Pages

Thursday, February 16, 2012

Roxane Rosello

BTTE-2D
BUHAY NG ISANG USEPIAN
Ang University of Southeastern Philippines ay isang kilalang unibersidad hindi lang sa Mindanao kundi sa buong mundo. Kaya kahit sino ay talagang nangangarap na makapasok sa kolehiyong ito. Isa nang karangalan sa mga estudyante ang makatuntong sa unibersidad na ito.
Noong una kong makita ang USEP talagang nanibago at namangha ako dahil sa laki ng field at laki ng lugar, ibang iba sa mga skwelahan namin sa probinsya. Nang ako ay kumuha nang entrance exam talagang kabado ako dahil pag hindi ko yun naipasa talagang hindi ako mkakakuha ng bachelor course kaya pinag igihan ko at talagang ginawa ko ang aking makakaya. Pero sa awa nang Diyos naipasa ko ang test at tuluyan na akong nakapag aral. Pero hindi naging madali ang buhay ko bilang isang usepyan dumaan ako sa ibat-ibang pagsubok, mula sa English Bridge Program hanggang ngayon, talagang hinuhulma ka nila para maging isang magaling at productive na graduate pagdating ng panahon. Pag tumuntong ka sa USEP talang maliking pagsubok ang ibibigay sayo, pagdating sa projects, exams, quiz , talagang napakahirap at palaging gipit sa oras. Pero kung talagang gusto mong magpatuloy haharapin mo anuman ang pagsubok na iharap at ipadadanas sayo.Kung sa bagay para rin naman sa ating kabutihan ang mga ito.
Ngayon sa awa ng Diyos ay nasa ikalawang taon na ako sa USEP bilang isang Bachelor of Technical Teachers Education major in Computer Technology. Kait anumang pagsubok pa ang dumaan haharapin ko at buong pusong tatanggapin dahil ang mga USEPIAN ay hindi sumusuko..

No comments:

Post a Comment