Pages

Tuesday, March 13, 2012

"ANG AKING TALAMBUHAY"

INTRODUKSIYON

Ang buhay ay isang paglalakbay, ang mga panahon at oras ay bahagi na ng ating mga buhay. sa paglalakbay ay masasalubong mo ang mga pagsubok, kawalan at pagtatagumpay. Importanteng  hindi sumuko at kilalanin ang ating mga sarili.

NILALAMAN

Nagbunga ang pagmamahalan nina Ramon at Myrna Nocete sa ikatlong pagkakataon. sa ganap na 12:23 am ng February 10, 1988 ay isinilang amg malusog at matalinong batang si Roland.
tubong Mangagoy, Bislig , Surigao del Sur ako.
 Lumaki ako na puno ng pagmamahal mula sa aking mga magulang. Datapwat mapaglaro ang tadhana, naging kasiya-siya ang aking kabataan ngunit nakakaramdam din ng kalungkutan at pag-iwas sa iba. hindi kami mayaman na pamilya, ang tatay ko ay company worker at housewife naman ang nanay ko.
habang bata ay hinihikayat ako ni mama na  mag-aral ng mabuti at nagawa ko naman. May mga honors din akong natanggap noon.
Pagkatapos mag-sekondarya ay pumunta agad ako rito sa Davao City upang makapag-aral sa USEP. DT major in Electrical ang unang kurso ko at natapos ko ito noong 2009, sa kasalukuyan ay nasa ikalawang taon na ako sa kursong Bachelor in Technical Teacher Education.
Bagamat mahirap lang kami ay nagpasya akong magtrabaho habang nag-aaral. Work sa gabi at School sa umaga.  Sa Jollibee-Gaisano Mall ang first work ko, pang-gabi ang shift ko dahil umaga ang klase ko. Mahirap maging working student pero may pangarap ako at ayoko mabigo.
Sa kasalukuyan ay sa NCCC-HB1 ako nagtatrabaho. Buong college life ay working student ako. Umuupa lang ako ng kwarto dito sa obrero para may pansamantalang matirahan. Malapit lang ang boarding house ko sa USEP kunting lakad lang.
Sa paglalakbay ko sa buhay ay nagkaroon ako ng mga kaibigan. Mga kaibigang dumamay, umintindi, nagmahal at umaway sa akin. Hindi lahat ng mga tao ay totoo ang pinapakita. Mga kaibigan na tinanggap ako kung sino ako at kahit kunti ay pinahalagahan ako.
Ako ang uri ng tao na expressive, jolly, palabiro, matampuhin at responsable.
Sa kasalukuyan ay 24 taong gulang na ako at nasa ikalawang taon sa kursong BTTE. Naninirahan dito sa Davao City upang mag-aral. 5'7 ang height ko at medyo payat. kampante akong may mga magagandang bagay na nakalaan para sa akin, sa atin at patuloy na magmamahal sa DIOS.


KONKLUSYON:
Ang pagsasakripisyo  ay pagtanggi sa sarili mong kaligayahan at unahin muna ang kapakanan at pangangailangan ng pamilya at taong mahal mo. Sa mga napagdaanan natin ay may kalungkutan, pagsisisi ngunit ang importante ay huwag tayong sumuko at patuloy na matuto, magbahagi at higit sa lahat magmamahal..


Gawa ni: G. Roland Nocete

Monday, March 12, 2012

talambuhay


Ang Aking Talambuhay


Layag




Ako si Maureen Calimbas Bornea at ang ikalawang anak sa dalawa ng mag-asawang Esmeraldo A. Bornea at ang ina kong si Anabel C. Bornea. Ipinanganak ako sa Davao City noong Nobyembre 8, 1994. Si Maurice C. Bornea ang natatanging kapatid.
Ang aking ama ang tumayong unang guro ko noong ako’y dalawang taong gulang pa lamang. Siya ang nagturo sa akin kung paano isulat ang aking pangalan at kung paano magbilang. Pagkalipas ng isang taon, pumasok na ako sa isang Day Care Center sa Sarmiento Village Panacan malapit lang sa aming bahay sa edad na tatlo.


Ang F. Bustamante Central Elementary School ang pinasukan kong paaralan noong ako’y nasa Kinder pa sa gulang na apat noong 1998-1999. Naging honor student din naman ako at aktibo sa mga aktibiti sa eskwelahan tulad ng pagiging Girl’s Scout of the Philippines. Kinder hanggang Grade 6 ako nag-aral sa Bustamante hanggang 2006 sa gulang na 10.


Pagpatong ko sa high school, isa ako sa pinakabatang estudyante sa aming klase. First year hanggang fourth year ako nag-aral dito sa mga taong 2006-2010. Nakaenrol ako sa isang Katolikong institusyong paaralan, sa Holy Cross of Bunawan. Sa eskwelahang ito, natuto akong makasalimuha ang iba’t-ibang personalidad ng tao. Lalong-lalo na noong ako’y naging isa sa mga Crossian Scouts.  Kalahati ng pagkatao ko ngayon ang dahil sa paaralang ito. Dito nakatatak ang isa sa pinakamaligaya at pinakahindi makakalimutang pangyayayi sa aking buhay. Pinatibay ang paniniwala sa aking sarili at ang pananalig sa Panginoon. Ang paaralang ito ang nagbukas sa akin sa reyalidad na buhay na kung saan ang naging sandata ko sa anumang pagsubok.


Ang bagong kabanata ng buhay ko – ang kolehiyo. Ako ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa University of Southeastern Philippines. Sa unang taon ko (2010-2011), pinili ko ang kursong Bachelor of Arts in English major in Language. Unang pag-ibig ko ang English sapagkat ang third year English kong guro na si Miss Eden ang nagbukas sa akin upang mahalin ko ito. Nagkaroon ako ng masasayang kaibigan pero unti-unti kong nararamdaman na may kulang. Mahal ko ang English ngunit napagtanto ko na hindi pa oras upang maging kami. Kaya nagshift ako sa pangalawang kurso ang Bachelor of Technical Teacher Education major in Computer Technology (2011-kasalukuyan).


Ang College of Technology, ang aking kasalukuyang departamento. Dito ko napakita ng aking tunay kakayahan na gustong-gusto kong mangyari.  Naiibigay nito ang kaligayahan na nais kong madama. Napunan nito ang kung ano man ang kulang sa aking pagsisikap upang matuto.

      Rakizta

talambuhay qoh!!




Ako si Esre Mae R. Evangelista, labing taong gulang at pinanganak sa Los Baños Laguna nong Agosto 09, 1993 at anak nina Susie R. Evangelista at Elmer R. Evangelista at ang tawag naming sa kanila ay mommy at daddy. Pangalawa ako sa tatlong mag kakapatid na sina Esrely R. Evangelista na labing siyam na taong gulang at Esre Kae R. Evangelista na labing tatllong taong gulang. Nagtataka siguro kayo kung bakit puro may ESRE ang pangalan namin, dahil ang ESRE ay galling sa pinagsamasamang pangalan at apelyedo ng magulang namin na Elmer, Susie, Rimando, Evangelista.
Masagana ang buhay naming sa laguna dahil may flower shop ang lola ko na magulang ng daddy ko at may mga tricycle kami na pinparentahan naming kaya lahat ng gusto nakukuha ko dahil ako pa ang bunso sa panahong iyon at dalawa palang kami magkapatid, sabi nila “spoiled brat” daw ako sa katunayan totoo yun pero dati yun at nang dumating na sa buhay naming ang bunso naming ay nagbago ang lahat at nawala ang attention ng mommy at daddy ko sa akin at ang mahirap doon ay hindi ko na nakukuha ang gusto dahil palaging sinasabi ng mommy ko na “ unahin muna natin ang kapatid mo” doon ko na realize na mahirap palang magi ng ATE at nararamdaman ko na kung ano ang nararamdaman ng ate ko noong nasa akin pa ang lahat ng attention at ang pinaka malungkot pa doon hindi na ako nag kakaroon ng maayos na kaarawan dahil hindi na nila pinaghahandaan dahil busy na sila sa bunso naming pero kalaunan natanggap ko naman ang mga pangyayari sa buhay ko at nandyan pa naman ang lola ko na umiintindi sa akin at nagmamahal at nagbibigay ng mga gusto ko. Nag aaral ako ng elementarya sa Los baños Laguna elementary school pero hanggang grade 3 lang ako dahil kinakailangan naming lumipat ng tirahan dito sa Davao dahil gusto ng mama at papa ko na dito sa Davao tumira dahil sayang daw ang lupa naming ditto , dapat daw tirahan. Ang mama at papa ko ay ang mga lolo at lola ko na magulang ng mommy ko mama at papa lang tawg naming dahil doon na kami nasanay.
Kalaunan lumipat na talaga kami at naiwan ang lola ko doon dahil ayaw nya iwan ang business nya kaya nagpaiwan siya kasama ng mga kapatid ng daddy ko at mga pinsan ko. Paglipat naming ditto sa davao sabi ng mommy ko dapat daw kaming matutuo agad mag salita ng bisaya para maintindihan daw namin ang mga pinsan at mga relatives ng mommy ko. Paglipat naming dito nagkaroon agad kami ng mga kaibigan sila ay sina John Joey, Alona, Emelyn, Verlyn, Erica, Pax, Michael, Stephen, Paul jolly, Garry, Viktor sila ang naging kaibigan naming ng ate ko, dahil summer na pag dating namin dito kaya laro kami ng laro araw- araw hanggang naging “super Friends” na kami. Malaking pagbabago ang nangyari sa amin ditto sa davao dahil simula na tumira kami ditto palagi nalang silang nag aaway dahil sa pera at nang nagbukas na ang klase pinagpatuloy namin ang pag aaral naming sa Buhangin Central Elementary School at grade 4 at grade 5 ang stado namin sa paaralan, bagong kaibigan, bagong kapaligiran at ang pinaka mahirap doon ay ang mga tukso sa amin,  katulad ng “Tagalog Palaka”, syempre iba-iba kami ng silid aralan ng ate ko kaya walang araw na hindi ako tinutukso sa silid aralan kaya nagpaturo kami sa mga super friend ng bisaya kaya madali lang kaming natuto at nakakaintindi kaya mas naging ok na ang pag- aaral at hindi na ako tinutukso hanggang dumating ako ng grade 6 at grumaduate sa paaralang iyon. Malungkot at nakakahinayang dahil minsan lang sa buhay natin ang gagraduate nang elementary pero sinayang kko lang dahil sa isang sapatos. At nang umapak ako ng High School  sa Bernardo D. Carpio National High School doon mo mararanasan ang mga kalokohan atr enjoyment. Subalit nang tumuntong ako ng kolehiyo sa University of Southeastern Philippines doon ko nalaman ang mga prioridad ko sa buhay. Mahirap ang buhay kolehiyo dahil minsan wala ka na talagang tulog dahil sa mga projects. At sisiguraduhin ko na makakagraduate talaga ako. At ditto nagtatapos ang aking talambuhay.

Sunday, March 11, 2012

Reca Sepe TALAMBUHAY



”TALAMBUHAY



      Sa lugar  na kung tawagin ay Brgy.Acacia Davao City.Isinilang ang iisang ako.Isinilang ako noong ika labing pito ng abril taong isang libo’t siyam na daan siyam na po’t apat,dahil sa pagmamahalan nila Rogelio Sepe at Conchita Sepe.Ako ang panganay sa aming magkakapatid.
      Nakamalay sa isang pamilyang masasabi kong perpekto,sapagkat masaya at kompleto kami at payapang nabubuhay.Nasusunod ang mga bagay na gusto ko,at pag kailangan ko ng suporta palaging nandyan ang pamilya ko pero hindi ko inakalang maramdaman ko lang ito sa kunting panahon akala ko pang habangbuhay na iyon.Sa isang iglap kasi nawasak ang pamilya ko,kaybata ko pa atb ng aking kapatid para maranasan ang ganitong pangyayari.Dahil na rin sa kamusmusan wala akong nagawa sa desisyun ng aking magulang,pumayag ako nagsunud-sunuran sa desiyun ng aking magulang.Hindi ko na ipahiwatig sa kanila kong ano ang nasa loob ko.Ibinaon ko na lamang ito sa aking puso ang sakit at pighati buhat ng pangyayaring iyon ang buhay ko ay nagkaroon ng kulang.
      Sa pangyayaring iyon ang itay ko ang pumili sa amin ng kapatid ko,kasi sabi ng nanay ko hindi niya kami kayang buhayin  kaya mas mabuti ng sa itay ko na lamang kami manunuluyan.Ang itay ko na ang nag alaga sa amin simula ng maghiwalay sila pitong taon na ang nakalipas. Nakapagtapos ako ng elementarya taong dalawang libo’t lima,naala ko pa kumpeto pa kami,pero naka plano na pala ang lahat kailangan lang pala na makatapos ako elementarya para makapaghiwalay na sila.Dahil naka plano na nagkaroon nga ito ng katuparan.
      Nang nasa sekondarya nahihirapan na ako,kasabay kasi ng paghihiwaly ng magulang ko ay pagpasa ng inay sa kanyang responsibilidad sa akin.Pero dahil na rin sa tulong ng tatay ko nalabanan ko naman ang mga pagsubok ng buhay.Hindi ko na nga namalyan na makakagtapos ako ng walang tulong ng nanay ko.Nakapagtapos ako ng sekondarya taong 2010 sa Teofilo V. Fernandez N.H.S Davao City.
    Nang Nakapagtapos ako agad akong sumulit sa ibat-ibang Unibersidad upang makakuha ng Scholarsip.Isa nga sa pinag sulitan ko ay ang USEP,pinalad naman  nakapasa ako sa pagsusulit at labis itong ikanatuwa ng aking itay dahil ito ang kanyang pamgarap para sa akin.Kaya nandito ako kasalukuyang nag-aaral sa USEP,patuloy na lumalaban sa laban ng buhay.

SHERWIN MARK A. GOHETIA - TALAMBUHAY


MAKULIT NA BATA




Ang buhay ay isa sa mga biyaya ng panginoon sa bawat isa sa atin. Dahil sa biyayang ito Malaya tayong makakagalaw, makakapagisip at Malaya sa anumang desisiyon sa ating buhay. Kaya naman maaari itong masayang o nabibigyan ng kahalagahan sa lipunan. Nasasayang kasi hindi nila natuklasan kung anu ang plano ng panginoon sa kanila. Bago pa man maisilang ang isang tao may nakalaan na magandang buhay ito na ginawa ng panginoon. Bagamat kailangan natin itong hanapin o tuklasin kung anu talaga ang plano ng panginoon sa atin. May isang buhay akong ikukwento sa inyo,marahil ang buhay niya ay nabago dahil na rin sa presensya ng panginoon sa kanya at sa kanyang pamilya. Ang buhay na ikukwento ko sa inyo ay ang aking buhay.
Ito ang storya ng aking buhay. Noong ika dalawangput lima ng hunyo isang libo siyam na raan siyamput isa, sa bahay ni Inday Guisok na isang midwife sa Dumanlas, Buhangin Davao City isinilang ako. Pinangalanan ako na Sherwin Mark, nakatira ako sa BLK. 7 LOT 18 Spring Valley, Buhangin, Davao City at dito na ako lumaki at hanggang ngayon dito pa rin ako nakatira. Ang magulang ko ay sina Winie Gohetia na aking ama at si Dominga Gohetia na aking ina. Tatlo kaming makakapatid at ako ang pangalawa, ang pangalan ng aking panganay na kapatid ay si Shiela Mae Gohetia at an gaming bunso naman ay si Sheryn Mae Gohetia. Sabi ng mama ko na nung baby pa lang raw ako ay hindi daw siya masyadong napapagod sa akin kasi sa aming magkakapatid ay ako lang yung hindi iyakin, tulog lang daw ako ng tulog. Noong marunong na raw ako maglakad, sabi ng mama ko na ako daw yung pinakamakulit na bata sa aming magkakapatid. Kahit saan ako napupunta kasi nga naman makulet. Kaya naman nung ako ay nasa limang taon na may nangyari masam kasi sa bakuran namin mayroon doong isang septic tank na may butas na pagmamay-ari n gaming kapitbahay. Sabi pa daw ng papa ko sa aming kapitbahay na ipakumpuni na daw yung butas ng sptik nila kasi nga daw baka may maaksidente doon. Yung kapitbahay naman naming ay puro oo ng oo na lang walang ginagawa kaya nga naman nung araw na naglalaro daw ako sa amin at hindi namalayan ng aking mga magulang na naglalaro nap ala ako dun sa bakuran naming at sa kakulitan ko ay nahulog ako doon sa butas ng septic tank. Nung nagpunta yung tito ko sa aming bakuran para mag-ihi ay may nakita siyang paa ng isang bata na nasa butas, nilapitan niya ito at iniangat yung paa, doon pa niya nalaman na ako pala yung bata na iyon. Buti na lang nandoon yung tito ko kasi kung wala, ewan ko na lang. dahil sa pangyayaring iyon ay muntikan ng makapatay yung papa ko sag alit niya sa kapitbahay namin. Isa iyon sa mga hindi ko malilimutan na sinabi ng mama ko sa akin. Mula nung manyari iyo ay hindi na daw ako masyadong makulit. Nag-aral ako ng elementary sa Kapitan Tomas Monteverde Sr. Central Elementary School at nagtapos ako doon noong Abril, Dalawangput libo at Tatlo. Sa sekondarya naman ay sa Davao City National High School. Dito ako natuto ng mga masasamang Gawain tulad ng cutting classes’ para lamang maglaro ng counters strike at DOTA sa mga internet café. Nung nasa ika apat na baitang na ako sa sekondarya at patapos na sa highskul ay naguguluhan ako at natakot kasi kolehiyo na ang susunod. Kasi sabi ng iba na mahirap na daw ang kolehiyo at sabi naman ng mga kaklase ko na sa USEP raw kami mag-aral. Pero nahuli ako ako sa pagtake ng exam kasi hindi ako agad nabigyan ng pera ng aking mama kaya hindi na lang ako nagtuloy sa USEP. Kaya nagpagpasyahan ko na sa Samson Technical Institute na ako mag-aral ng kolehiyo sa kursong Electronics Technology. Ito yung kinuha ko na kurso kasi may konti na akong alam sa electronics kasi ito rin yung elektib subject nung ako’y nasa highskul pa. Natapos ko itong kursong ito noong Abril, dalawangput libo at siyam. Pagkatapos ko ng kolehiyo ay nakapagtrabaho ako bilang isang helper sa Asia Brewery na pinagtatrabahuhan rin ng papa ko. Lumipas ng ilang buwan, dun ko napagtanto na ang hirap pala ng trabaho ng aking papa para lang may maibigay na pera sa mama ko para pambili ng pagkain naming. Napagisip-isip ko rin na bumalik sa pag-aaral at nagkataon rin na sinabihan ako ng aking pinsan na nag-aaral sa USEP at ipapapasok niya daw ako sa scholarship na kung saan skolar rin siya doon. Kaya naman lumakas ang loob ko na mag-aral talaga ulit. At yun nga ang nangyari, nakapasok ako sa scholarship na CIBAC at pumasa din sa entrance exam sa USEP at doon ay naging isa na ako sa Usepians….jejeje. Ang kursong kinuha ko sa USEP ay BTTE major in Electronics kasi gusto ko ipagpatuloy ang aking natapos sa STII na Electronics Technology, pero ditto it’s all about teaching na sa Electronics.
At iyon nga ang aking buhay. Salamat sa pagbabasa nito. Sana naaliw ka sa buhay ko o nakarelate ba…jejeje. Salamat. Godbless.        
            

talambuhay aubx

 AUREY JEAN P. ASILO
BTTE-2D


Ako Bilang Aking Sarili


                                     Sa mundong ginagalawan ko ngayon ibat-iba ang aking mga nakikita o napapansin sa mundong ito may mga taong sadyang simple lang ang pamumuhay at mas nakakarangya sa pamumuhay.
                                         
                                Ako nga pala si Aubrey Jean P. Asilo isinilang sa taong septyembre 09, 1993 at kasalukuyang nag-aaral sa University of Southeastern Philippines. Kung maituturing ko ang aking sarili ako ay isang  simpleng tao lamang na namumuhay kasama ng aking pamilya  masasabi ko rin na ang pamilya kong ito ang nagiging inspirasyon ko dahil kahit ganito ang pamumuhay naming binubuo parin kami ng tuwa at galak sa aming mga sarili.
                                Ako bilang aking sarili ay isang taong puno ng mga pangarap sa buhay kung saan nais kong tumulong sa aking pamilya sa pagdating ng panahon. Ngayon patuloy ko pa ring inaabot ang aking mga pangarap sa paaralang pinapasukan ko ngayon sa kursong BTTE kung saan mas lalong tinitibay ang aking lakas ng loob. SA buhay kong ito madami akong katanungan na bumabagabag sa aking sarili una na dito kung bakit ang buhay sadyang parang gulong? siguro sinadya ng diyos ito para marunong tayong tumanaw at maging proud sa ating pamumuhay,  sa ngayon napabilang lang ako sa apat na myembro na pamilya at dalawa lang kami na magkapatid , syempre ako ang panganay. Panganay sa aking pamilya na minsan medyo makulit pero kahit ganun masaya ako sa napabilangan kong pamilya sapagkat ang mga taong ito ang siyang nagpalaki at nag-paaral sa akin  at utang ko ang loob k sa kanila . Ngayong malaki na ako at nasa tamang edad na nais kong sabihin na kiahit anong mangyari sa buhay kong ito at kahit hindi ko alam ko ano ang magiging kapalaran ko sa aking buhay  iisa parin ang hangarin ko ang  matulongan ang aking mga minamahal sa buhay  at patuloy na mag-aaral para sa aking mga minamahal na pamilya. Isa lng akong simpleng tao na sa buhay ay puro masasayang bagay ang gusto kong marinig dahil ayaw ko ng ibalik ang mga bagay bagay na nadaanan ko sa mga nagdaang panahon na minsan kong nasaktan ang akin sarili . pero sa ngayon  patuloy parin akong umaasa sa mga sasapit na masasayang bagay na gusto kong makantan sa pagdating ng panahon.

                            Sa buhay na ating ginagalawan  ngayon isa lang masasabi ko ang mga di imposibl eng bagay sa ngayon sa paglipas o pagdating ng panahon ay magiging  posble rin ito sa pagdating ng mga susunod na henerasyon. AKO BILANG ay matapos ko ang kurso kong sinimulan ng sa pagdating ng mga araw ako naman ang tutulong sa mga taong tumulong sa akin nong ako pa ay nangangailangan ng tulong.

AKING SARILI ay patuloy na mabubuhay at maging matapang sa lahat ng mga pagsubok na darating sa aking buhay.  Sana sa taong ito patuloy ko pang malalasap ang bagay bagay na  na ako lang ang makakabigay at maging asarap sa pamumuhay.

  Hanggang sa susunod!!.......
 
                                                    Thank You. ♥♥




                                                              

REOLYN J. TILULONG - TALAMBUHAY


TALAMBUHAY

Sa isang isla na tinatawag na samal na nakatira si Reolyn Jamora Tiluong. Doon siya nagkamalay, nag-aral at lumaki, tatlo silang magkakapatid sina Michelle Jamora Tilulong na siyang panganay. Ang pangalawa naman ay si Rey Jamora Tilulong at ang bunso na si Reolyn Jamora Tilulong. Ang kanilang mga magulang ay sina Repoldo M. Tilulong at Olandria J. Tilulong at ang tanging hanapbuhay ay pagtatahi.
Si Reolyn Jamora Tilulong ay ipinanganak noong Nobyembre 18, 1989 sa San Isidro Dist. Island Garden City of Samal. Nang magbuntis pa ang kanyang ina sa kanya ay napakasagana ng kanilang hanapbuhay hanggang ito ay makapanganak. At doon nila natuklasan na may kasabay pala itong ahas na nakatira din sa kanilang bahay at ito ang nagdala ng swerte sa kanila. Subalit ng ito’y kanilang nakita nanguna pa rin ang takot nab aka saktan ng aha sang noo’y munting sanggol pa lang na si Reolyn. Pagkalipas ng ilang taon pamamalagi doon ay lumipat sila sa babak at doon na nag-aral ang tatlong magkakapatid. Nagtapos si Reolyn ng elementary sa Angel Villarica Central School at sa sekundarya naman ay sa Holy Cross of Babak Inc. na isa sa mga skolar. Nang dumating sa 18 na taong gulang siya ay nagdesisyon na magtrabahoi para makatulong sa magulang. Nagtrabaho siya bilang Sales Clerk sa Warehouse Club Inc. ilang taong lumipas nagpasya siyang magpatuloy sa pag-aaral sa koliheyo. Kaya naman taong 2010, kumuha siya ng entrance exam sa USEP at sa awa ng Diyos ay nakapasa siya ng “four degree courses”. Nag-aral siya sa USEP at kumuha ng kursong Bachelor of Technical Teacher Education o BTTE major in Electronics. Ngayon ay nasa pangalawang taon na at patuloy na lumalaban sa mga pagsubok sa darating sa kanyang buhay at pag-abot ng kanyang mga pangarap. 
            

talambuhay


















ANG AKING TALAMBUHAY
BY: Ofilan, Michelle P.


Hindi akalain ng aking mga magulang na mabibigyan pa sila ng isang sanggol na kulot ang buhok, hindi masiyadong maputi, at may pagkamurina. Nang ipinanganak noong ika-18 ng hulyo taong 1992 na halos ikamatay ng aking ina. Bunso ako sa anim na anak nina ginoo at gng. Rinita at Agustin Ofilan. Lumaki akong naramdaman talaga ang pagmamahal ng aking mga pamilya lalong-lalo na sa akingapat na kuya.
Habang ako ay lumalaki at nasa limang taong gulang na, hindi ako nakatungtong ng kinder Garten dahil sa pagkakasakit ng aking ate. Ipinasok ako ng aking Ina ng diretso sa Pampublikong Paaralan sa baitang. Nakaya kong magtoto at makipagsabayan sa aking mga kaklase sa murang edad. Naging maganda ang aking karanasan sa taong nasa elememtarya pa ako. Doon nahasa at nadiskubre ang aking talento sa pagsasayaw at pag aawit  at nakapagtapos ako ng mat karangalan.
Noong nasa hayskul na ako sa isang Pampublikong Paaralan sa aming lugar sa Probinsya ng Mlang North Cotabato. Nanatili ako sa unang  Seksyon sa buong apat  na taon sa hayskul. Naging nakaranasan ang hayskul sa naging buhay ko habang ako ako ay lumalaki at nagkaisip. Doon ako natoto ng bagay-bagay na lalong-lalo na sa mga naging karangalan ko sa buhay ng hayskul ako. Nanalo ako sa isang kontest noong nasa ika-apt na taon ako sa hayskul nakamit ko ang titulong MUTYA NG AGHAM  sa isang paligsahan sa  aming Science Culmination. At nakapagtapos ng may karangalan pa rin.
Napagpasyahan ng aking magulang at mga kapatid na sa syudad ng Davao ako mag-aral ng Kolehiyo. Sa Unibersidad ng Timog Silangan ng Pilipinas, dahil hindi ako ako swerte at hindi ko ipinagbuti ang aking pagsusulit bago nakapasok sa Uniberisdad, nabigyan lamang ako ng pagkakataon sa kursong Diploma of Technology. Napakababa ng tingin ko sa aking sarili sa mga panahong iyon, disisyon ng aking mga kapatid sa akin. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Unibersidad dahil sa takot na hindi ako mabigyan ng pagkakataon makapag-aral sa Kolehiyo.
Hindi ko akalaing ang kursong ipinagpatuloy kung kunin sa kolehiyo kong gusto ang nakapagbibigay ng malaking  pag-asa upang makaranas ng hindi ko inaasahan. Ika nga nila, Dios lang ang nakakaalam kung ano talaga ang posibleng takbo ng ating buhay. Nabigyan ako ng pagkakataong makapunta ng Singapore kung saan doon ako nag On The Job Training sa huling taon ko sa kolehiyo. Hindi ko akalaing ang  ayaw na ayaw kong kurso ang nakapagbigay ng isang hindi ko malilimutang karanasan sa halos anim na buwan kong panatili sa singapore.
Doon ko natutunan kung paano mabuhay na malayo sa aking pamilya at sa minamahal. Hindi ko nabanggit agad na nagkaroon ako ng kasintahan nong nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo. Nasanay akong parati        siyang malayo sa akin dahil sa kanyang trabaho at pagiging seaman. Dalawang taon lamang ang naging pagitan sa aming dalawa sa edad, at sa halos dalawang taon naming relasyon nananatili paring matibay, masaya at may pagmamahalan kahit sa dagat pa ang pagitan.
Pagkalipas ng anim na buwan ko sa singapore, umuwi agad ako sa Pilipinas para sa aking pagtatapos sa kolehiyo sa mataas na programa ng Mechanical Technology. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa pangalawang pagkakataon ko sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Technical Technology Education. At kung papalarin halos tatlong taon kung pag-aaralan ang kursong BTTE at inaasahang makapagtapos sa taong 2014 na medyo katagalan sapagkat may determinayson pa rin akong makapagtapos sa ikalawang pagkakataon.




                                    
Paglalakbay

by: Kris Jhon Papasin

 

Ang buhay ng tao ay tila isang mahabang paglalakbay. Paglalakbay na di natin alam kung saan ang rota na ating tatahakin. Sa araw-araw nating buhay, iba’t-ibang leksyon ang ating nakukuha. Sa paaralan palang, maramin na tayong natututunan, idagdag pa natin ang mga eksperyensya na ating natututunan sa labas ng paaralan. Kung kaya’t, sa paglalahad  ko ng aking buhay, sana ay may matututunan kayo.

Ako si Kris Jhon Papasin, nagka-isip ako sa isang simpleng lugar dito sa Davao. Isinilang ako noong ika pito ng hulyo, taong 1993. Isang gwardiya ang aking tatay na nag ngangalang Lucrecio, at isang mabuting may bahay naman ang aking inay, Gina ang ngalan nya. Ako ang panganay sa aming pamilya, may isa akong bunsong lalaki, ang ngalan niya ay Jayson. Masasabi kung isa kaming masaya na pamilya, sapagkat kahit di kami mayaman, kuntinto naman kami sa aming buhay dahil kompleto kami.

Nagtapos ako ng aking elementary sa mababang paaralan ng SIR. Sa awa ng diyos, simula kinder hanggang ika-apat na baytang, ay nakuha ko ang unang pwesto. Ngunit sa ika-lima at ika-anim ay hindi na, pero masasabi ko parin na mapalad ako kasi napabilang ako sa mga nangungunang estudyante.

 Sa Mataas na Paaralang ng Sta. Ana naman ako nag high skul. Dito, masasabi ko na ibang level talaga ang pagiging buhay estudyante ko kasi, di lang daan-daan ang kalaban ko sa pagiging top kundi libo-libong mag aaral. Sa awa ng Diyos, naka tapos naman ako na may ngiti sa aking mukha dahil isa ako sa mga nangungunang estudyante. Sa kasalukuyan, nag-aaral ako sa USeP. Ngayon, nakikipaglaban ako sa mga problema , pisikal man o emosyonal. Naglalakbay sa buhay na tila di alam kung makakaraos ba o hindi sa mga problema na pinapasan.

Lahat ng tao, may mga kanya-kanyang mga ayaw at gusto. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung kinukumpara ako sa iba. Pangalawa, yung may karibal ako sa bagay na gusto ko, at ang huli, yung mga taong sinungaling. Mahilig naman ako sa musika, ngunit, tila huli na ng aking na diskobre na may kunting talent pala ako dito. Kasi, sa pagkakaalala ko, nung pag-graduate ko ng hay skul, ay “A “ lang na chord ang alam ko, HAHAHAHAHA.  Marunong ako kunti ng gitara, bass at keyboard. Sa kasalukuyan, may tatlo akong banda, kaso bago pa ako sa isa. Ang dalawa kung banda naman ay mga kasama ko sa simbahan, tumutugtog kami tuwing may mga malalaking program ang Archdiocese ng Davao. Tumutugtog ako ng mga misa sa aming kapilya at paaralan. Ito ang aking pasasalamat sa may kapal sa binigay niyang talento sakin. Kahit huli na ang aking pag diskobre sa aking talento , pinipilit ko parin mag praktis para maging magaling sa hinaharap.

Ang buhay talaga ay isang mahabang paglalakbay. Di talaga natin alam kung ano ang ating kahihinatnan. Kaya dapat, di natin sayangin ang mga pagkakataon na ibinigay ng mga tao na nakapalibot sa atin at ng ating Panginoon.