matatag at may pagtitiwala sa may kapal, tiyak na makakamit ang minimithing mga pangarap.    

No comments:

Post a Comment