Pages

Tuesday, February 14, 2012

SHERWIN-BUHAY USEPIAN


SHERWIN MARK A. GOHETIA
BTTE-2D

KAKAIBANG KARANASAN SA USEP

Ang University of Southeastern Philippines ay isa sa kilalang skwelahan na mahirap pasukan dahil nga sa maraming prosesong pagdaraanan dito. Nagsisimula ito sa entrance exam pagkatapos ay iinterbyohin ka sa kursong kinuha mo pagkatapos nito ay papasok ka sa tinatawag nilang EBP o English Bridge Program. Ito ang mga prosesong pagdadaraanan mo kong gusto mong magaral dito. Bagamat mahirap ito pasukan pero marami pa ring mga estudyante ang gusting magaral ritokasi nga magagaling magturo ang mga titser dito at mura ang tuition.
Ako si Sherwin isa sa mga libu-libong estudyante na nakapagaral sa University of Southeastern Philippines, kumuha ng kursong BTTE o Bachelor of Technical Teacher Education. Sa unang pasok pa lang sa skwela kinabahan na ako kasi nga araming nagsasabi na matatalino ang mga estudyante dito at maraming mga terror na teacher. Nung kalaunan ay doon ko napagtanto na hindi naman pala lahat matatalino sa katunayan nga marami pa ang mga estudyante na hindi matatalino kaysa sa mga matatalino. Ang buhay Usepian ay hindi madali, kailangan mong maging matibay at matiyaga sa lahat ng bagay kasi sa dami ng project na ipagagawa sa iyo. Dito sa USEP ay hindi mo kailangan na maging masyadong matalino para lang malampasan mo ang pagiging estudyante rito. Kailangan lang maging matibay, matiisin at hindi umaayaw sa mga pagsubok o project na ibibigay sayo “bisag imposible nana buhaton”. Kung isa ka sa mga estudyante ng USEP marami kang mararanasan na hindi mo pa naranasan sa buong buhay mo. Kagaya ko, naranasan kong magbabad sa internet café na simula 5pm hanggang 7am para lang gumawa ng proyekto at para matapos ito. Makakaranas ka rin ng pag-iyak sa dami ng proyektong ipagagawa na animo’y machine gun, sunod-sunod. Kaya nga ang buhay Usepian ay masyadong napakairap lalo na kung ang mga guro mo ay masyadong masugnit o terror. Kung sa sembreak naman mararanasan mo ang walang pahinga dahil sa clearance na kaytagal matatapos hanggang abutan ka na lang ng enrolment.
Talagang hindi madali ang buhay usepian kaya nga kung may mga tao na nakatapos ditto ng pag-aaral ay masasabi kong proud ako sa iyo dahil sa nalampasan nila ang kalbaryo sa USEP. Kasi ito ang University na hindi lang talino angdapat mayroon ka kailangan rin ng tiyaga. Kaya naman kung mag-aaral kayo ng kolehiyo ay sa USEP namara maranasan mo ang naranasan ko.
     

No comments:

Post a Comment