Pages

Sunday, March 11, 2012



                                    
Paglalakbay

by: Kris Jhon Papasin

 

Ang buhay ng tao ay tila isang mahabang paglalakbay. Paglalakbay na di natin alam kung saan ang rota na ating tatahakin. Sa araw-araw nating buhay, iba’t-ibang leksyon ang ating nakukuha. Sa paaralan palang, maramin na tayong natututunan, idagdag pa natin ang mga eksperyensya na ating natututunan sa labas ng paaralan. Kung kaya’t, sa paglalahad  ko ng aking buhay, sana ay may matututunan kayo.

Ako si Kris Jhon Papasin, nagka-isip ako sa isang simpleng lugar dito sa Davao. Isinilang ako noong ika pito ng hulyo, taong 1993. Isang gwardiya ang aking tatay na nag ngangalang Lucrecio, at isang mabuting may bahay naman ang aking inay, Gina ang ngalan nya. Ako ang panganay sa aming pamilya, may isa akong bunsong lalaki, ang ngalan niya ay Jayson. Masasabi kung isa kaming masaya na pamilya, sapagkat kahit di kami mayaman, kuntinto naman kami sa aming buhay dahil kompleto kami.

Nagtapos ako ng aking elementary sa mababang paaralan ng SIR. Sa awa ng diyos, simula kinder hanggang ika-apat na baytang, ay nakuha ko ang unang pwesto. Ngunit sa ika-lima at ika-anim ay hindi na, pero masasabi ko parin na mapalad ako kasi napabilang ako sa mga nangungunang estudyante.

 Sa Mataas na Paaralang ng Sta. Ana naman ako nag high skul. Dito, masasabi ko na ibang level talaga ang pagiging buhay estudyante ko kasi, di lang daan-daan ang kalaban ko sa pagiging top kundi libo-libong mag aaral. Sa awa ng Diyos, naka tapos naman ako na may ngiti sa aking mukha dahil isa ako sa mga nangungunang estudyante. Sa kasalukuyan, nag-aaral ako sa USeP. Ngayon, nakikipaglaban ako sa mga problema , pisikal man o emosyonal. Naglalakbay sa buhay na tila di alam kung makakaraos ba o hindi sa mga problema na pinapasan.

Lahat ng tao, may mga kanya-kanyang mga ayaw at gusto. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung kinukumpara ako sa iba. Pangalawa, yung may karibal ako sa bagay na gusto ko, at ang huli, yung mga taong sinungaling. Mahilig naman ako sa musika, ngunit, tila huli na ng aking na diskobre na may kunting talent pala ako dito. Kasi, sa pagkakaalala ko, nung pag-graduate ko ng hay skul, ay “A “ lang na chord ang alam ko, HAHAHAHAHA.  Marunong ako kunti ng gitara, bass at keyboard. Sa kasalukuyan, may tatlo akong banda, kaso bago pa ako sa isa. Ang dalawa kung banda naman ay mga kasama ko sa simbahan, tumutugtog kami tuwing may mga malalaking program ang Archdiocese ng Davao. Tumutugtog ako ng mga misa sa aming kapilya at paaralan. Ito ang aking pasasalamat sa may kapal sa binigay niyang talento sakin. Kahit huli na ang aking pag diskobre sa aking talento , pinipilit ko parin mag praktis para maging magaling sa hinaharap.

Ang buhay talaga ay isang mahabang paglalakbay. Di talaga natin alam kung ano ang ating kahihinatnan. Kaya dapat, di natin sayangin ang mga pagkakataon na ibinigay ng mga tao na nakapalibot sa atin at ng ating Panginoon.

No comments:

Post a Comment